Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

Ελληνικά
English
Español
Français
Polski
Português
Română
中文 / Zhōngwén

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

KAMUNDUHANG DIMENSIYON

Even atheism is a belief

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper

Ang kamunduhan o haka-hakang dimensiyon ng kultura ay isang kaanyuan ng mga hinagap, kung minsan ay kasalungat, ng mga tao tungkol sa kalikasan ng sansinukob, ng daigdig sa kanilang paligid, and kanilang tungkulin doon, sanhi at kinalabsan, at ang kalikasan ng oras, materya at kaasalan

Ang dimensiyong ito ay kung minsan napagkakamalang ang relihiyon ng mga tao.

Ito ay mas malawak na kategorya, at kasama ang paniniwala ng mga ateista, halimbawa, katulad ng paniniwala na ang tao ay nilikha ng Diyos sa sarili niyang kaanyuan.

Kasali din dito ang mga paniniwala kung paano nalikha ang ating sansinukob, kung paano ito ay tumatakbo, at ano talaga ang katotohanan.

Ito ang panrelihiyon na paniniwala   – at marami pa. Tingnan ang: Mga Tala Tungkol sa Relihiyon.

Kapag kayo ay nakalaglag ng isang lapis sa sahig, kayo ay nakakapagpakita ng inyong paniniwala sa grabidad.

Kapag sinasabi ninyo na ang araw ay sumisikat tuwing umage (hindi ito totoo, ang daigdig ang umiikot sa araw), kayo ay nagpapahayag ng isang nakaraang kamunduhang paniniwala.

Kung kayo, bilang mananaliksik o tagapagpakilos, ay nakita na isang tao na sumasalakay sa paniniwala ng ibang mga tao, makikita ninyo na ang inyong gawain ay maaantala, dahil magkakaroon ng pagsalungat sa inyong mga layunin at tuloy, kabiguan.

Maski na kayo ay ayon o salungat sa mga pampook na paniniwala, kayo ay dapat na makitang gumagalang at hindi may kagustuhan na baguhin ang mga ganoong paniniwala.

Sa malapad na kalawakan ng pamumuhay ng mga tao, ang karaniwang kalakaran ng pagbabago ay ang pagbaba sa bilang ng mga bathala, at ang pagpapababa ng mga pagkakaiba ng banal at hindi banal na mga bagay na pangkalawakan patungo sa mga bagay na walang kaugnayan sa relihiyon.

Magmula sa paniniwala sa maraming diyos, ang mga tao ay pumunta sa paniniwala sa kaunting diyos, at pagkatapos sa paniniwala sa isang diyos, at mula doon ay ang pagdami sa proporsyon ng mga tao na hindi naniniwala sa anumang diyos.

Sa karanasan ng sangkatauhan, lumilitaw na ang mga grupo na mayroong mga diyos ayon sa tradisyon ay may hilig na maging mapagparaya ng ibang mga diyos hindi katulad ng panlahat na mga relihiyon na bawa’t isa ay nagpapahayag na sila lamang ang may tunay na kasagutan.

Ang mga malalaking digmaan ay pinaglabanan dahil sa mga relihiyon (isang kabalintunaan dahil karamihan sa mga relihiyon ay nangangaral ng tungkol sa kapayapaan at pagpaparaya), at ito ay dapat na maging babala sa mananaliksik o tagapagpakilos kung gaano ang mga tao ay taimtim na humahawak sa kanilang mga paniniwala.

Ang mananaliksik o tagapagpakilos ay dapat na matutong magaral at magkamalay kung ano ang umiiral na mga paniniwala sa kanilang sambayanan.

Upang maging mabisang katalista ng pagbabago sa lipunan, ang tagapagpasigla ay dapat na magbigay ng mga mungkahi at paunlarin ang mga pagkilos na hindi nakakalabag sa mga umiiral na paniniwala, at naaalinsunod, o nararapat sa ganoong paniniwala at palagay tungkol sa kung paano ang sansinukob ay tumatakbo.

––»«––

Kamunduhang Dimensiyon

Kamunduhang Dimensiyon

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2011.08.26

 Pangunahing Pahina