Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

Català
Ελληνικά / Elliniká
English
Español
Français
Italiano
Português
Română
Pycкий

                                        

Ibang Mga Pahina:

Mga Keyword
Mga Modyul

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones

Ginagamit:
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

HINDI PAGKAKAPANTAY-PANTAY, EDAD, LAHI, KASARIAN

Magkakaiba ang Kayamanan, Kapangyarihan at Kasikatan

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Maria Kristine Calpe

Panimulang Modulo (Sentro)

Gusto namin ng pagkakapantay-pantay ngunit parang imposible

Mataas ang pagtingin namin sa Pagkakapantay-pantay ng lipunan

Masyado itong mataas na ibang-iba na ito sa aming totoong kultura; naniniwala kaming mas malaki pa dapat ang pagkakapantay-pantay kaysa sa anong mayroon ngayon

Ang pagkakaiba sa pagitan ng totoo at pangarap namin na kultura ay makikita sa pamamagitan ng pagtawag sa mga tao sa kanilang alyas o palayaw kaysa sa kanilang titulo at tunay na pangalan

Ang mga guro na nagsasabi sa mga estudyante nito na tawagin silas a kanilang pangalan ay nanloloko at tinatago ang realidad na mas may kapangyarihan ang mga guro kaysa sa kanilang mga estudyante

Pero kung sino man ang magsabi na ang emperor ay walang damit ay hindi mananalo sa laban ng kasikatan; mas gusto natin makinig sa ating mga dati pang paniniwala  Iniisip natin na ang hindi pagkakapantay-pantay ng lahi ay masama, kaya naman nahihirapan tayong tanggapin na nangyayari ito sa ating lipunan

Kapag pinaguusapan natin ang hindi pagkakapantay-pantay, nakikita natin madalas ang kapangyarihan, kayamanan, at kasikatan

Nagmumula ang mga ito sa kahalagahang pang-ekonomiya, pulitikal, at kagandahan

Ayon kay Marx, ang antas ay nalalaman ayon sa kakayahanan sa produksyon

Nakita niya na ang mga tao na nagtatrabaho para mabuhay at ang mga tao na namamay-ari ng mga pagawaan kung saan sila nagtatrabaho ang bumubuo sa pinaka-importanteng antas sa lipunan

Kinontra nila Weber at Durkheim si Marx sa pagsasabing may iba pang bumubuo sa kayaman, kapangyarihan at kasikatan, gayundin sa produksyon

Ang ating kaalaman sa hindi pagkakapantay-pantay ay nagsimula noong industrial revolution, at ang ating konsepto ng antas at estado sa lipunan ay doon din nagsimula

Samantala, ang hindi pagkakapantay-pantay ay nagsimula na noon pa lamang agriccultural revolution, at malalaman natin ang pagkakaiba base sa katangiang pikisal tulad ng itsura, edad, at kasarian

Ang modyul na ito ay nagdadagdag ng kaalaman ukol sa lahi, edad, at kasarian

Hindi tulad ng modyul na pangkasanayan sa komunidad, walang dokumento dito na para sa iba't ibang layunin at mambabasa

Ang lahat ng nasusulat dito ay para sa unang pag-aaral ng sosyolohiya

––»«––

Ang Pagsasanay

Ang Pagsasanay

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2012.01.25

 Pangunahing Pahina