//////// |
.
PAGHIHIWALAY.
NG.
LIPUNAN.
SA.
MUNDO |
sinulat ni Phil
Bartle
Isinalin ni Maria
Kristine Calpe
|
.
.
Mayroong
apat na teyorya ukol sa paghihiwalay ng lipunan sa mundo. |
.
Ang ideya ng paghihiwalay ng lipunan
sa mundo ay ang hindi pagkakapantay-pantay o paghihiwalay sa pagitan ng
mga buong bansa. |
.
Maraming klase ng bansa mula sa mga
mayayaman at mahihirap na bansa, subalit ang ibig sabihin ng paghihiwalay
ng lipunan ng mga bansa ay higit pa sa kinikita ng bawat mamamayan sa isang
bansa. |
.
Ang relasyon sa pagitan ng mga bansa
ay may relasyon sa kanilang posisyon sa pagkakahiwalay ng mga bansa. |
.
Ang mga relasyon na iyong ay kadalasang
ayon sa ekonomiya, subalit ang pulitika ay mayroon ding elemento sa lahat
ng anim na dimensyon. |
.
Mayroong apat na teyoriya at eksplanasyon
para sa pagkakahiwalay ng mga bansa: (1) imperyalismo, (2) sistema ng mundo),
(3) kahirapan ng kultura, at (4) dependency theories |
.
Habang ang imperyalismo ay nagsimula
na noon pa lamang sa panahon ng mga emperyo sa Tsina, Mesopotamia, Ehipto,
at Roma, dahil na rin sa pandaigdigang interaksyon at kolonisasyon ng mga
bansa sa Europa sa mga bansa sa mundo kaya tumibay ang teyoryang ito. |
.
Ang pananamantala ng mga colonies
ang nagpasimula sa patuloy na pananamantala sa mga likas na yaman na nagmula
sa mga bansa ng kolonisasyon. |
.
Ang Canada ay maituturing na colony
subalit sumali din ito sa pananamantala ng colonies ng British Empire. |
.
Nagmungkahi si Wallerstein ng isang
sistema kung saan malalaman ang mga mayayamang bansa at tatawing core nations,
at ang mga bansa na mas mababa ang antas bilang semi periphery at periphery
states na umaasa sa core nations sa mga transaksyon tulad ng palitan, pagbibigay
ng mga materyales para maging produkto at maibenta ulit sa mga tao bilang
tapos o huling produkto. |
.
Ang mga panlabas na
bansa, gaya ng Asia at Africa, ay hindi isinali sa palitan ng produkto. |
.
Ang dependence theory ay tungkol
sa mga katangian ng mahihirap na bansa at ang pagiging dominante ng mga
mas mayayaman na bansa. |
.
Ang mga ekonomiya na
nakakapag-tanim at nangangalakal ng iisang uri ng halaman ay masasabing
mahirap na bansa. |
.
Ang Canada ay maituturing na nasa
parehong antas, pero dahil mayaman sila, nakikinabang din sila sa sistema
ng mayayaman na bansa sa halip na maging taga-bigay ng mga materyales tulad
ng mahihirap na bansa. |
.
Ayon naman kay Gabraith, ang mga
bansa na nasa ilalim na ng hatian ng mga bansa ay manatili sa ganoong estado
dahil mayroon silang kaugalian, kultura, tradisyon, at paraan ng pamumuhay
na pumipigil sa kanila na kumawala sa pagiging mahirap, at nagpapanatili
sa kanila sa huling pwesto ng mga bansa. |
.
May pagkakahawig ito
sa teyoryang "sisihin ang biktima". |
.
Ang isang laro na tinatawag na Power
of Suns, ay isang magandang paraan para matutunan ang paksang hindi
pagkakapantay-pantay. |
––»«––
|