Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

Bahasa Indonesia
Català
English
Español
Italiano
Português
Română
Srpski
中文

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

PAG-UUSAP TUNGKOL SA PAMAMAGITANG PANGKOMUNIDAD

Paano natin gagamitin ang komunidad bilang isang paraan ng pamamagitan sa mga suliraning pampamilya?

Namagitan: Phil Bartle, PhD

isinalin ni May M. Virola

Ang mga bagong kontribusyong matatanggap ko ay idadagdag sa itaas ng kolesyon

Petsa: Huwebes, 25 Marso
Mula kay: "Michelle R"
Paksa: Sos 160 - Groupo #5
Para kay: "Pagsasakapangyarihan ng Komunidad"
J? ang kahirapan ng mga bata sa Canada ay mataas (kumpara sa ibang bansa)at pataas. Anong mga suliranin ang hinarap ng probinsyal at pederal na gobyerno sa paglutas?
Maraming magkasalungat na pananaw ang lumalabas kapag ang gobyerno ay nagtatangka na gumawa ng mga batas para sa kahirapan ng mga bata. Mayroong dalawang opinyon tungkol sa balangkas ng pamilya, at ang dalawang ito ay di-magkaisa kung anong mga batas ang ipapasatupad.
Unang pananaw : Protektahan ang nuklyar na pamilya
Pangalawang pananaw: kilalanin ang nagbabagong balangkas ng pamilya
Sinubukan ng gobyerno na pag-isahin ang mga batas na kinikilala ang dalawang pananaw na ito. Bagaman hindi pa sila sumasang-ayon.



Mula kay: "faron h"
Paksa: 160- gawaing pang-grupo (mga matsing)
Petsa: Biyernes, 26 Marso
Ilarawan ang halimbawa (panggagahasa ng asawa) kung saan ang problema ng pamilya ay maaaring lutasin sa pamamagitan ng mga pamamaraang batay sa komunidad. Anong mga problema ang maaaring madulot nito at ano ang mga kapakinabangan ng pamamaraang ito?
Ang simbahan ay isang organisasyon na binuo at nilinang sa loob ng komunidad, kung saan ang pagpapasya ay nagmumula sa komunidad bilang kabuuan. Ito (simbahan) ay isang halimbawa ng pammaraang batay sa komunidad na maaaring makatulong sa paslutas ng mga problema ng mag-asawa. Maliban sa paglulutas ng mga isyu, iba pang mga problema ay maaaring makaharap. Halimbawa, kung ang panggagahasa ay ay nangyayari sa mag-asawa, ang lalaki ay gugustuhin na ilihim ito. Kung gayon, kung ang asawa ay magkumpisal sa simbahan ukol dito, ang lalaki ay maaaring gumanti at mas gawing grabe ang mga bagay para sa asawa gaya ng pisikal at berbal na abuso. Karagdagan dito, ang asawang lalaki ay maaaring mayroong magandang reputasyon sa komunidad at ang simbahan ay maaaring hindi paniwalaan ang sinasabi ng asawang babae kung ang kanyang reputasyon ay hindi tanggap. Kung ang lalaki naman ay iiwan ang asawa, mawawalan siya ng pinansyal na stabilidad at mapupwersang palakihin ang mga anak na nag-iisa.
Maliban sa mga problemang ito, maraming mga kapakinabangan ang makukuha dito. Halimbawa, ang pagkuha ng tulong para sa asawang lalaki ay maaaring makapagpatapos sa mga negatibong implikasyon sa mga anak ng kanyang mga aksyon. Ang posibilidad na ang mga anak na lalaki ay gawin ang ganitong uri ng krimen (gaya ng kanilang ama) ay mababawasan. At ang mga anak na babae naman ay mas maiiwasang maging biktima ng panggagahasa ng asawa. Ang pagkuha ng tulong para sa mag-asawa ayy maaarin ding makasalba sa pagsasama nila. Ang pagsasabi na biktima ka ng pangagagahasa ng asawa ay maaari ring makapagtahas sa kamalayan ng komunidad at maaaring mas marami pang kababaihan ang dudulong na mayroon ding kahalintulad na problema.
Samakatwid, ang babae ay dapat timbangin ang mga positibo at negatibong implikasyon ng paghingi ng tulong tungkol sa pangagahasa ng asawa. Subalit ang panghingi ng tulong ay ang pinakamainam na solusyon dahil makakatulong ito sa pamilya bilang kabuuan, lalong lalo na sa asawang babae na magkaroon ng lakas at pagpapahalaga sa sarili.
Ang mga Unggoy:
Faron
Telia
Cory
Bevan


Petsa: Huwebes, 25 Marso
Mula kay:  "Clara S"
Dr. Phil,
Narito ang mga ¨sagot agila¨ sa katanungan ng grupo para sa Blog.
Ang ating takdang aralin ay mag-isip ng mga pamamaraan na mahikayat ang komunidad na makisangkot o makihalo sa mga suliraning ng pagkakawatak-watak ng pamilya ng dahil sa mga bagay na gaya ng pagpatay. Ilan sa mga kaibigan ng aking pamilya ay nasa ganitong sitwasyon sa kasalukuyan, kaya ang aming grupo ay naisip ang ilang mga bagay na maaaringmkatulong sa kanila kung ang komunidad ay makikialam o makikihalo.
Sa simula pa lamang, kadalasan kinakailangan ng mga anak na tumira sa bagong tahanan at kasama ng mga bagong tagapag-alaga. Ang kominidad ay maaaring tumulong sa pagharap sa mga karagdagang kabalisahan na idinudulot ng paglipat kasabay, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga laruan sa mga bata na hindi kayang dalhin ang lahat ng kanilang mga gamit sa kanilang paglipat. Gayun din, ang mga kompanya na nagbibigay serbisyo sa paglipat ay maaaring magbigay ng libreng gamit ng kanilang mga sasakyan at mangagawa. Kung halimbawa, ang pagpatay ay naganap sa tahanan, ang paglilinis ng bahay ay malaking tulong na sa pamilya.
Kung ang mga bata ay nawalan ng magulang na dulot ng isa sa mga magulang nila, ay swertihin na may iba pang miyembro ng pamilya na maaaring magkupkop sa kanila, ang miyembro ding ito ng pamilya ay kailangan magluksa in. Maaaring mayroon din silang sarila nilang mga pamilya at iba pang responsibilidad na kailangang harapin. Kung ang mga miyembro ng komunidad ay magsasama-sama upang tumulong sa pagbabantay ng mga bata, pagluluto o paglilinis, ang mga miyembro ng pamilya ay magkakaroon ng pagkakataon na magluksa o kaya ay magkaroon ng oras para tuungan ang mga bata na harapin ang troma na kanilang nararanasan.
Sa katapusan, ang aming grup ay naisip na ang hindi paglahala sa kwento sa mga pahayagan, kung saan maaaring makita ito ng mga bata halimbawa sa tindahan o kaya sa balitang pang-umaga, ay makakabawas sa mga problema. Masyado ng maraming nararanasan sa kalagayan gito ang mga bata at hindi na dapat nila malaman pa ang mga detalye ng mga pangyayari o kaya ay muling alalahanin ang mga naganap kung sila man ay mga testigo.
Ang ating tanong noong Martes ay ¨Kung ang pagbugbog sa asawa ay isang suliraning panlipunan, ano ang mga solusyong panlipunan?¨
Para sa unang bahagi ng katanungan, ang sabi natin na ang pambubugbog sa sawa ay isang suliraning panlipunan dahil ito ay nakakaapekto sa mga bata, na maaaring magpatuloy sa siklo ng pambubugbog sa kanilang pagtanda, o kaya ay magkaroon ng mga problemang emosyonal. Ang mga biktima ay maaaring hindi pumasok sa trabaho, o kaya ay ma-ospital, o mangailangan ng terapi (therapy).
Maaaring isama ang mga batas na mas mahigpit sa mga solusyong panlipunan. Halimbawa, gawing mas seryosong opensa ang hindi pag-uulat sa mga krimen na maaaring makapagreluta sa pag-aresto, at dapat ding ipaunawa sa mga tao na ito ay isang krimen na hindi maaaring basta na lamang pababayaan.
Ang mga programa sa paaralan na umpisahang turuan ang mga bata ay maaari ring makatulong. Kung ang isang bata ay lumaki na may pang-aabuso ng asawa subalit mayroong realisasyon ay ito ay mali, siya ay
Gayundin, mas malalim na kamalayan ng mga organisasyon kontra sa dahas at mga programang ukol sa pagkontrol ng galit ay maaaring makatulong sa mga solusyong panlipunan ng suliraning ito.
Clara, Marcelo, Amel, and Tamara (mga agila)


Mula kay: "Morgan B"
Paksa:  Diskusyong Panggrupo
Petsa:Lun, 22 Mar
Ito ay para sa blog....Kung dapat natin itong ipaskil?? Mula ito sa huling grupo ng diskusyon tungkol sa, ¨Paano natin magagamit ang komunidad bilang isang paraan ng pamamagitan sa mga suliraning pampamilya?¨
Ang sabi mo nais mong ipaskil ang trabaho ng grupo, subalit hindi ko nakita ang sa iba o anumang balita tungkol dito, kung sakaling hindi balak ipaskil, huwang mong isama. Salamat.
Morgan Brooks
"Paano natin magagamit ang komunidad bilang isang paraan ng pamamagitan sa mga suliraning pampamilya?"
Pagmomolestiya
Mekanismo
Magtatag ng isang pulong pangkomunidad sa lokal na senter (center).
  • Turuan ang komunidad tungkol sa kung ano ang bumubuo sa pagmomolestiya.
  • Magkaroon ng akmang liksyon tungkol dito para sa mga bata at mga matatanda.
Mga Bata
  • Turuan ang mga bata na tumukoy sa mga masasamang tao.
  • Gumamit ng mga larawan o animasyon upang ipaliwanag kung ano ang dapat at hindi dapat.
  •  Ipakita sa kanila kung saan sila maaaring pumunta upang maghingi ng tulong, at ang importansya ng pagsasabi sa isang taong mapagkakatiwalaan.
Mga Matatanda
  • Magbigay ng mga halimbawa ng pagmomolestia sa mga bata.
  • Ipakita ang pinaka- magandang paraan ng paghawak sa sitwasyon ng molestasyon.
  • Magpanayam tungkol sa sa kahalagahan ng paniniguru kung nasaan ang inyong mga anak.
  • Sabihin sa kanila kung saan sila maaaring pumunta upang maghingi ng tulong o konsultasyon kung sila o kung mayroon silang kilala na minomolestia.
Magtatag ng senter (center) sa komunidad para sa mga biktima ng molestasyon.
  • Ilagay ito sa isang opisina, simbahan o barangay center.
  • Magsanay at kumuha ng mga miyembro ng komunidad na magtatrabaho sa center. Magkaroon ng mga aktwal na maggagawa o mga boluntaryo.
  • Siguraduhin ang konpidensyalidad ng mga biktima na pumupunta para maghingi ng tulong.
Ang Community Help Centre ay magbibigay ng:
  • Payo, sa magharap sa sitwasyon.
  • Pamphlets para sa mga nais tulungan ang sarili.
  • Support groups kasama ang mga biktima at kaibigan o pamilya ng biktima.
  • “How to’s” o ¨Paano¨ ayusin ang iyong buhay matapos ang mga pangyayari.
Ang mga mekanismong ito ay dinisenyo upang maging mas madali para sa mga indibidwal na humingi ng tulong. Sa halip na isikreto ito, nais natin na ang mga mekanismong ito ay makatulong sa mga tao na magsalita. Ang pagtuturo at pagbibigay ng suporta sana ay makatulong sa maraming mga indibidwal at pamilya na nangangailangan ng tulong.
.

Mga Pahinang Paukol dito: Gawaing Panlipunan na hango sa Komunidad

––»«––

Ang Pagsasanay

Ang Pagsasanay

Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samaham ng Komunidad para sa Pagpapaunlad
mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2012.06.26

 Pangunahing Pahina