Mga Pagsasalin-wika:
Socyolohiya:
|
KULTURA AT MGA SIMBOLOAng Paggamit ng Anim na Dimensiyonsinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Ernie VillasperAng kultura ay lahat ng nagsasagisag ng bagay na ating natutuhanAng kultura ay lahat ng nagsasagisag ng bagay na ating natutuhan. Ang lahat ng kultura ay natututuhan nguni’t hindi lahat ng ating natutuhan ay tungkol sa kultura. Ang ating pag-aaral ay nagsisimula sa ating pagkapanganak (ang iba ay nagsasabi na mas maaga pa) at ito ay nagpapatuloy hanggang sa ating kamatayan. Ito ay isang pamamaraan upang maging maka-tao. Lahat ng anumang nagsasagisag. Sa edad na dalawa, kapag tayo ay humipo ng mainit na sangkap sa kalan, tayo ay natututo na iyon ay masakit. Hindi kagaya sa kultura. Tayo ay natututong magkabit ng salita, o simbolo, sa ating karanasan kapag sinabi ng ating ina ang salitang “mainit”. Ang simbolo ay naninindigan para sa isang bagay. Tayo ay natututo na magkabit ng kahulugan sa mga simbolo na ating ginagamit upang magpabatid. Ito ay totoo sa lahat ng anim na mga dimensiyon. Ilista ninyo ang bawa’t isa ng mga dimensiyon at ipaliwanag kung paano sila ay nakaimbak at nadadala ng mga simbolo. Ang pananalita ay isang masalimuot na sistema ng mga simbolo. Ang mga simbolo ay walang kahulugan maliban sa kung ang mga tao ay magkabit ng kahulugan sa kanila; at ipabatid ang ganoong kahulugan sa bawa’t isa. Ang patalastas na nailipat mula sa isang tao patungo sa ibang tao sa pamamaraan ng mga gene ay hindi pangkultura. Siguro, kung iyon ay maipapahayag bilang kaugalian, iyon ay masasabing may kalikasan, anuman ang ibig sabihin niyon. Ang ganitong patalastas ay byolohiko. May mga inhinyero (lalo na ang mga estudyanteng inhinyero) na maaaring tumutol na tawaging pangkultura ang mga kasangkapan, subali’t iyon ay totoo. Sila ay kabilang sa dimensiyon na teknolohiko; at ang kanilang disenyo, paggamit at pagbabago ay nangangailangan ng paggamit ng mga simbolo. Ang kultura, at ang pagdadala ng kultura sa pamamagitan ng mga simbolo, ay hindi limitado sa mga kahulugan na hindi pangsosyolohiya; katulad ng baley, opera at mga simponya (mataas na kultura) o kaya ay serbesa at “hockey” (kagaya ng ‘pop’ na kultura). ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |