Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

English
Español
Français
Italiano
Português
Română

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

PAANO GAMITIN ANG ANIM NA DIMENSYON

Ordering your observations

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Jasmine Faye Alima Canton

Paano Natin Magagamit ang Anim na Dimensyon sa Pagdisenyo ng Pananaliksik sa Mag-anak

Sa tanong na ito, kailangan nating kunin ang mga materyales na iminungkahi sa klase at sa ating mga nabasa, kasama ang mga materyales ukol sa anim na dimensyon at ukol sa pananaliksik, at higit pa sa paglalagay ng sariling pagsusuri at pangangatwiran (hindi lamang base sa mga opinyon).  Walang tiyak na materyal sa sagot, bagama't ang mga sumusunod ay maghahayag ng mga uri ng bagay na aking hinahanap.  Mahalaga ang pagsasa-ayos mo ng iyong mga sagot.  Ang pinakamagandang paglalarawan ng anim na dimensyon ay nasa iyong teksto: Ano ang Komunidad?

  • Una sa lahat, ang anim na dimensyon sa kabuuan ay nagbibigay daan sa pag-oorganisa nga mga datos na nasaliksik. Dahil ang pangkulturang datos ay bahagi ng isa o alin man sa anim na dimensyon, maaring pag-aralan ang ano mang nalikom, o planong (balak) malikom, at itanong kung sila ba ay balanse sa pagitan ng mga dimensyon.

  • Ang anim na dimensyon ay maaring gamiting gabay upang masigurong lahat ng panlipunan at pankulturang katangian ng bawat mag-anak na napag-aralan ay nabigyang halaga.

  • Sa lawak ng mga magkakatulad na elemento sa mga mag-anak, ang anim na dimensyon ay maaring gamiting impormasyong mapaghahambingan (hindi nangangailangang magkatulad) sa pagitan nila.

  • Gaya ng tinumbok ni Baker (ang iyong aklat-batayan), mayroong konting pagkiling sa karamihan ng mga panitikang pangmag-anak. Sa paggamit ng anim dimensyon, mababawasan ang pagkiling na ito.

  • Ang anim na dimensyon ay maaring gamiting basehan upang matukoy ang mga detalyadong katangian ng iyong pananaliksik. Ito ay maaring magpabago-bago.

  • Sa pagsangguni sa anim na dimensyon, at ang mga bahagi nito, ang mananaliksik ay maitutuon sa partikular na mga tanong.

  • Sa katuturang ang mag-anak ay katulad ng komunidad at katulad ng lipunan sa sarili nito, nararapat lamang na ito (sa kahulugan) ay magtaglay ng anim na dimensyon. Kung gayon, ang anim na ito ay may bisa sa pananaliksik.

Maging maingat na di masabing ang mananaliksik ay kailangang ibilang ang buong anim na dimensyon. Habang totoong ang pagtanggal ng isang dimensyon, sa kahulugan, ay pagtanggal ng lahat ng dimensyon na makabuluhan sa mag-anak (kultura) pero hindi sa pagsasaliksik. Ito ay hindi argumento para ibilang ang anim na dimensyon sa pananaliksik.

Okey lang na itala ang buong anim na dimensyon, pero hindi mo kailangang paliwanag o ilarawan ang kultural na dimensyon ng ganito. Tinatanong sa'yo kung paano ito magagamit sa disenyo ng pananaliksik. Ang mga sumusunod ay magpapakita kung paanong ang bawat isang dimensyon ay magagamit sa disenyo ng pananaliksik.

Teknolohiya: Paano nakakatulong ang mga materyal na bagay sa paligid (bahay, kasangkapan, kubyertos) sa pagpapakilos ng mag-anak? Paano nito naapektuhan ang pagpapagalaw sa mag-anak? Paano naiimpluwensyahan ng mas malawak na (balangkas) teknolohiya at mga pagbabago nito and hubog at organisasyon ng mag-anak?

Pangkabuhayan na Dimensyon: Paano nahahati ang yaman (anumang bihira at may pakinabang) sa loob ng pamilya? Paano nakakaapekto sa pamilya ang mas malawak na ekonomiya? Ano ang kabuuang kita ng mag-anak? Ito ba ay nanggagaling sa iisang miyembro lang ng pamilya? sa dalawa? Kung gayon, ito ba ay nahahati ng pantay-pantay? o base sa kung saang panuntunan?

Pulitikal na Dimensyon: Paano nahahati ang kapangyarihan at impluwensya at nagagamit sa loob ng pamilya? Ano ang dulot ng pulitikal na dimensyon ng mas malawak na lipunan sa panloob na istruktura at pagbabago ng pamilya? Ano ang patunay ng mga pagbabagong ito? Kung gayon, paano ito lumabas at ano ang mga implikasyon nito?

Interaksyunal na Dimensyon: Dahil sa maliit na pagkiling sa literaturang pampamilya, ito ang pinaka-naapektuhan na dimensyon. Kasama na ang mga katauhan at ugnayan sa loob ng pamilya, subalit, maari mong itanong kung saang kategorya nabibilang ang pamilya sa mas malawak na lipunan, at naaapektuhan ba nito ang pamilya? Ano pang mga katauhan ang ginagampanan ng pamilya sa lipunan, at ano ang ugnayan nito sa natitirang lipunan na nasa labas nito, at sa mga indibiduwal sa labas ng mag-anak?

Ang Pamantayan at Aestetikang Dimensyon: Ang pananaliksik ay maaring magtanong kung ang lahat ng miyembro ng pamilya ba ay nagkakaisa ng pamantayan. (Ang ama ba ay mahilig sa hip hop o rap?) Ano ang antas ng katanyagan ng buong mag-anak, at paano ito naapektuhan ng bawat miyembro nito? Ang mga miyembro ba ng pamilya ay naniniwala sa iisang ideolohiyang pampulitika? Ang pamantayan at aestetiko ba ay pinag-uusapan o isinasawalang bahala? Paano naapektuhan ng panlipunan at pangkomunidad na pamantayan ang bawat miyembro ng pamilya? Sila ba ay mgkahanay?

Pandaigdigang Pananaw: Ang buong mag-anak ba ay dumadalo sa parehong debosyong panrelihiyon? Sila ba ay miyembro ng iisang organisasyong panrelihiyon? Sila ba ang nagkakaisa sa paniniwala ukol sa kosmolohiya? Sila ba ay sama-samang ngdadasal (at nananatiling magkasama)?

Ang dokumento sa paggamit ng anim na dimensyo sa pagsasaliksik ukol sa komunidad ay makapagbibigay ng iilang batayan sa paggamit nito sa pagsasaliksik ukol sa mag-anak, higit lalong ang pagkakaiba ng mag-anak at komunidad ay nagiging malabo.

Ang uri ng mga katanungan dito ay malawak at iba-iba.  Ito ay nalilikha sa pamamagitan ng pagkuha ng bawat isang dimensyon -- at pagusisa kung anong meron dito na mahalaga.  Anong meron sa dimensyon na nakakapagpabago ng istruktura at organisasyon ng pamilya?

Ito ang paraan ng paggamit sa anim na dimensyon sa disenyo ng pananaliksik ukol sa mag-anak.

––»«––

The Technological Dimension of Society


The Economic Dimension of Society


The Political Dimension of Society


The Institutional Dimension of Society


The Values Dimension of Society


The Worldview Dimension of Society

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2011.08.26

 Pangunahing Pahina