Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

English
Español
Français
Italiano
Polski
Portuguesa
Română
中文 / Zhōngwén

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

ANG NUKLEYAR NA MAG-ANAK

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Jasmine Faye Alima Canton

Ang ano mang kontribusyon na matatanggap ay idadagdag sa itaas ng koleksyon na ito



Petsa: Martes, 08 Marso
Mula kay:katrina
Kumusta Dr. Phil,
    Ang terminolohiyang "nukleyar" ay ipinaliwanag sa Diksyunaryong Webster na  "galing sa o naghuhugis nukleo", ang kahulugan ng "nukleo" bilang "sentral na bahagi kung saan nabubuo ang iba't ibang parte; buod".
 Kung gagamitin mo ang literal na kahulugan ng mga salitang ito, ano mang pangkat ng mga tao ay maaring tawaging "nukleyar na pamilya".  Nararamdaman kong ang mga Relihiyosong konserbatibo ay gagamitin ang kanilang kahulugan upang  pangalagaan ang kanilang mga paniniwala.  Ang mga paniniwalang ito ay nagmistulang nangibabaw kaysa iba dahil matagal at malakas na itong mensahe ng grupo ng mga tao na may taglay na kapangyarihan at pamamaraan na palaganapin ito. Sa ganang akin, sa tingin ko'y ang kahulugang ito ay mariing nagdidikta ng "kung ano" dapat kung kaya'y nakatulong ito sa maraming tao na hanapin at tanggapin ang katotohanang ito.  Ako mismo ay hindi nakaranas ng sinasabing "nukleyar na pamilya" sapagkat ang aking mga magulang ay hindi ikinasal. Ang aking ina ay nagtatrabaho na mula pa noong ako'y isang taong gulang pa lang, at ako'y nag-iisang anak na lumaki sa aking mga lolo at lola na syang nag-aruga sa akin hanggang sa ako'y nasa wastong gulang na para mapagkatiwalaang maiwang mag-isa sa bahay.  Ang aking asawa ay lumaki din sa halos magkaparehong sitwasyon.  Nais ko lang ihayag ang aking pananaw...Maraming Salamat.
Katrina


Petsa: Sabado, 05 Marso
Mula kay: Bartle
Sa pinakabalangkas nito, ang nukleyar na pamilya ay binubuo ng dalawang taong nasa hustong gulang na, nasa magkaibang kasarian, at may "monogamous" na pagsasama, kasama ang kanilang supling.
Tingnan ang: http://www.bartle.disted.camosun.bc.ca/soc-glo.htm
Ang mga Relihiyosong konserbatibo ay dinagdagan ang kahulugang ito, at sinasabing ang asawa/ina ay dapat manatili sa bahay(mag-alaga, magluto, maglinis) ng hindi binabayaran. Samantala, ang ama/asawa ay dapat nagtatrabaho at kumikita ng pera upang mapatakbo ang pamilya. At dapat ang ama/asawa ang syang gumagawa ng lahat ng mahahalagang desisyon ng mag-anak at syang kinikilalang may kapangyarihan sa lahat ng miyembro ng pamilya.
Iniimbitahan ko ang lahat ng miyembro ng klase na punan ang talakayang ito, at ilalathala ko ang inyong mga komentaryo.


Noong 07:29 PM 
sumulat si Adam Lionas:
Kumusta Dr. Phil,
Kung maari sana'y ikaw o sino man sa klase ay ipaliwanag ng mas detalyado ang konsepto ng nukleyar na pamilya. Nararamdaman kong maaring mayroon akong nakaligtaang mahalagang bagay sa bahaging ito ng talakaya.
Maraming Salamat.
Adam
––»«––

Ang mitolohiyang pamilyang nukleyar

Ang mitolohiyang pamilyang nukleyar

Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samaham ng Komunidad para sa Pagpapaunlad
mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2011.06.02

 Pangunahing Pahina