Pangunahing Pahina
 Pagbibigay-kapangyarihan




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


mga laman:

  1. Ang Animasyon ay Nagtataguyod ng Pagbabagong Sosyal
  2. Ang Isang Animator ay Dapat may Alam ukol sa isang Lipunan
  3. Pagpapanatili ng mga Mahahalagang Sangkap ng Lipunan sa Isipan
  4. Natututunan ang Kultura
  5. Ang Kultura ay Nagpapahayag ng Pagiging Isang Nilalang na Tao
  6. Ang Pamayanan ay Isang Superorganic na Ayos
  7. Mga Sukatan ng Kultura
  8. Teknolohiyang sukatan
  9. Sukatang-Ekonomiya
  10. Politikal na Suakatan
  11. Institusyunal na Sukatan
  12. Panglabas na Ugali ng Sukatan
  13. Paniniwalang Konsepto ng Sukatan
  14. Ang lahat ng Sukatan ay Nasa Bawat Bahagi ng Kultura
  15. Ang pagkakakabit ay mayroong Praktikal na Kagamitan
  16. Ang Pagkakaroon ng Ugnayan ay Nagdudulot ng Pagbabagong-Sosyal
  17. Kongklusyon

mga laman:

  1. Ang Animasyon ay Nagtataguyod ng Pagbabagong Sosyal
  2. Ang Isang Animator ay Dapat may Alam ukol sa isang Lipunan
  3. Pagpapanatili ng mga Mahahalagang Sangkap ng Lipunan sa Isipan
  4. Natututunan ang Kultura
  5. Ang Kultura ay Nagpapahayag ng Pagiging Isang Nilalang na Tao
  6. Ang Pamayanan ay Isang Superorganic na Ayos
  7. Mga Sukatan ng Kultura
  8. Teknolohiyang sukatan
  9. Sukatang-Ekonomiya
  10. Politikal na Suakatan
  11. Institusyunal na Sukatan
  12. Panglabas na Ugali ng Sukatan
  13. Paniniwalang Konsepto ng Sukatan
  14. Ang lahat ng Sukatan ay Nasa Bawat Bahagi ng Kultura
  15. Ang pagkakakabit ay mayroong Praktikal na Kagamitan
  16. Ang Pagkakaroon ng Ugnayan ay Nagdudulot ng Pagbabagong-Sosyal
  17. Kongklusyon

mga laman:

  1. Ang Animasyon ay Nagtataguyod ng Pagbabagong Sosyal
  2. Ang Isang Animator ay Dapat may Alam ukol sa isang Lipunan
  3. Pagpapanatili ng mga Mahahalagang Sangkap ng Lipunan sa Isipan
  4. Natututunan ang Kultura
  5. Ang Kultura ay Nagpapahayag ng Pagiging Isang Nilalang na Tao
  6. Ang Pamayanan ay Isang Superorganic na Ayos
  7. Mga Sukatan ng Kultura
  8. Teknolohiyang sukatan
  9. Sukatang-Ekonomiya
  10. Politikal na Suakatan
  11. Institusyunal na Sukatan
  12. Panglabas na Ugali ng Sukatan
  13. Paniniwalang Konsepto ng Sukatan
  14. Ang lahat ng Sukatan ay Nasa Bawat Bahagi ng Kultura
  15. Ang pagkakakabit ay mayroong Praktikal na Kagamitan
  16. Ang Pagkakaroon ng Ugnayan ay Nagdudulot ng Pagbabagong-Sosyal
  17. Kongklusyon

mga laman:

  1. Ang Animasyon ay Nagtataguyod ng Pagbabagong Sosyal
  2. Ang Isang Animator ay Dapat may Alam ukol sa isang Lipunan
  3. Pagpapanatili ng mga Mahahalagang Sangkap ng Lipunan sa Isipan
  4. Natututunan ang Kultura
  5. Ang Kultura ay Nagpapahayag ng Pagiging Isang Nilalang na Tao
  6. Ang Pamayanan ay Isang Superorganic na Ayos
  7. Mga Sukatan ng Kultura
  8. Teknolohiyang sukatan
  9. Sukatang-Ekonomiya
  10. Politikal na Suakatan
  11. Institusyunal na Sukatan
  12. Panglabas na Ugali ng Sukatan
  13. Paniniwalang Konsepto ng Sukatan
  14. Ang lahat ng Sukatan ay Nasa Bawat Bahagi ng Kultura
  15. Ang pagkakakabit ay mayroong Praktikal na Kagamitan
  16. Ang Pagkakaroon ng Ugnayan ay Nagdudulot ng Pagbabagong-Sosyal
  17. Kongklusyon

KULTURA AT ANIMASYONG SOSYAL

Isang Pagpapatikim ng Agham sa Sosyal para sa Tagapag-kilos sa Pamayanan

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Dionisio R. Vitan III


Dokumentong Sanggunian

1. Ang Animasyon ay Nagtataguyod ng Pagbabagong Sosyal

Ang tirahan ng mga tao ay hindi lamang kalipunan ng mga bahay. Ito ay isang tao (sosyal at pangkultura) na (sosyal and pangkultura) nilalang. (Ang bahay, na produktong kultura ng sangkatauhan, ay nabibilang bilang isa sa anim na kasukatan ng lipunan o kultura. Ang teknolohiyang kasukatan ay ipaliliwanag sa ibaba).Ang tirahan ng mga tao ay hindi lamang kalipunan ng mga bahay. Ito ay isang tao (sosyal at pangkultura) na (sosyal and pangkultura) nilalang. (Ang bahay, na produktong kultura ng sangkatauhan, ay nabibilang bilang isa sa anim na kasukatan ng lipunan o kultura. Ang teknolohiyang kasukatan ay ipaliliwanag sa ibaba).

Ang Animasyong Sosyal (pagtataguyod ng paglahok ng pamayan at ng pagtulong sa sarili) ay pagpapakilos at pagsasaayos ng isang pamayanan. Ang ibig nitong sabihin ay nababago ang sosyal na ayos ng isang pamayanan, ngunit ng bahagya lamang. Ang animator, kung gayon, ay isang ahente para sa pagbabagong sosyal.

2. Ang Isang Animator ay Dapat may Alam ukol sa isang Lipunan:

Maaaring delikado na magpadalos-dalos sa pagbabago ng isang bagay na wala ka pang alam. Kung gayon, responsibilidad ng isang animator na magkaroon ng kaalaman sa mga agham ng antropolohiya at sosyolohiya. Ang isang animator ay isang sosyolohista sa galaw, kung kaya may alam dapat siya sa larangan ng soslohiya

3. Pagpapanatili ng mga Mahahalagang Sangkap ng Lipunan sa Isipan

Ang mahalagang bagay para sa isang animator na tandaan dito ay ang pagkakaroon ng kaugnayan ng kasukatang pangkultura na bumubuo ng isang pamayanan. Habang ang ibang siyentipiko sa agham ng sosyal ay hindi sumasangayon sa tumpak na kalikasan ng mga kaugnayan na iyon, lahat naman ay sumasangayon na ang pinakapunong pagkatao ng isang lipunan (gyon na rin ng mga pamayanan sa loob ng lipunan) ay ang ugnayan ng mga kasukatang pangkultura.

Ang isang pamayanan, katulad ng iba pang mga institusyon, ay hindi lamang kalipunan ng mga tao; ito ay ang nagbabagong kumpol ng mga ugnayan, mga ugali at mga gawi ng mga kasaping bumubuo nito.

4. Natututunan ang Kultura:

Ang kultura ay binubuo ng lahat ng mga bagay, kasama na ang galaw at paniniwala ng mga tao (bilang pisikal na mga hayop) na kanyang natutunan, na siya ring nagbibigay kahulugan ng kanilang pagiging isang tao. Nakapaloob sa kultura ang lahat ng gawi na kanyang natutunan, ngunit hindi kasama rito ang anumang nakatakda na dahil sa namana mula sa mga magulang. Ang kultura ay nakasilid na gawi na maaaring maipasa sa ibang tao sa pamamagitan ng mga simbolo; kabaligtaran ito sa mga namamanang gawi at pag-uugali.

Habang ang ibang bagay sa kultura ay nakukuha sa pagkabata (katulad ng kung papaano magsalita, halimbawa) ang iba naman ay natututuhan sa pagtanda.Kaya kung ang isang animator ay nagpapanukala ng pagbabagong-sosyal, kailangan niyang ipapanukala ang pagkakatuto ng mga bagong kaisipan at gawi. Dito na papasok ang kasanayan sa pagtututro sa mga matatanda o yaong hindi na bata.

Ang sosyolohikal na kahulugan ng kultura, kung saan ang lipunan mismo, ay hindi katulad ng kung ano ang pagkakaintindi ng kultura sa ngayon. Sa ngayon, ang kultura ay ang mga instrumento o pagsasayaw ng katutubong arte o yaong arte mismo. (ang mga ito ay isa lamang sa anim na sukatan ng kultura, ang panglabas)

5. Ang Kultura ay Nagpapahayag ng Pagiging Isang Nilalang na Tao:

Ang kultura ay isang super-organic. Ang pag-unawa sa konseptong ito, "superorganic," ay mahalaga sa pag-unawa kung ano ang isang pamayanan.

Katulad na lamang na ang isang organic na kalagayan ay nakabatay sa inorganic (ang mga buhay na organismo sa atin katawan ay binubuo ng mga hindi-buhay na bagay katulad ng mga atomos, atbp.), kung kaya ang isang super organic ay nakabatay naman sa organic. (ang lipunan ay hindi isang tao kungsi ito ay binubuo ng kalipunan ng mga tao)

Ang ibig sabihin nito, habang nasa animasyon (pagppapakilos at pagbubuo) ng isang pamayanan, ang isang animator ay kailangang laging makagawa ng paghihiwalay ng mga nangyayari sa kabuuan ng pamayanan mismo, kaibahan sa kung ano ang nangyayari sa isang tao na nakapaloob rito.

6. Ang Pamayanan ay Isang Superorganic na Ayos:

Ang isang pamayanan ay makikita katulad ng sa isang organismo. Ito ay nabubuhay at kumikilos kahit na ang mga tao na nakatira rito ay dumarating at umaalis o naipapanganak at namamatay. Katulad ng sa isang buhay na organismo ng hayop o halaman, na humihigit pa sa mga walang buhay na atomos nito, ang isang institusyon o ayos ng mga ugali o ang isang pamayanan ay humihigit pa sa mga tao na bumubuo nito.

Ang paniniwala, halimbawa, ay pinaniwalaan ng maraming tao, ngunit ang paniniwalang iyan ay maaaring mabuhay at magpatuloy sa iba pang mga tao pagkamatay ng mga unang naniniwala roon. Gayon rin naman sa isang institusyon tulad ng kasal, sa isang samahan katulad ng sandatahang-lakas, ng isang bayan katulad ng San Pedro, ng isang kinagawian tulad ng pakikipag-kamay, ng isang kasangkapan tulad ng piko o kaya ay ng isang ayos tulad ng pakikipagkalakal. Ang lahat ng ito ay humihigit pa sa tao na siyang kasapi o bumubuo nito.

Ang lipunan kung gayon ay isang ayos--hindi isang inorganikong ayos tulad ng isang makina, hindi isang organiko tulad ng isang puno, ngunit isang super-organiko na ayos na binubuo ng mga natutunang kaisipan at asal ng mga tao.

Kahit na ang pamayanan ay isang ayos na kultural (kung saan hinihigitan nito ang bawat tao na bumubuo nito) hindi ito nangangahulugang may matiwasay na pagkakaisa. Ito ay puno ng magkakaibang-grupo, pakikibaka at salungatan, ayon sa pagkakaiba ng kasarian, relihiyon, kayamanan, katayuan sa buhay, tribu o uri ng kinabibilangang mga tao, uri ng naabot na pinag-aralan, sahod, salita, pagmamay-ari at ng marami pang mga bagay.

Upang maipahayag ang kaunlaran at pakikipagtulungan sa pamayanan, tungkulin ng isang animator na maipagbuklod ang mga magkakaibang-grupo na ito bilang isang grupo. Kailangang makapag-engganyo ng pagiging maunawain at pakikipagtulungan at magkaroon ng mga desisyon na ayon sa gusto ng mas nakararami. Hindi tio madali. Habang ang mga kaisipan sa pagpapalaganap ng mga ito ay makikita sa babasahing ito, ang pag-alam naman sa sosyal at kultural na ayos (ayon sa binabanggit sa babasahing ito) ay nalalatag ng kaisipang pangkakakilanlan na kung saan ang animator ay makapagbubuo ng isang propesyunal na maaasahan.

Para sa isang animator na makapagpalaganap ng pagbabagong-sosyal sa isang pamayanan, kailangang malaman niya kung papaano ang isang sistema o ayos ay gumagalaw. Samakatwid baga, kung papaano ito tutugon sa pagbabago. Tulad ng isang inhinyero (isang pagtuwirang pisikal na siyentipiko) na kailangang malaman kung papaano gumagana ang isang makina, ang isang tagapag-ayos sa pamayanan (isang pagtuwirang pang-sosyal na siyentipiko) ay kailangang malaman kung papaano ang isang pamayanan ay gumagalaw.

7. Mga Sukatan ng Kultura:

Lahat ng kultura (o samahang-sosyal) ay may iba't-ibang sukatan. Katulad ng panglabas na sukat ng haba, lapad, taas, at oras, ang sukatang-pangkultura ay maaaring magbago sa laki. Ngunit sa kahulugan, ito ay tumutugon pa rin sa kabuuan. Iminumungkahi dito na ang pinakamainam na pangkat ay ang anim na pangkultura o sosyal na sukatan. Ito ay tumutugon sa lahat ng kaayusan ng mga natutunang mabuting gawi at aral.

Ang lahat ng ito ay kaayusan sa loob ng sosyal-na-kaayusan. Ito ay nakatuon sa mga natutunang asal, na higit pa sa mga tao na natuto ng baha-bahagi nito. Tulad ng panglabas na sukatan ng haba at oras, kung ang isa sa mga sukatang pangkulturang ito ay nawawala, ayon sa kahulugan, ang lahat ay nawawala na rin.

  • Pang-Teknolohiya
  • Pang Ekonomiya
  • Pang-Politika
  • Pang-Institusyun (sosyall)
  • Panglabas na halaga
  • Binuong-paniniwala

Hindi mo maaaring "makita" ang sukatang pangkultura o panglipunan, tulad ng pagtingin mo sa isang tao. ANg bawat tao ay nagpapakita ng anim na sukatan ng kultura.

Upang maging mulat sa lipunan, ang animator ay marapat na makapaghimay ng lahat ng anim na sukatan, at ng pagkaka-ugnay ng mga ito, kahit na maaari lamang niyang makita ang isang tao o tao, hindi ang buong sukatan.


hiddentextbehindtheimage

8. Ang Sukatang Pang-Teknolohiya ng Kultura:

Ang teknolohiyang sukatan ng kultura ay ang mga kapital nito, mga kasangkapan at kasanayan, at mga paraan ng pakikitungo sa pisikal na kapaligiran nito. Sa madaling-salita, ito ay ugnayan ng tao sa kanyang kalikasan.

Tandaan na hindi ang mga pisikal na mga kasangkapan mismo ang bumubuo ng sukatang-teknolohiya ng kultura. Bagkus ito ay ang mga natutunang mga kaisipan at pag-uugali na nagbibigay-pahintulot sa tao upang makagawa gamit ng mga kasangkapang ito , matutong gumamit at magturo ng mga kasangkapang ito sa ibang tao.

Kapag ang isang tagapagpakilos ay nanghikayat sa isang pamayanan na bumuo ng kasilyas o kaya ay ng balon, isang bagong teknolohiya ang naipapakilala. Ang isang balon (o kasilyas) ay isa ring uri ng kasangkapan, tulad ng isang martilyo o kaya ay kompyuter. Ang isang tagapagpakilos ay kailangang maging handa na umunawa sa mga epekto sa iba pang mga sukatan ng kultura ng pagpapakilala ng pagbabago sa isang sukatang-teknolohiyang paraan.

9. Ang Sukatang-Ekonomiya ng Kultura:

Ang sukatang pang-ekonomiya ng kultura ay ang iba't-ibang kaparaanan ng paggawa at pagtatabi/paggamit ng kakaunti ngunit mapapakinabangang produkto at serbisyo (kayamanan), kahit na ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay, obligasyon, pakikipagpalit, pagtitinda sa merkado o kaya ay sa pagbibigay-alokasyon ng pamhalaan.

Hindi ang mga pisikal na bagay katulad ng salapi ang bumubuo ng sukatang pang-ekonomiya ng kultura, kungdi ng mga iba't-ibang kaisipan, pagpapahalaga at mga pag-uugali na siyang nagbibigay halaga sa salapi (at sa iba pang mga bagay) sa pamamagitan ng tao na siya ring bumuo ng kaayusan sa ekonomiya na siyang ginagamit ngayon. Ang kayamanan ay hindi lamang salapi, katulad ng kahirapan na hindi lamang kakulangan sa salapi.

Kapag ang isang pamayanan ay nagpasya na magbigay ng tubig sa kanyang nasasakupan sa isang pirmihang presyo, o kaya ang bayad ay ayon sa bawat lalagyan ng tubig na makukuha, sila ay gumagawa ng pagpapasya sa pagitan ng dalawang kaayusan ng bigayang-pang ekonomiya. ANg isang animator ay dapat na manghikayat sa pamayanan na pumili kung ano ang gusto nito ayon sa gumaganang kahalagahan at pag-uugali. (Ang isang magaling na animator ay hindi susubok na ipagawa anuman ang nasa isipan niya bilang pinakamagaling na paraan ng distribusyon; ang mga kasapi ng pamayanan ang siyang dapat magpasya ukol rito sa pamamagitan ng pasya ng nakararami).

10. Ang Politikal na Suakatan ng Kultura:

Ang politikal na sukatan ng kultura ay ang iba't-ibang kaparaanan ng pagbibigay kapangyarihan at pagpapasya. Hindi ito katulad ng idolohiya, na nabibilang sa sukatan ng halaga. Nabibilang rito ang iba't-ibang uri ng pamahalaan at sisyema ng pamamalakad. Kasama na rin kung papaano ang kakaunting bilang ng tao ay nakagagawa ng pagpapasya kahit na sila ay walang kinikilalang pinuno.

Kailangang makilala ng animator ang iba't-ibang uri ng pinuno sa isang pamayanan. Ang iba ay may tradisyunal na kapangyarihan, ang iba ay may maganda at magaling na pakikitungo sa mga tao.

Kapag nakikipag-ugnayan sa isang pamayanan, ang isang naimtor ay dapat magpaunlad pa sa gumaganang kapangyarihan sa pamayanan na iyon. Ang pagpapasya ay kasama na rin upang lalaong mapag-ibayo ang pagkakaisa ng pamayanan at magkaroon ng pagpapasya ayon sa itinakda ng kabuuan ng mga tao, na siyang magbibigay benepisyo sa kabuuan ng pamayanan.

11. Ang Institusyunal na Sukatan ng Kultura:

Ang sosyal o institusyunal na sukatan ng kultura ay nakapaloob sa mga gawi ng tao, kung papaano sila makipag-ugnayan sa isa't-isa, kung papaano sila kumilos o umasa para sa isa't-isa. Kasama na rito ang institusyon ng kasal o pakikipag-kaibigan, mga gampanin ng magulang o alagad ng batas, katayuan sa buhay at iba pang mga pag-uugali na sinusunod ng mga tao.

Para sa isang animator o tagapagpagalaw na maging matagumpay, kailangang malaman niya ang mga lokal na institusyon, mga iba't-ibang gampanin na itinataguyod ng mga lalaki at babae at kung ano ang pinaka-primerong porma ng pakikipag-uganayan ng mga tao sa isang pamayanan.

12. Ang Panglabas na Ugali ng Sukatan ng Kultura:

Ang panglabas na kahalagahan ng sukatan ng kultura ay ang ayos ng mga kaisipan, minsan ay kabaligtaran, walang pirmihang ayos, o kaya ay kontra sa kung ano ang pananw ng tao sa mabuti at masama. Tungkol rin sa kagandahan at kapangitan, sa tama at mali. kung saan ibinabatay ng tao ang kanilang mga gawi upang gawing katwiran.

Kapag ang isang animator ay nagpapakilala ng mga bagong pamamaraan ng paggawa ng mga bagay sa isang pamayanan, kanyang isinasaalang-alang ang mga pinapahalagahan ng pamayanan na iyon, tama man o mali.

13. Ang Paniniwalang Konsepto ng Sukatan ng Kultura:

Ang konseptong-paniniwala na sukatan ng kultura ay isa pang ayos ng mga kaisipan, na minsan rin ay kontra sa isa't-isa, na pinaniniwalaan ng mga tao tungkol sa kalikasan ng langit, ng mundo sa paligid niya, ng kanilang silbi sa mundo, mga bagay na pinagmulan at kinalabasan, at ng oras, bagay at pag-uugali.

Ang isang animator ay dapat may kaalaman sa pinaniniwalaan ng mga tao sa isang pamayanan.

Upang maging isang maiging tagapagtaguyod ng pagbabagong-sosyal, ang isang animator ay nararapat na magbigay ng mungkahi at magtaguyod ng mga kilos na hindi makaka-insulto sa pinaniniwalaan ng mga tao sa pamayanan at may pirmi o nararapat na pasya sa mga pinaniniwalaan at mga konsepto ng mga tao.

14. Ang lahat ng Sukatan ay Nasa Bawat Bahagi ng Kultura:

ANg pinakamahalagang matandaan ay ang katotohanan na sa bawat lipunan, sa bawat pamayanan, sa bawat institusyon, sa bawat pakikipag-ugnayan ng tao sa isa't-isa, ay mayroong makikitang bahagi ng kultura. Kasama na rito ang bahagi ng bawat isa sa mga sukatan ng kultura. Ang lahat ng ito ay natututunan mula sa kapanganakan pa lang..

Ang isang bagong silang na sanggol ay tulad ng isang hayop, hindi pa ganap na tao sa bahagi ng kaalaman, ngunit ito ay natututo na ng kultura sa simula pa lamang. (halimabawa ay ang pagkakatuto sa pag-inom ng gatas mula sa suso ng ina) At sa katagalan, sa pakikitungo sa iba pang mga tao, ang sanggol ay nagsisimula na ring maging tao ayon sa kaalaman. (Ayon sa ibang mga tao, ang pagiging tao ay nagsisimula naman sa sinapupunan pa lang). Ang proseso ng pagkakatuto, at ng pagiging tao, ay nagpapatuloy hanggang sa kamatayan ng nilalang.

Kung hindi ka natututo, ikaw ay patay na.

15. Ang pagkakakabit ay mayroong Praktikal na Kagamitan:

Para sa isang tagapagpasigla sa lipunan, at para sa sinumang kasapi sa mga kilusan sa pagsulong, ang mahalagang bahagi nito ay ang pagkakaiba-iba ng mga pagkakakabit sa pagitan noong mga dimensiyon ng kultura. Iyon ay maaaring magkaka-ugnay batay sa pananahilan at punsyon. Ang teknolohiya (sa kaibahan sa mga karaniwang hinagap), halimbawa, kapwa ang mga kasangkapan at kahusayan sa paggamit noon, ay bahagi ng kultura kagaya ng mga paniniwala, sayaw, at paraan ng paglalaan ng kayamanan.

Ang paggawa ng pagbabago sa anumang dimensiyon ay may sikad sa bawa’t isa ng mga ibang dimensiyon. Halimbawa, ang pagsimula ng bagong paraan sa pagkuha ng tubig ay mangangailangan ng mga bagong institusyon upang mapanatili ang bagong sistema ng pantubig. Ang pag-aaral ng bagong paraan ng paggawa ng anumang bagay ay mangangailangan ng pag-aaral ng mga bagong kabuluhan at pang-unawa. Ang hindi pagpansin ng mga ganoong pagkakakabit samantalang nagpapaunlad ng pagsasalin ng teknolohiya ay mapanganib (maaaring mag-resulta ng mga hindi inaasahan at hindi kaibig-ibig).

16.Ang Pagkakaroon ng Ugnayan ay Nagdudulot ng Pagbabagong-Sosyal:

Upang mabagao ang isang bagay sa isang sukatang ng kultura ay hindi lamang nangangailangan ng pagbabago sa ibang mga sukatan, kungdi, ito ay nagdudulot ng pagbabago sa iba pang mga sukatan.

Ito ang dahilan kung bakit kailangang mahimay ang dulot sa lipunan ng mga proyekto, gaano man ito kaliit o kalaki.

17. Katapusang-Hatol; Kahalagahan ng Kultura sa Animasyon:

Ang pagkaka-ugnayan sa mga sukatan ng kultura ay hindi madaling makita o mapansin. Ang isang animator ay dapat na mulat na ang mga sukatang ito ay namumutawi, at patuloy na manghikayat na magmasid, magsuri, magbahagi ng mga kaisipan, magbasa at lumahok sa mga pagsasanay at pagtuturo.

Sa paggawa ng animator ng kanyang tungkulin sa isang pamayanan, kailangang matuto siya lalo ng kanilang kultura, at ng paggalaw ng kanilang mga sukatan ng kultura.

––»«––

Sa Lugar ng Pamilihan:


Sa Lugar ng Pamilihan

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagbibigay-kapangyarihan