Mga Salin
Ibang mga Pahina:
|
PAGBIBIGAY-KAPANGYARIHAN SA PAMAYANAN
Papaano natin mabibigyan-gabay ang mga pamayanan na may maliliit na kita upang sila ay lumakas?
isinalin ni Dionisio R. Vitan III
Pagpapakila sa Modulo
Mga dokumentong kasama rito sa Pagbibigay-kapangyarihan na Modulo
- Kahulugan ng Pamayanan
- Pagbibigay-Kapangyarihan sa Pamayanan, pagpapalakas ng mga lugar na tirahan
- Mga Sangkap ng Kahirapan; Ang Malalaking-Lima, pagtuon ng pansin sa pinagmulan, hindi sa sintomas
- Pagpapaunlad ng mga Tao, Hindi ng mga Kagamitan, sa sangkatauhan, hindi sa teknolohiya
- Paglalabas ng mga Natatagong Pagkukunang-yaman, tuloy-tuloy na kaunlaran, pag-iwas sa limos
- Labing-Dalawang Aral, na natutunan ng Pagpapaunlad ng Pamayanan ng Tirahan
- Kultura at Animasyong-Sosyal (Culture and Social Animation), isang patikim sa kaisipang-sosyal ng agham para sa manggagawa sa labas
- Pagpapanatili ng Kultura (Preserving Culture), Hindi. Imbes, ito ay palakasin
- Mga Pagsasanay sa Politika at Pagpapagalaw (Politics and Mobilization Training), ang mga papel ng politika sa pagbibigay-kapangyarihan sa pamayanan
- Kailangang alam ninyo kung kailan kayo hihinto, kung minsan ay kailangang umalis na kayo
- Walong Simulain ng Pamamaraan ng Pagsasakapangyarihan
- Ang kabutihang-loob ng pagtulong ay nakasasama kung minsan
- Ang maka-taong dahilan at pagsasakapangyarihan ng sambayanan
- Magtungo sa mga Tao (Go to the People), tula ni Lao Tsu.
- Story One, she could not walk away
- Story Two, he was not impressed
- Story Three, they wanted to alleviate poverty
Mga panauhing babasahin
Ang bisa ng pakikipag-tunggali ay pagpapalakas. Francis Bacon
Metodolohiya ng Pagbibigay-kapangyarihan:
Ang mga bagay ng pagsasanay sa mga pahinang ito ay nakatuon sa pagbibigay-pansin sa paglaban sa kahirapan sa dalawang-antas, ang antas ng indibidwal, kung saan bumubuo ng isang samahan ng mauutangan at pagsasanay para sa mga maliliit na negosyo ang siyang tampok, at ang antas ng pamayanan, kung saan naman ang pagsasanay sa pagpapakilos at pamamahala ay siyang ninanais at kasama na rin rito ang pagbibigay-kapangyarihan para sa mga pamayanan na mayroong maliit na kinikita.
Dahil sa ang mga materyales sa pagsasanay na ito ay nakatuon sa mga manggagawa sa labas ng pamayanan, napapaliit nito ang kasaysayan at kaisipan, at tumutugon ng higit sa kakayanan, mga teknik at mga programa. Para roon sa mga nakakaalam nito, ang kaisipan sa likod ng lahat ng mga kasanayan sa mga pahina ng materyales na ito ay sosyolohikal.
Ngunit ang matagumpay na manggagawa sa pamayanan ay hindi makagagawa ng pinakamainam na trabaho, kung hindi siya pamilyar sa ilang mga pangunahing mga prinsipyo na nakalatag sa likod ng paghahandog ng kasanayan o kaya ay sa pagsasalarawan ng mga programa na gagawin. Kung ganoon, dalawang modulo ang ipapakita rito upang madaling mailarawan ang mga pangunahing mga prinsipyo na hindi na kailangan pang maging malalim sa kaisipan at akademya.
Ang pagsugpo sa kahirapan sa bawat isa ang siyang puntirya ng modulong ito. Ito ay sa pamamagitan ng pagbuo ng isang samahang mauutangan at maglalaan ng pagsasanay para sa pagtatayo ng mga maliit na mga negosyo. Pagpapakilala sa mga Prinsipyo ng Pagkakaroon ng Pagkakakitaan. Ang pagsugpo sa kahirapan, sa antas ng pangpamayanan, ang siyang pagtutuunan ng modulong ito.
Sa dalawang bagay, pangpamayanan at maliit na negosyo, ang tema ay pareho lamang. Ito ay binubuo ng ilang mahahalagang mga prinsipyo:
- kung ang tulong man ay iniaalok, ito ay hindi isang limos na siyang nagpapalawig ng pagiging palaasa atkahinaan. Datapwat, ito ay tulong at mga pagsasanay na siyang nagsususog upang makatayo sa sariling mga paa at magkaroon ng mas higit na kapasidad o kakayanan
- ang nilalang na lalong lumalakas sa pamamagitan ng pagsasanay, pakikihamok at pagharap sa siyang kalabanat ang metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan na siyang mga nakapaloob sa mga prinsipyong ito
- Ang paglahok mismo ng mga tagapagtanggap ay napakahalaga upang mapalawig ang kanilang kakayanan
- kami ay nakatuon sa mga kalahok upang sila ang siyang magmaniobra, gumawa ng mga pagpapasya, at. tumanggap ng buong responsibilidad para sa mga gawain na siyang maghahatid sa kanila sa mas higit na kalakasan.
Ang plataporma para sa modulong ito ay nakalatag sa Pagbibigay-kapangyarihan sa Pamayanan, (pinapalakas ang mga kabahayanan).
Ang ilang mga pahina ng web sa modulong ito ay, Mga Sangkap ng Kahirapan; ang Malalaking-Lima ay nanghihikayat upang sumugod sa siyang pinagmumulan ng kahirapan, hindi sa sintomas nito. Ito ay naghahayag ng pag-alis ng kahirapan at hindi lamang sa pansamantalang pagpapagaan ng kahirapan.
Ang Pagpapaunlad ng mga Tao, Hindi ng Kagamitan na mga pulyetos ay nagsasaad na ang kaunlaran at tulong sa pagpapaunlad ay nararapat na itinutuon sa 'antas ng mga tao'," hindi sa malalaking antas ng pagpapaunlad ng teknolohiya na napatunayang hidi naman naghahatid ng pangmatagalang kaunlaran.
Ang babasahing Pagpapakilala ng mga Nakatagong mga Pinagkukunang-yaman (Revealing Hidden Resources), ay sumusuri ng mga prinsipyo sa paghahatid sa pangmatagalang kaunlaran sa pamamagitan ng pag-iwas sa limos, pagkilala at paggamit ng mga yaman ng pamayanan. Ang Kultura at Animasyong-Sosyal (Culture and Social Animation) na babasahin ay isang pagpapatikim ng kaisipang-sosyal ng agham para sa mga manggagawa sa labas. Tignan rin ang Ano ang Pamayanan?" Komunidad
Ang babasahin sa Pagpapanatili ng Kultura (Preserving Culture), ay tumututol sa alamat ng "yaong magaganda noon," at inihahayag na mas mainam na palakasin ang kultura kaysa protektahan (dahil mahina ito) at panatilihin ito.
Ang panauhing babasahin ni Ben Fleming ay nagsusuri sa pangangailangan para Pagkamit ng Pamayanan ng Pagmamay-ari (Gaining Community Ownership) sa proseso ng pagpapakilos.
Ang panauhing babasahin ni Kamal Phuyal, Pag-ayon na Pakikilahok sa Pagpalano (Participatory Appreciative Planning Approach) na sistema o PAPA, ay nagbabahagi ng ilang mga praktikal na mga karanasan mula sa kanyang mga nagawa sa bansang Nepal.
Ang Magtungo sa mga Tao (Go to the People) na tula ni Lao Tsu ay nagtatawag ng pakikilahok, pakikialam at respeto para sa mga tatanggap ng tulong sa pagpapaunlad.
Ikaw rin ay inaanyayahan na tumingin sa Pagpapakilala sa mga Prinsipyo ng Pagkakaroon ng Pagkakakitaan (Introduction to Income Generation Principles), para sa karagdagang at may kaugnayang mga prinsipyo ng pagbibigay-kapangyarihan.
––»«––
Pagbubuklod ng Pamayanan; Paggising ng Kamalayan
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 30.04.2011
|