Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

English
Español
Français
Italiano
Polski
Português

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

PULITITKANG MAG-ANAK

Power inside and outside the family

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Jasmine Faye Alima Canton

Applying this dimension to the study of family

Ang pulitikal na dimensyon ng lipunan ay lahat ukol sa kapangyarihan:  kung paano ito binubukod at pinapatupad; anong antas ng legalidad meron ito;  gaano kalaki ang kapangyarihan ng isang indibiduwal, pangkat, o institusyon;  anong pagbabago ng pamamahala ng kapangyarihan ang magaganap.

Kung kaya, sa sosyolohikal na pag-aaral sa mag-anak, mayroong dalawang elemento sa dimensyon ng lakas o kapangyarihan.

Kung susundan natin ang mas maliit na antas ng panitikang mag-anak, kikilatisin natin ang kaayusan ng kapangyarihan, ang mga dinamiko nito, kung paano ito naiiugnay sa ibang elemento ng pamilya, paano ito maaring magbago, at paano ito nauunawaan.

Subalit, kung lalagpasan natin ang mas maliit na pagkiling, maiuugnay natin ang pamilya, sa komposisyon at dinamiko nito, sa pulitikal na dimensyon ng komunidad at lipunan sa labas ng mag-anak, at anu-anong pagbabago ang naganap o magaganap.

Sa pulitikal na pag-aanalisa, dapat ay kabilang ang nasa loob at labas ng mag-anak.

Ang pinakaangkop na sanggunian ay ang artikulong “Mga Dimensyon” na aking sinulat, at ang bahagi ukol sa pulitikal na dimensyon ng komunidad at kultura.

Bilang kahalili, maari mong hanapin ang mga susi na mga salita, at tingnan ang "Pulitikal na Dimensyon.”

Maaring maglalaan ka ng oras  upang malaman na ang pulitikal na dimensyon ng sosyolohiya ay hindi katulad ng pang-araw-araw na wari natin sa pulitika, pulitikang inilathala ng mga manunulat, o ng pulitikal na agham, at humihigit pa sa mga bagay tulad ng paghahalal, pulitikal na partido, parlyamento at pamahalaan.

Maaring napapansin mong ang ideyolohiya, na karugtong ng pang-araw-araw na wari natin sa pulitika, ay hindi kabilang sa pulitikal na dimensyon ng kultura at lipunan, kung hindi sa pang-kahalagahan na dimensyon.

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2011.08.26

 Pangunahing Pahina