Mga Pagsasalin-wika:
Socyolohiya:
|
HOMOSEKSUWALIDADGay and Lesbian relationssinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Jasmine Faye Alima CantonSa isang huwad na pamilya, walang puwang para sa homoseksuwal na pagtatalikSa kabaliktaran (anong meron, sa halip na ano ang nararapat), ang gawaing ito ay matagal ng namalagi at nakikita kahit sa buhay ng mga hayop, na ayon sa istatistika ay madalas naiuugnay sa laki at dami. Sa ibang sinauna at klasikal na literatura ito'y naging katanggap-tanggap sa ibang grupo ng sinaunang komunidad na Griyego at Arabo.Ito ay kinikilala bilang aktibidad na madalas makita sa mga paaralan, kulungan, at barko na may magkakaparehong kasarian lamang. Ang mga malasakit ngayon na maging legal ang pag-aasawa ng dalawang magkaparehong kasarian ay isang paksa sa karapatang pantao, na kahalintulad sa mga pagkikilos laban sa rasismo sa ibang panahon at lugar. Tingnan ang Ikapitong Kabanata. Ang pag-aasawa ay nagdudulot ng usapin ukol sa legal at pinansyal na karapatan, kasama na ang usapin sa buwis at alituntunin sa mana, na nakikita bilang diskriminasyon sa mga may sekswal na orientasyon na maliban sa pagiging heterosekswal. Ang oposisyon laban sa legal na pagkilala sa pag-aasawa ng magkapareho ang kasarian, lalo na ng mga simbahan sa Africa, ay kakatwa sa dahilang ang mga simbahan sa Kanluran ay tumutukoy sa maka-Kristyanong pagpapahalaga sa pang-unawa, pagmamahal, pag-intindi at pagpapatawad habang ang doon sa Africa ay pinangangasiwaan ng mga taong sila mismo ay nakaranas ng intoleransya, kalupitan, bigotriya at diskriminasyon dahil sa lahi. Noong dekada sitenta, habang ginaagawa ko ang aking PhD sa Africa, meron akong kapwa Amerikano at mag-aaral na bakla. Sinabi nya sa akin na may alam syang komunidad ng humigit kumulang anim na raang homosekswal na lalake sa kabisera. Ito ay salungat sa madalas na pahayag ng mga Aprikano na ang homosekswalidad ay hindi natural sa Africa at walang lantad na bakla. May nakapanayam din akong babae na ibinalitang ang homosekswal na ugnayan ay pangkaraniwan sa mga pambabaeng paaralan na may pangangasera (supi), at madalas nagpapatuloy pagkatapos ng pagtatapos ng pag-aaral, kahit na ang mga ito'y nag-asawa na, nagka-anak, at minsan tinapos ang kanilang mga heterosekswal na pag-aasawa at nagsimula ng panibago. Ang legal na pagkilala sa magkarapehong kasarian ng pag-aasawa ngayon sa Europa at Hilagang Amerika ay isa sa mga dagdad na panlipunang pagkilala na hindi lang iisa ang uri ng pamilya, at ang seryosong sosyolohikal na pag-aaral sa mag-anak ay kailangang kilalanin ang likas na taglay na pagkiling, at konserbatibong talatuntunan, sa pagbanggit ng kathang monolitikong "tradisyunal" na mag-anak. Maraming sosyolohikal na talakayin na may kaugnayan sa homosekswalidad. Ito ay iilan lamang. Ikaw ay hinihikayat na lumikha ng karagdagan. ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |