Pangunahing Pahina
 Tubig




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

TEKNOLOHIYA SA TUBIG PARA SA TAGAPAGPAKILOS

Pagdadala ng Tubig sa mga Tao

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Pamela Marvilla


Inaalay kay Gert Lüdeking


Modulo ng Pagsasanay

Sa Pangangasiwa ng patubigan, ang komunidad ay hinihimok na magkaroon ng iba't ibang teknolohiya

Pagpapakilos sa Tubig

Kung ano man ang pinanggalingan ng tubig, ito ay kinakailangang madala kung saan ito makokonsumo o magagamit. Kung ito ay binubuhat, gumagamit ng poso, o dumadaan sa tubo, itong kalseng teknolohiyang ito ay ang ginagamit. Ang ibang tubig ay kinakailangang dumaan sa proseso para ito mainom; mas maraming teknolohiya

Alalahanin ang sulatin kung ano ang komunidad at kung paano ito gumagana ang teknolohiya ay isang dimensyong kultural na pinapasa at pinapagyaman ng mga simbolo hindi ng henetiko. Kung paano naililipat ang maiinom na tubig sa pinanggagalingan nito patungo sa kung saan ito magagamit, ay malaking bahagi ng tradisyon, konsepto, prinsipyo, kultura at iba pang pangkatuhang konsepto

Para pakilusin ang komunidad patungo sa pagiisip ng rasyonal, gastos/benepisyo, analitikong paraan sa pangangasiwa ng patubigan, samakatuwid, tulad ng lahat ng pagpapakilos, ay ang pagpupukaw at pagbabagong pangsosyal. Ang paniniwala na ang teknolohiya ay manhid, rasyonal, at indipendiyente sa kultura (gaya ng paniniwala ng karamihang inhinyeroay ang hindi pagkaintindi sa katangian ng teknolohiya bilang bahagi ng kultural, ay maaring magresulta sa kabiguan sa pagpapanatili ng patubigan

Sa proseso ng pagpapakilos ng komunidad, kung pinili nito ang patubigan na may pinakamataas ng prayoridad, kinakailangan mong tulungan ang mga miyembro ng komunidad para pagunlarin ang pagiisip tungkol sa patubigan. Kasama sa madalas na iniisip na mayroon lang isang paraan para maglaan ng tubig, at ang paggamit ng makina ay mas mabuti kaysa sa mga taong manggagawa

Importante rin ang ugali. Marahil ay naudyukan ng pagpapahalaga sa sarili o kagusutuhang maging moderno ang mga miyembro ng komunidad kaya ito karaniwang nangangarap ng sopistikado at mamahaling makinarya, na kung saan dinidikta naman ng kanilang abeylabol na pamamaraan ang nararapat sa operasyon at pagpapanatili kung saaan mas nararapat ang sistemang manwal para dito

Kinakailangan ng mga miyembro ng komunidad na pagyamanin ang kanilang perspektibo na kung saan nakikita ang iba't ibang alternatibo para sa pagkukunan ng tubig at teknolohiya sa pagdadala sa tubig. Ito ay kinakailangan nila upang mapangasiwaan ang patubigan ng komunidad

Importante na ang perspektibong ito ay hindi dinidikta sa kanila ng kung sino sa labas ng komunidad. Ikaw, bilang tagapagpakilos ay kinakailangang maipakita ang puntong ito sa miyembro ng komunidad, sa pamamagitan ng kanilang tagapagpairal ehekutibo, bilang bahagi ng proseso ng pagpaplano para sa proyekto ng komunidad

Saklaw ng Sopistikasyon ng Teknolohiya:

Marahil ay ang pinakasimpleng teknolohiya sa tubig ay binubuo ng paglulubog ng igiban sa tubig sabay paglalagay nito sa bibig upang inumin. Kabilang sa mga pinakakomplikado, pinakamahal at pinakasopistikado ay ang paggamit ng pipa kung saan dadaloy ang tubo tulad ng gamit ng malalaking siyudad gaya sa New York. Maraming antas ng komplikasyon na pumapagitan

Kinakailangan ng mga miyembro ng komunidad na mapagtanto na mayroong ibang teknolohiya sa tubig na bukas sa kanila. Kailangan nilang tingnan ang kanilang mga pinagkukunan ng yaman, at ang sarili nila para makalkula ang kanilang mga opsyon. Ito ay kinakailangan alinsunod ng kanilang pagkalkula sa mga iba't ibang panggagalingan ng tubig na mayroon sila, ito ay nilalarawan sa kasamang dokumento Pinanggagalingan ng Tubig.

Mayroong nangingibabaw na ugali na ikaw, bilang tagapagpakilos, na mapapansin. Minsan maihahalintulad ito sa pagpapahalaga sa sarili at ito'y maiuugnay sa kagustuhang magkaroon ng mas sopistikadong teknolohiya

Para sa komunidad, para itong hangarin ng isang indibidwal na magkaroon ng mga damit na uso. Gusto ng mga tao na magmukhang moderno at sopistikado. Hindi ito maiuugnay sa nababagay na teknolohiya, o ng pisika at inhinyerya o ng gastos dito na may kuneksyon sa mga kagamitang makukuha ng komunidad

Hindi mo sisirain ang ganitong paguugali sa panghihikayat at pagtuturo laban dito. Hayaan mong kusa itong mawala sa pamamagitan ng pagpaghahamon sa mga miyembro ng komunidad na bigyan ng katwiran ang kanilang napili, at suriin ang reslasyon ng gastos, benepisyo, at abeylabol na kagamitan o pagkukunang yaman.

Ating alalahanin ang iba't ibang kalse ng teknolohiya sa tubig, na may diin sa mga komunidad na mababa ang kinikita sa mga mahihirap na komunidad. Kinabibilangan nito ang mga sumusunod:

  • malapit na labak at batis
  • mababaw na balon
  • mababaw na butas
  • malalim na butas
  • naipong tubig ulan
  • pagimbak ng tubig baha
  • bukal
  • tubig na dumadaloy sa pipa

Ikaw bilang tagapagpakilos ay kinakailangang balik aralin ang lahat ng mga ito sa miyembro ng komunidad, listahin ito sa pisara, at itala ang benepisyo at hadlang, kasama ng tantya sa gastos ng pagpapagawa at pagpapanatili nito. Ipakita na mayroong pagkakaiba sa bawat kategorya

Kailangang hikayatin ang mga komunidad na magkaroon ng iba't ibang klase ng teknolohiya

Ang listahang ito ay maaring masyadong halata para sa ilan, masyadong simple para sa iba. Ito ay gagamitin bilang intsrumento sa pangangasiwa, isang tuluy-tuloy na listahan, na makakatulong sa mga miyembro ng komunidad sa pagimbentaryo ng mga pwedeng pagkunan ng teknolohiyang nararapat, ang benepisyo at limitasyon ng bawat isa, upang makagawa ng edukadong desisyon.

Malapit na Labak at Batis

Ang pagkuha ng tubig sa mga malapit na labak o batis gamit ang tabo ay marahil ang pinaka simpleng teknolohiya sa tubig. Ngunit ito ang pinaka delikado, mataas ang peligro sa pagbibigay ng tubig na mayroong mikroorganismo na pwedeng magdulot ng mga sakit

Ito ay karaniwan at nakaugalian kung saan wala ng ibang abeylabol na teknolohiya sa tubig, o kung saan ang malinis na tubig ay malayo or masyadong mahal. Sa ibang lugar, nagbabayad ang tao para sa malinis na tubig (galing sa ilalim ng lupa) sa tag-init, at gumagamit naman ng kontaminadong tubig (mababaw na pinagkukunan) sa tag-ulan kasi ang malinis na tubig ay ipinagbibili at limitado ang badyet

Ito ay kaso na kung saan pinipili ng tao ang malanis na tubig hindi para sa pangkalusugang benepisyo nito kung hindi dahil ito ay abeylabol. Sa ibang dako (Tignan Tubig at ang pangunahing pagaalaalga sa kalusugan) Hindi lang malinis na tubig ang magkapagpapababa ng sakit at kahirapan, kinakailangang may kasama itong pagintindi kung paano ito makapagpapaba ng sakit at ugali na maghihiwalay sa mga sakit na nanggagaling sa maruruming tubig sa maiinom na tubig

Mababaw na Balon

Ang paghuhukay ng mababaw na balon ay karaniwang teknolohiya sa pagkukuha ng maiinom na tubig. Madalas itong ilang metro lang ang lalim, kaya ang tubig na nakukuha ay hindi kontaminado. Magandang pangsala ang lupa. Ngunit mayroong pasubali na maari pa rin itong makontamina

Mabilis itong makokontamina kung hindi ito natatakipan. Basura, maliliit na hayop, insekto, at dumi ng mga dumadaang ibon ay maaring bumagsak sa balon. Maari ring mamatay ang nabihag na hayop sa balon

Pwedeng magkaiba-iba ang mababaw na balon kung paano kinukuha ang tubig dito. Maaring derechong hilahin ng kamay o gumamit ng kalo ang lubid na kung saan nakatali ang isang timba o balde. Mas magastos ang paggamit ng kalo. Maaring takipan palagi ang balon at ito'y binubuksan lamang kung kukuha na ng tubig. Ito ay makakatulong upang hindi ito mapasukan ng mga pwedeng magkontamina sa tubig

Maaring lagyan ito ng pipa patungo sa tubig at pwede itong paandarin ng posong makina o ng kamay. Mas makakatipid kung kamay ang ginagamit

Ang importanteng benepisyo ng paggamit ng pipa ay maaring matakipan ng permanente ang balon, na maaring ikabawas ng pagkakaroon nito ng kontaminasyon. Pareho ay magastos ikabit, mas mura ang paggamit ng kamay sa pagbomba ngunit mas kunbinyente ang paggamit ng makina sa pagbomba

Ang posong pinapaandar ng makina ay nangangailangan ng gasolina at maraming langis na binibili. Ang gastos sa pagpapaandar nito ay mataas

Pinipili ng mas maraming nakakatanda ang paggamit ng tao sa pagbobomba dahil konting pera lang ang kinakailangan. Hindi nila napagtutuunan ng pansin na ang mga kababaihan na gumagawa nito ay gumagamit ng oras at enerhiyaiyon ay kayamananna maaring gamitin para sa ibang mapakikinabangan ng gawain

Nakakagulat na maraming mababaw na batuhan na maaaring dumaloy sa ilalim na balon patungo sa ilalim ng dagat. Ito'y nagdudulot ng interesanteng sitwasyon na kung saan, sa pagbaba ng tubig, maaring maghukay sa buhangin ang magiging tubig alat, at sa pagtaas ng tubig, makakita ng matamis na maiinom na tubig

Mababaw na Butas

Konti lang ang pagkakaiba ng mababaw ng butas at mababaw na balon. Ang butas ay karaniwang dinidril, hindi hinuhukay. Ang hinukay ng balon gamit ang kamay ay mas may malapad na diyametr. Ang hinukay ng butas gamit ang makina ay karaniwang makipot (halimbawa 40 cm ang diyametr)

Ang malaking pagkakaiba ay ang gastos sa konstruksyon. Ang truck na mayroong mekanikong tagabutas na drill ay magkakahalaga ng milyon na dolyar o mahigit pa, at pagrenta nito para magbutas ay mahal

Ang tubig ay karaniwang nakukuha sa mababaw na butas gamit ang kamay sa pagbomba, maaari rin namang gumamit ng makina sa pagbomba ng tubig. Karaniwan itong tinatakipan, dahil dito mas hindi ito makokontamina

Malalim na Butas

Kinakailangan ang malalim na butas kung walang dumadaloy na tubig malapit sa ibabaw ng lupa. Gaya ng nabanggit sa pinagbatayang dokumento, ang malalim na pinagkukunan ng tubig ay hindi kasing tamis (masarap ang lasa, walang asin at mineral) kumpara sa mababaw na pinagkukunan ng tubig

Ito rin ay mas magastos kumpara sa paggawa ng mababaw na balon, dahil mas maraming oras ang nagugugol sa pagbabarena. Marahil ay mas kakailanganing gumamit ng demakaniryang pang bomba kung hindi episyente ang paggamit ng kamay lamang

Ang kahigitan ay ang mataas na probabilidad na hindi makokontamina ng mga mikrobyo ang tubig, iyon ay kung natatakipan mabuti ang balon at hindi ito laging binubuksan ng mga tao. Sa kamalasan, masama ang lasa nito

Pag-ani ng Tubig Ulan

Kung walang tubig na makukuha sa ilalim ng lupa, at walang malapit na ilog at lawa, ang natitirang panggagalingan ng tubig ay maaring ang ulan. Ang isang madalas na paraan para mag-ani ng ulan ay paggawa ng pansol at iduktong ito papunta sa imbakan ng tubig. Nakukuha ng bubong ang ulan at napupunta ito sa pansol o daluyan ng tubig

Ang mas detalyadong sistema ng pag-ani ng tubig ulan ay gumagamit ng mga tangkeng nasa ilalim ng lupa, at bomba para maitaas ang tubig sa mga tangkeng pangitaas, kung saan mayroong pipa na kung saan dadaloy ang tubig kung kailangan. Ang mas simple at tipid na teknolohiya ay kumakailangan lang ng dram para makolekta ang tubig sa alulod, dito derechong kukuha ng tubig ang mga tao

Ang kahigitan ng una ay mas madaling mapanatiling malinis at hindi makontamina ang tubig ngunit ito ay mas mahal kumpara sa paghahanap lang ng mga dram o lalagyan ng tubig. Ang paggamit ng dram ay mas praktikal kung umuulan bawat linggo sa buong taon, ibig sabihin ay hindi matutuyuan ang dram

Kung saan may malinaw na tag-ulan at tag-tuyo, at mas matagalang pag-iimbak ang kailangan, ang pagiimbak sa tangke sa ilalim ng lupa ay mas praktikal kaysa sa dram sa itaas ng lupa

Pag-iimbak ng Tubig Baha

Ito ay malapit na nauugnay sa pag-aani ng tubig-ulan, at ginagamit kung saan minsan lang umuulan sa isang taon

Kadalasan, kung saan mayroong malapad na kapatagan, at kung saan ang ulan ay dumarating ng malakas, pero sa ilang araw lang o linggo sa taon, ang solusyon ay humukay ng tagasalo ng tubig. Kailangan ang kaalaman kung saan dumadaloy ang baha. Humuhukay ng humbak na hugis ng sapatos ng kabayo gamit kadalasan ng buldoser, at paderna damsa paligid ng tatlong gilidyung tatlong paligid kung saan hindi dumadaloy ang tubigpara saluhin ang dumadaloy na tubig baha

Maraming detrimento sa teknolohiyang ito. Minsan, ang maliit na gawan ng taong lawa ay hindi tatagal sa tag-tuyo. Kung ito ay mangyari, nagiging maputik at kontamindo ang tubig. Ito ay mas pinapalala pa dahil sa ugaling pagdadala ng baka papunta sa ginawang lawa. Kung walang magamit na alternatibo, piliin ang pinakamainam ng opsyon

Pagprotekta sa Bukal

Gaya ng nabanggit sa pinagkunan ng dokumento, minsan ang mga batuhan na katatagpuan ng sumisibo, at ang tubig ay mirakulong lalabas galing sa lupa. Kung ganito ang paglabas ng tubig, ito ay tinatawag na bukal. Ang bukal ay parang magikal na kondisyon ng kalikasan; ito ay kamangha-manghang lugar para makapagisip, o titigan ang lumalabas na tubig

Para magamit ito bilang pagkukunan ng tubig na maiinom, ang esensyal na teknolohiya ay isang bagay na makakapagprotekta sa bukal. Maaari itong makontamina ng mga mikroorganismo kapag masyadong lumapit ang mga tao o hayop dito sa paghahanap ng tubig

Maaaring madaling masira ang bukal kung ang mga hindi masydong natuturuan na mga indibidwal ay subukang lakihan ang butas, linisin ang mga halaman sa paligid nito, o di kaya ay baguhin ang arkitektura nito

Ang pinaka mabuting proteksyon ay matibay na sementadong pader sa paligid ng bukal, na natatakipan sa ibabaw para walang tao o hayop ang makakaakseso sa lugar sa paligid ng bukal. Yung sementadong pader ay maaring sukatan ng maikling pipa o butas para maklabas ang tubig

Ang diwa ng pagproprotekta ay para maiwasan na madistorbo ang tubig o ang malapit na lupa sa paligid ng bukal. Ang nakakatawag-pansin at hamon na aspeto ay ang bawat bukal ay bukod tangi, at maraming hamon kung paano at saan gagawain ang kanilang proteksyon

Pagkatapos proteksyonan, karamihan sa mga bukal at maaring lapatan ng tangke para sa pagiimbak ng tubig, alulod para matabo ang tubig, takip na lalagyan ng tubig, at/o pipa para sa daloy ng tubig

Ekstensyon ng Pipa ng Tubig

May ibang komunidad and nabibiyayaan ng malalapit na pagkukuhanan ng tubig, at ang kailangan lang nilang gawin ay gumawa ng sistema ng mga pipa kung saan makakadaloy ang tubig, o di kaya bomba para maitaas ang tubig sa mataas na tangke kung saan makakadaloy pababa ang tubig

Isang halimbawa ay rural na komunidad na malapit sa lungsod o bayan na may maayos na patubigan o suplay ng tubig. Ang isa pa ay ang pook ng mahihirap o hindi maayos na komunidad sa loob ng bayan o siyudad na walang suplay ng tubig

Ang komunidadhindi ikaway kinakailangang humingi ng permiso at karapatan upang magamit ang tubig, tapos ay gumawa ng bomba para mailagay sa nararapat na taas para maayos ang pwersa ng hila pababa (kung kinakailangan), tapos ay maglagay ng mga pipa para madala ang tubig sa komunidad

Isa pang halimbawa ay kung saan ang sapa o ilog ay malapit sa mga bundok, na pwedeng maduktungan ng pipa para dumaloy ang tubig sa komunidad. Minsan ito ay nangangailangan na magsagawa ng paglalagay ng dam sa ilog at/o bomba para maitaas ang tubig palabas ng lawa o ilog, tapos ay maidirekta ang tubig sa mga pipa papunta sa mga komunidad

Ang tubig ay pwedeng makuha kung saan ang isang bukal ay naprotektahan. Maaring kailanganin nito ang bomba. Maari itong dumepende sa pwersa ng hatak pababa para dumaloy. Kakailanganin nito ang mga pipa

Paggawa ng maiinom na Tubig mula sa Tubig-Alat:

Kung saan ang tubig ay galing sa dagat, o sa mga malalalim na balon, ang tubig ay masyadong maalat. Marami ito masyadong asin at mineral para mainom, pero ito ay mabuti panghugas at minsan ay sa pagluluto

Ang pag-alis ng asin sa tubig ay simple lamang. Ang pagpapakulo at pagkondensa, ay tinatawag na distilasyon, ay hindi praktikal dahil sa halaga ng panggatong. ngunit maaring magamit ang araw sa pagbibigay ng init

Kinakailangan ng malaking lalagyan kung saan ilalagay ang tubig-alat. Maaari itong kasing laki ng sahig ng isang kwarto sa bahay

Sa taas nitong lalagyan ng maalat na tubig, higitin ang malinaw ng plastik, hayaang lumubog ang gitnang bahagi nito. Pasisingawin ng araw ang tubig sa lalagyan, at kokondensahin naman ng piraso ng plastik ito na nasa itaas ng lalagyan

Kung saan lumulubog ang plastik sa gitna, kabitan ito ng maliit na lalagyang pangsalo, konting sentimetro sa ilalim ng plastik. Tapos ay lagyan ng pipa na dadaluyan ng tubig galing sa pangsalo palabas sadulo ng plastik, kung saan dadaan ang tubig na wala ng asin

Kailangang punuuin ulit ang lalagyan na may tubig-alat, at maari itong gawain sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig galing sa dagat

Paggawa ng Malinis ng Tubig:

Kung saan maaring makontamina o kontaminado ang tubig na mga mikroorganismo, kakailangan nito ang isang sistema ng paglilinis, marahil ay sa pamamagitan ng mga kemikal o buhanging pangsala, bago ito maging pwedenginumin). Kung saan ang tubig ay puno ng asin at mineral gaya ng naisaad sa itaas, kinakailangan nito ng desalinasyonkung saan inaalis ang asinpara maari itong mainom. Maaaring kabilang dito ang ebaporasyon at kondesasyon

Ang pagproproseso ng tubig upang mainom ay kinakailangan ng pera at iba pa. Bago sumabak ang komunidad sa ganitong gawain, kinakailangan nitong suriin ang mga abeylabol na mga pamamaraan upang malaman kung ito ay maisasakatuparan

Konklusyon, Pangangasiwa ng Komunidad sa Tubig

ang iyong trabaho bilang tagapagkilos ng komunidad ay ang paggabay sa komunidad sa pangangasiwa ng suplay ng tubig. Ito ay pinakambuting gawin sa pagpupulong kung saan ang mga pinagmumulan ay nasusuri bilang parte ng kalkulasyon, tapos nito ay ang posibleng teknolohiya at kung magkano ang halaga nito, tapos ang pagsusuri ng abeylabol ng kagamitan para sa paggawa at pagpapanatili na bawat posibleng sistema

Sa paggawa nito, kailangang tandaan na parte ng proseso na ito ang pagalam sa mga paguugali. kabilang sa mga ugaling ito ay ang pagpabor sa hindi nararapat na teknolohiya base sa kahambugan at hindi sa naaangkop

Maari itong base sa hindi paggamit ng lohika at hindi nasusuring kaugaliandahil sa rasong ito ang dati ng gawain." Ito ay maaring kinabibilangan ng hindi angkop na teknolohiya base sa hindi makatarungang pagpataw na trabahohalimbawa sa mga kababaihanang pagdadala ng tubig, ay napakaraming oras at enerhiya ang naguguol dito

Maaari itong kabilangan ng mga bagay na magbungsod ng sakit imbis na kalusugan. suriing isa-isa hindi sa pagsesermon kung hindi sa pagtaguyod ng maayos na pangangasiwa sa tubig

––»«––

Reperensya:

Alan Malina
http://www.thewaterpage.com/religion.htm

Tala:
Marahil ay kabilang sa mga makukulay at sopistikadong tradisyonal na teknolohiya sa tubig ay yung sa mga Borena o Boranana naglilipat ng mga pastol sa Timog Ethiopia at Hilagan Kenya. Ang kanilang butas ng tubig (Ellas) ay naguumpisa sa sa pabilog na bagtas, mga 300-400 na metro paikot patungo sa gitna. Sa bandang kalahati, ay nagtatapos ito sa mga alulod kung saan makakainom ang kanilang mga hayop. Mayroong bertikal na butas sa balon mga 10 metro ang huhukayin pababa, mayroon itong kahoy na dalayrayan sa gilid, at serye ng mga alulod mga 3-4 na metro ang distansya sa isa't isa. Ang mga Borena ay kumukuha ng tubig sa pinakailalim na lebel, pinapasa ang lalagyan sa bawa't tao paitaas at nilalagay sa mga alulod papunta sa itaas kung saan makakainom ang kanilang mga alagang hayop.Mayroong komplikadong patakaran at praktis na pinahihintulutan ang bawat grupo ng mga taong walang tiyak na tirahan upang makaakses sa bawat balon).

Bambang para sa Pipa ng Tubig


Bambang para sa Pipa ng Tubig

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Tubig