............... | Sa aking
mga kapatid,
Oh! Gusto kong ibahagi sa inyo
ang aking mga pangarap
Dapat nating pag-ibayuhin ang
ating mga kakayanan at maging sanay
Ang ating sariling pagkakalinanan
at estado na ating di pa alam
Ating tinanggap na ang ating
buhay ay higit na nakalaan para sa iba
Sa paglabas sa ating mga tahanan
nagawa nating alisin ang takot
Kumayod, ating paring gagawin,
pero ngayon ay para na rin sa negosyo
At maging malaya sa ngayong
maaari na tyong kumita para sa ating sarili
Kung paano nila tayo pinatawan
ng interest na higit sa sinasaad ng batas
Hindi tayo mawawalan ng opurtunidad
dahil sa mga laan ng mga nagnanais na tyo ay magtagumpay
Idagdag pa dito ang lakas ng
ating grupo na dapat nating pag-ibayuhin
Noong panahong tayo ay nagtatago
sa likod ng belo* at pintuan
Para manatili sa ganitong kalagayan,
wala na tayong dahilan
Sa ating malinis na isipan
dapat tayong sumulong
. -- Vaidehi Krishnan |
Pagsasalin ni Vaidehi Krishnan sa prosesong pagkupo sa nilalaman ng puso ng isang babaeng tagapagsanay na may motibasyonmagiging negosyante’ babae sa bayan/pinuno ng grupo na para programa sa pagsasanay sa maliliit na negosyo sa isang bayan sa Orrissa, India, noong December, 2001. Ang tulang ito ay di inaasahang magawa, sa silid n kanilang pinagsasanayan, sa lokal na salita “Oriya” ng isang babae na gustong isaad ang kanyang nararamdaman sa mga kababaihang tulad nya sa kanilang bayan na hindi pinalad na makasama sa kanya upang lumahok sa pagsasanay. |
Nakapagtatakang, inakala ni Vaidehi na ang tulang ito para sa kababaihan, na makikita sa iba't-ibang pahina, na isa sa mga aralin sa konsepto ng negosyo na dapat isama sa pagsasanay, dahil sa kanyang interest dito, nagtanong-tanong siya at kanyang napagalaman tungkol dito. Ginawa nyang hamon ang situasyon, at isinalin din ito sa ‘Hindi,’ pambansang lenguahe, at isinalin sa ingles, pinanatili ang madulang ayos |
Tula |
Isinalin ni Victoria de Jesus |