Mga Pagsasalin-wika:
Socyolohiya:
|
MGA TALAKAYAN TUNGKOL SA DIMENSIYON NA PANGTEKNOLOHIKOThe Culture-Nature Interfacepinamagitan ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Ernie VillasperAng mga kontribusyon ay idadagdag sa ibabaw nitong mga koleksyon habang iyon ay natatanggapMula kay Phil BartlePetsa: Linggo, 16 Enero Isang nakakapanuyang katotohanan ay ang tungkol sa uri ng hayop na walang kayarian upang pigilan ang kapwa niyang uri sa pakikipaglaban; ito ay ang kalapati, ang ating sagisag ng kapayapaan. Kapag may dalawang kalapati na naglabanan, at ang isa ay naging talunan, iyon ay walang paraan (kagaya ng lobo o aso na sumusuko sa pamamagitan nang pagharap ng kanilang leeg) upang ipabatid na hindi na iyon lalaban. Ang kalapati na nagwawagi ay patuloy na tutuka sa talunang kalapati hanggang iyon ay mamatay. Petsa: Linggo, 16 Enero Mula kay: allison m Nais kong matandaan ang pangalan ng dalub-aghambuhay sa kaasalan na may-akda ng aklat na aking nabasa kamakailan lamang, nguni’t hindi ko magawa at wala sa aking harap ang kaniyang aklat. Ang aklat ay may pamagat na “On Aggression”, at aking ipapayo maski kanino na nag-iisip ng tungkol sa problema na nuklear na basahin ito. Ang mahalagang bagay na namumukod dito ay tayong mga tao ay hindi isang uri ng hayop na kumakain ng karne na mayroong katutubong kalikasan upang pigilan ang ating sarili na pumatay ng ibang tao. Sa isang natural na kapaligiran ang isang tsimpanse ay hindi maaaring pumatay ng kapwa tsimpanse bago pa iyon ay makatakas o paya-pain ang kaniyang magsasalakay. Gayon pa man, bigyan mo ng kasangkapan (kagaya ng malaking bato)ang tsimpanse at iyon ay dagliang makakapanlaban. Ang unang tao na pumatay ng kaniyang kaibigan sa pamamagitan ng malaking bato na kaniyang ginagamit sa pagdurog ng mga buto ay malamang na nagulat. “Hindi ito dapat na nangyari.” Ang ating nasa ayos na bagay na tinatawag nating teknolohiya ay nagpapaubaya sa atin upang hakbangan ang karamihan ng limitasyon na bunga ng kalikasan, nguni’t ang iba noon ay marahil hindi dapat nating hakbangan. Ang lahat ng mga nilikha na kailangang maging agresibo ay mayroong pamamaraan upang hindi sila maging agresibo sa kanilang kapwa sa uri; at karamihan nito ay dahil sa kanilang pagiging malapit sa ibang kasapi na tuloy “nakikilala” nila na iyong isa ay kapwa nilang tsimpanse. Alisin ninyo ang malaking bato, bigyan ninyo ang tsimpanse ng isang baril, at ngayon ay hindi na iyon magkakaroon ng “huwag pumatay” na kalikasan mula sa pangalawang tsimpanse. Ngayon naman, isang riple ng mamamaril na nakatago – mas malaking kalawakan – mas kaunting kalikasan ng huwag pumatay. Ngayon, bigyan ninyo ang piloto ng isang buton na pipindutin. Biglaan tayo ay may sagot kung bakit ang isang tao na talagang normal ay makakayanang pumindot ng isang buton at maging sanhi ng kamatayan ng maraming mga tao; at pagkatapos ay umuwi sa kaniyang tahanan at kandungin ang kaniyang anak – walang pagkabalisa sa kaniyang ginawa. At ang ating mga kayarian sa pagsasanay ay tumutulong upang hindi tayo mabalisa. Ang kamakailan lamang na malaki at mabigat na lektor ay nagsabi na “tayo ay gumagamit ng pampalatuusang pagpapairal na ukol sa “21st” na daantaon sa hardwer na pang unang panahon bago nagsimula ang sibilisasyon.” Sa aking palagay, dapat ay panahon na upang tayo ay magbago kung hindi ay ating mawawakasan ang ating buong lipi at planeta. Salamat po sa inyong pagbabasa ng aking sulat, Allison Petsa: Linggo, 16 Enero Mula kay: "Jamie G" Ang usapin na iyong tinukoy ay nagdadala ng isang mahalagang tanong . Kailan ba na ang teknolohiya ay nagiging kontra sa pagbubunga ng ating (maka-taong) ebolusyon? Habang “mas malayo ang pagsulong ng teknolohiya” ng ating sibilisasyon, mas malaki rin ang mga konsikuwensya na ating kailangang harapin. Ang natutunan natin sa pag-aaral ng nakalipas na mga uri ng hayop na nabuhay sa ating daigdig, ay ang pangangailangan sa pagbagay bilang susi sa kaligtasan ng buhay. Si Albert Einstein ang nakatuklas ng sekreto ng atomo para sa pagsulong ng larangan ng teknolohiko upang makinabang ang pamumuhay ng mga tao. Ang teknolohiyang ito ang ginamit sa paggawa ng mga armas na nuklear para sa proteksyon ng ating lahi. Ito rin ang mismong teknolohiya na ngayon ay unti-unting lumilitaw sa buong daigdig bilang isang malaking babala ng nuklear na digmaan na maaaring magwasak ng anumang bagay na ating nalalaman. Salamat po, Jamie G Petsa: 13 Enero Mula kay: Daniel W Bilang mga tao, tayo ay nakasulong ng malaki sa teknolohiya nuong nakaraang isang daang taon. Maaari nating ikatwiran na ang paglaki ng ating karumihan at pinsala sa ating paligid ay balang araw ay magwawasak sa ating lahat, o kaya ay maiiwasan natin ang patuloy na pagkawasak ng ating sistema ng ekolohiya sa pamamagitan ng paggamit ng masulong na teknolohiya. Nakikita na natin itong ganitong kalakaran na na-iisakatuparan sa paggamit ng mga kotse na de koryente at sa paggamit muli ng mga bagay para sa paggawa ng ibang bagay. Sa kabilang banda naman ang ating mundo ay nauubusan na ng lugar na mapagtatapunan ng mga toksikong basura na ating kailangan pa ring gawin dahil iyon ay bunga ng ating mga pangangailangan sa araw-araw. Ang mga ordenansa na nilikha ng mga autoridad para sundin ng mga kompanya sa pagtatapon ng mga basura ay kadalasang hindi nasusunod. Mas hindi magastos para sa mga kompanya kung itatapon na lang nila ang mga toksikong kimiko sa dagat, kaysa kung haharapin nila ang problema nang ayon sa batas. Kung minsan ang mga kompanya ay nagsasapalaran dahil sila ay nasa negosiyo para sa kikitaing tubo; at kalimitan ay wala namang malubhang kagantihan na nangyayari sa kompanya kapag nahuli. Ang madla ay walang kaluwagan sa kompanya kapag nalaman nila ang ganitong gawain, nguni’t kadalasan ito ay hindi nangyayari. Tayo ay masyado nang nakasulong sa teknolohiya hindi katulad noong nakaraang isang daang taon, nguni’t ito mismong teknolohiya rin ang balang araw ay magiging sanhi ng ating wakas. ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |