Mga Pagsasalin-wika:
Socyolohiya:
|
MGA DIMENSIYONThere are six of themsinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Ernie VillasperAng bawa’t dimensiyon na pangkultura o panlipunan ay katulad ng matematikong dimensiyon sa pangkalawakan (kataasan, kailaliman, kalaparan) dahil sa kanilang mapanuring katangian, hindi mula sa obserbasyon; ang pag-aalis ng anumang dimensiyon, samakatwid, ay mag-aalis ng lahat ng iba pang mga dimensiyonMayroon tayong anim na dimensiyon. Lahat ng ito ay natututuhan, binu-buo ng mga sistema at simbolo, panlipunan (mga paniniwala at ugali, hindi ang mga tao) at hindi dinadala o nakaimbak sa pamamagitan ng ating mga gene. Tingnan ang Anim na mga Dimensiyon. Teknolohiya: Dapat nating gamitin ang salitang “kasangkapan” at ipaliwanag ang (1) pagiimbento, (2) paggamit at (3) pagtuturo sa mga tao upang lumikha at gamitin iyon ay ang dimensiyon na pangkultura, hindi ang mga mismong kasangkapan. Sa Ekonomika, ito ay tinatawag na “puhunan”, ang kayamanang naibunga hindi para sa madaliang paggamit nguni’t upang dagdagan pa ang paglikha. Ekonomya: Kailangan ay ating tukuyin ang paglikha at pamamahagi ng kayamanan; na dati ay hindi nangailangan ng salapi nuong mga unang lipunan at ngayon sa ibang mga sangkap ng ating lipunan, halimbawa sa bahay at sa ating mga kaibigan. Ang kayamanan ay anumang bagay na may halaga at ang halaga ay batay sa kung gaano ito kapaki-pakinabang at kakaunti. Dito ay maaaring kasali ang mga kalakal at serbisyo, subali’t ang kalakal ay kasali lamang batay sa serbisyo na ibinibigay. Ang salapi ay hindi kayamanan, nguni’t ito ay isang panakal at paraan upang magimbak at magpalitan ng kayamanan. Ang dimensiyon na pangekonomika ay hindi lamang isang hanapbuhay, pagbili, pagbenta. Ang mga bagay na ito ay partikular sa kultura dito sa Kanada, nguni’t hindi pandaigdig sa ibang mga kultura at lipunan. Ang pampolitikang dimensiyon ay nakaugnay sa kakayahan at impluwensiya. Dito ay kasali ang kapangyarihan at ang mga klase noon (tradisyonal, maalabahin katulad ng mga tauhan sa kawanihan, o nakakabighani). Ang pulitika ay hindi pareho ng ideolohiya (na kasali sa dimensiyon na pangkabuluhan) o kaya ay ang partidong pulitika lamang (na hindi mga institusyon na pandaigdig). Ang dimensiyon na panlipunan, pakikipagtulungan o panginstitusyon ay tumutukoy sa mga huwaran ng pakikipagtulungan, panlipunang organisasyon; mga kahulugan na ating ikinakabit sa bawa’t isa; ang ating paggawad ng ating sarili, mga tungkulin. Ang mga halimbawa nito ay ang pamilya o kaya ay ang kaurian. Kabuluhan, Ideolohiya; Karilagan: Ang mga kabahaging kabuluhan na ating ibinibigay sa mga pagpapasiya kagaya ng mabuti o masama, maganda o pangit, tama o mali. Mga paniniwala na pangkamunduhan; ito ay ang mga palagay na tungkol sa kung paano ang sansinukob ay tumatakbo. Mga panrelihiyon na paniniwala –– at marami pang iba. Note: The number two, for example, is an analytical concept, not an empirical one. If you see two apples, for example, the number two is in your head, not an intrinsic characteristic of the apples. See Epistemology. ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |