Mga Pagsasalin-wika:
Socyolohiya:
|
ANG PAGKAKASALUNGAT NG TAHANAN AT HANAP-BUHAYPaid vs unpaidsinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Jasmine Faye Alima CantonBakit lumalaki ang hidwaan sa pagitan ng naghahanap-buhay at gumagawa ng gawaing bahay?Ang kasalukuyang lipunan ay may ekonomiya na nababase sa pera at kalakalan Nangangahulugan ito na karamihan sa mga pangangailangan sa pagpapanatili ng sambahayan ay pangangailangan sa pera (pambayad ng upa sa bahay, pagkain, kapangyarihan, tubig, buwis, libangan). Kasabay nito, mataas ang sahod sa mga kasambahay, kung kaya karamihan sa atin ay hindi kayang kumuha ng katulong para gumawa ng mga gawaing-bahay (paglalaba, pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga ng mga bata). Ibig sabihin ay mayroong dalawang uri ng trabaho na may kaugnayan sa pagpapanatili ng pamamahay, pagkuha ng makakatulong sa labas, at sariling paggawa ng mga gawaing bahay ng hindi binabayaran. Kapwa kailangan ang dalawa. Ito ay mas angkop sa urban na pamumuhay, at hindi gaanong naangkop sa rural na pamumuhay. Sa ating kasaysayan, at sa ating pamantayan, tayo ay may simpleng yunit, mga lalake (ama, asawa) ay naghahanap-buhay sa labas ng bahay at mga babae (asawa, ina) ay ngtatrabaho sa loob ng bahay ng hindi kumikita. Ang pamantayang ito ay sinusuportahan ng konserbatibong lipunan at mga relihiyoso, kahit hindi pangdaigdigan. At ito ay hindi naging pandaigdigan. Ito ay produkto ng industriyalisadong pag-unlad. Ang salungatang pamamaraan sa sosyolohiya, hango sa pananaw ni Marx na ang pagkakaiba ay hango sa kaugnayan sa paggawa, na base sa paniniwalang ang kompetisyon para sa kakaunting yaman ang na siyang ugat ng hidwaan. Sa pamilya, ang ugnayang ito ay kabaliktaran. Ang hidwaan ay base sa pangangailangan ng parehong paghahanap-buhay at pamamasukan, at ang kompetisyon sa hindi paggawa ng gawaing bahay. Marami sa mga kalalakihan ang nasasanay sa sitwasyon kung saan ang mga lalake ay inaasahang maghanap-buhay at ang mga babae ay dapat manatili sa bahay at gumawa ng mga gawaing bahay ng walang bayad. Sa kabaliktaranm maraming kababaihan ang ngtatanong kung bakit kailangan nilang manatili sa bahay kung meron silang kasanayan at karanasan na magtrabaho at kumita. Ang nangyayari, kadalasan, ay ang mga kababaihan ay ngtatrabaho upang kumita at inaasahan ding gumawa ng mga gawaing bahay. Ito ang basehan ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan. Tatlong mgakakaibang situwasyon ang maaring mangyari: (1) ang mga kalalakihan ay nghahanap-buhay at ang mga kababaihan ang gumagawa ng nga gawaing bahay, (2) ang mga kababaihan ay nghahanap-buhay at sya ring gumagawa ng mga gawaing bahay, (3) parehong lalake at babae ang ngtutulungan sa paghahanap-buhay at sa mga gawaing bahay. Ang pagbabago ay hindi kaagad-agad nangyayari, kaya iilan sa mga pamilya sa iilang henerasyon ay napagsasabay ang tatlong modelo. Tumaas ang bilang ng mga babae na nghahanap-buhay noong 1914-1919 (Unang Pandaigdigang Digmaan) kung saan ang mga kalalakihan ay pumapasok sa militar at nakikidigma, at ang mga kababaihan ay binabayaran upang mgtrabaho. Subalit ito ay hindi naging permanente, at noong mga 1920 at 1930, marami sa mga kababaihan ang bumalik sa pananatili sa tahanan. Noong panahon ng depresyon ng 1930, kung saan tumaas ang bilang ng mga walang trabaho, marami sa mga kababaihan ang pinatalsik para mabigyan ng trabaho ang mga kalalakihan. Ang Pangalawang Pandaigdigang Digmaan (1939-46) ay kahalintulad ng naunang digmaan, kung saan maraming mga kababaihan ang binabayaran upang magtrabaho. Mayroon na ring mga kababaihan ang pumapasok sa militar. Pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan, iilan na lang ang bumalik sa dati, at malawak na ang pagtanggap sa mga kababaihang naghahanap-buhay sa labas ng kanilang mga tahanan. Hindi naging dahilan ang kilusang pangkababaihan sa pagbabagong ito, maliban sa pagiging repleksyon nito. Maiuugnay natin ang mga pagbabago sa loob nga pamilya, kung saan dumarami ang mga kababaihang naghahanap-buhay, sa paglawak ng pangkabuhayan at pulitikal na pagbabago sa labas ng tahanan at pagbabago ng lipunan. Subalit ang hindi pagkakaunawaan ng mg-asawa sa loob ng tahanan ay bunga ng mga pagbabago sa mga tungkulin ng mag-anak. ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |