Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

English
Español
Français
Italiano
Polszczyzna
Português
Română

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

PAG-IBIG AT PAG-AASAWA

Horse & carriage

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Jasmine Faye Alima Canton

“Ang pag-ibig at pag-aasawa ay dapat magkasama.” Tatalakayin sa sosyolohikal na paraan

Duktor, nagtataka ako kung ano ang kulang sa aking kasagutan. Tulungan nyo po ako. -- Mo

Sa sosyolohiya, pinag-aaralan natin ang "kung ano" –– at hindi "kung ano dapat".  Kahit na tayo ay may paniniwalang ang pag-ibig at pag-aasawa ay dapat magkasama, ito ay hindi nangyayari sa bawat pagsasama. Maaring sa iilan pero hindi sa lahat ng nag-papakasal. Halimbawa lamang ang kultura sa silangang India kung saan ang kasalan ay pinagkakasunduan. Ang mga magulang ang pumipili ng iyong mapapangasawa, base sa pinansyal na katayuan (at hindi dote ang aking tinutukoy). Kasama dito ang kinikita ng lalake, kung sya ay may bahay, at kung sya ay nabibilang sa parehong antas ng lipunan.  Umunlad na ang teknolohiya at ang pagtatalik at pag-aasawa ay hindi na magkaugnay. Hindi kailangang magpakasal ang dalawang tao dahil lamang sa sila ay magkaka-anak na.  Marami ang napilitang magpakasal para mapanatili ang pamilya.  Noong una, ang pag-ibig, pagtatalik at pag-aasawa ay magka-ugnay at ang sinumang nakikipagtalik ng hindi pa nakakasal ay tinuturing na bayaran.  Halimbawa noong labingsyam na siglo, kapag nagdadalang-tao ang babae ng hindi pa ikinakasal, sila ay pinapadala sa mga simbahan para mailayo sa pamilya at komunidad. Dahil sa panahong yun, pinagbabawal ang pakikipagtalik ng hindi pa ikinakasal.

Mohadesah


Salamat Mo; kasiyahan kong basahin ang iyong sagot, at ibigay ang mga sumusunod.

Sa unang pangungusap, "Sa sosyolohiya, pinag-aaralan natin ang kung ano, hindi ang kung ano dapat", ay isang mahalagang batayan sa pag-aaral na ito. Tayo ay hindi nangangaral (ano dapat o kung mayroong wasto o mali). Yan ay para sa mga mullahs, pari, rabbi at mga mongha.  Pero sinasama natin ang pamantayan ng lipunan (ang pamantayan na dimensyon ng kultura at lipunan). Pero ito ba ang panimula ng iyong argumento? Hindi. Ito ay dapat isama bilang argumento ng iyang kasagutan, hindi bilang panimula ng iyong argumento.

Kung kaya kinakailangan mo ng panimula sa iyong kasagutan. Dapat na nakukuha nito ang pansin ng mambabasa, at dapat naihahayag nito ang iyong tinatalakay.  Alam kong hindi madaling gumawa nito lalo na kung nasa pagsusulit, subalit ikaw ay binigyan ng ilang buwan o linggo upang paghandaan ang bawat katanungan at kung paano mo it masasagot.

At ang pag-iisa ng pag-ibig at pagpapakasal ay hindi kathang-isip lamang. Ito ay isang preskripsyon - isang katangian. Sinasabi nito kung ano ang nararapat. Ito'y hindi isang sosyolohikal na pangungusap kundi isang katangian sa iilang komunidad.

May isang sikat na kanta, na mula nuong dekada singkwenta, "Love and marriage go together like a horse and carriage.” Ito'y isang panawagan na pagsamahin ang dalawa. Hindi totoo ang paniniwala ng karamihan na ito ay isang matagal ng naitatag na pamantayan sa pagbuo ng pamilya sa kanlurang lipunan. Ito ay nagmula sa Romantisismong panahon (panahon ng mga romantikong manunula) ng ikalabingsyam na siglo. Ang pag-ibig ay matagal nang nanatili subalit ito ay hindi naiuugnay sa pag-aasawa sa kabuuan ng kasaysayan, kahit na sa kanlurang sibilisasyon (halimbawa ang Europa). Sa dula ni Shakespeare, nagmamahalan sina Romeo at Juliet, subalit ang kanilang nga pamilya, ang Capulets and Montagues, ay tutol sa kanilang pagpapakasal kung kaya sila ay ngpakamatay.

Habang ang pagpapakasal na pinagkakasunduan ay maiuugnay sa timog Asya, ito ay hindi nanatili dito. Ito'y nakikita sa maraming kultura at madalas makita sa mataas na antas ng lipunan kung saan sangkot ang yaman, kapangyarihan, at karangalan ng pamilya.

Mas mainam na humanap ng halimbawa na naiiba sa aking mga tinalakay; ngpapahiwatig ito na pinag-isipan mo ang paksa at hindi mo lang inilalabas ang sa tingin mo'y nais kong makita. Bilang kahalili, maari mong palawakin ang aking mga halimbawa o kaya'y salungatin o hanapan ng pagbubukod, sa halip na ulitin lamang ito na parang ito ay lubos na totoo.

Tamang hindi lamang ito dote, kundi batayan ng kita ng posibleng mapapangasawa. Pero sa sosyolohiya nakikita rin natin ang karangyaan at kapangyarihan (dalawang sangkap ng disparidad) na mahalagang basehan sa pagpipili ng mapapangasawa. Ito'y mas higit na nakikita sa kasalang pinagkakasunduan. Ito ang mga elemento na sinusuri sa potensyal na mapapangasawa sa Europa noong ikalabingsyam na siglo, ang panahon ng romantikong pag-aasawa, bagaman ito'y nababalatan ng ideolohiya ng pagmamahalan.

Ang mga mayayaman na kalalakihan ng sinaunang panahon ay may mga kerida ng hindi ikinakasal, at madalas ay nagkakaroon ng anak. Kung gugustuhin, at kung makakaya nilang bigyan ng bahay at panggastos, ito'y ginagawa nila.

At hinggil sa pagbubuntis, mula pa man nuon, marami ng paraan ang nalalaman upang maiwasang mabuntis. Ang katas ng ugat ng papaya, halimbawa, ay ginagamit na noong sinaunag panahon. Hindi nagbubunga ng bata ang bawat pagtatalik. Sa modernong teknolohiya, nagagawa na nating magkaroon ng anak ng hindi nakikipagtalik, at pagtatalik ng hindi nabubuntis. Sa panahon ngayon, ang teknolohiya ay hindi na masyadong magulo at mas mapagkakatiwalan.

Ang lahat ng iyong argumento ay may katuturan. Kailangan liwanagin ang iilan sa kanila, dahil marami sa mga pangungusap ay hindi pangungusap. Hindi dahil hindi ito makabuluhan, kung hindi gaano naiintindihan ng mambabasa ang iyong ipinapahiwatig. Kailangang ayusin ang pakakasunod-sunod at iugnay ang mga ito sa lohikal at nauunawaang paraan.

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2011.08.26

 Pangunahing Pahina