Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

Ελληνικά
English
Español
Français
Italiano
Português

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

ANG PAMPOLITIKANG DIMENSIYON NG KULTURA

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper

Ating masasabi na ang pampolitikang dimensiyon ng kultura ay tungkol sa kapangyarihan

Samantalang ang pulitika at siyensiya na ukol sa pulitika ay may kasaling talakayan ng mga ibang bagay, kagaya ng mga pampolitikang ideolohiya, ang dimensiyon ng lipunan na ukol sa pulitika ay limitado sa kapangyarihan, at pinababayaan ang ideolohiya sa dimensiyon ng kultura na ukol sa mga kabuluhan.

Ang mga pampolitikang partido ay mga institusyon, at kasali sa pang-institusyon o nakikipagtulungan na dimensiyon.

Katulad din ng anim na dimensiyon ng kultura, at ng panlupang dimensiyon ng kahabaan, kalaparan at kailaliman, ang pampolitikang dimensiyon ay isang kabuuan, batay sa kadahilanan imbis na pagmamasid, at umiiral sa ating isip.

Ito ay hindi likas sa ating kultura, at hindi rin katangian ng kultura; ito ay isang dimensiyon.

Kagaya ng kapag mayroon tayong “dalawang” mansanas, ang “doblado” ay hindi likas sa mga mansanas, nguni’t sa ating isipan lamang.

Ang kapangyarihan ay isa sa tatlong sangkap, kasama ng katanyagan at kayamanan,   ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan o ng uri, na pinag-aralan ng mga sosyolohista.

Ang pampolitikang dimensiyon ay nasa anumang namumuhay na bagay sa lipunan o kultura, mula sa pinakamaliit na pakikipagtulungan, katulad ng sa dalawang tao, hanggang sa isang buong bansa.

Kagaya na ang lapis ay maaaring maging maikli o mahaba, iyon ay laging mayroong kahabaan, ang mga maliit o malaking grupo o institusyon ay mayroong dimensiyon na pampolitika.

Ang nagsasagisag na nakikipagtulungan ay mahilig na mag-aral sa pinakamaliit na kapantayan, mga maliliit na grupo, at ng kanilang paggamit ng kapangyarihan.

Samantala naman, ang mga sosyolohista sa punsiyunal o salungatan ay nag-aaral sa pinakamalaking kapantayan, ang kanilang pamamaraan ay may malaking kaibahan.

Ang sosyolohista sa punsiyunal ay nakikita ang sistem sa pulitika ng buong bansa ayon sa kung paano iyon lumilitaw sa ibabaw, isang pulutong ng mga institusyon na kadalasan ay bumabalanse ng mga grupo na nagpapaligsahan para sa kapangyarihan.

Ang sosyolohista sa salungatan naman ay nakikita ang mga “piling tao na may kapangyarihan”, binubuo ng mga namumuno sa korporasyon, na humahawak ng malaking kapangyarihan, at kadalasan ay sa pamamaraan na hindi halata.

Ang hangarin ng mga piling tao na may kapangyarihan ay ang magpanatili ng isang sistema ng pribilehiyo para doon sa mga taong nasa itaas ng klase sa sistema ng bansa.

May dalawang o tatlong magkaibigan na naglalakad sa lansangan.

Habang papalapit sila sa isang pinagsangahan, ang isa ay nagmungkahi na sila ay lumiko patungo sa ibang lansangan.

Ang tao na nagbigay ng mungkahi ay nagtatangka na gumamit ng kapangyarihan.

Kahit na lumiko sila o hindi ay nagpapakita ng kalakihan ng kapangyarihan na taglay noon ng kaibigan na nagbigay ng mungkahi.

Ating tinatawag ang ganitong mga maliliit na grupong hindi pormal (kagaya ng ating mga kaibigan sa lansangan) at mga pangkat (kadalasan ay nakikita sa mga pagtitipon at pangangaso sa lipunan) na walang pormal o pirmihang namumuno bilang “walang ulo” (ibig sabihin ay walang pinuno).   Ang pamumuno ay hindi pormal, pansamantala at panandalian lamang.

Ang bansa ng Kanada ay gumagawa ng pambansang kapasiyahan kapag sila ay pumipili ng kanilang pinakapunong ministro.

Lahat ng mga pangyayari na namamasdan – mga pagpupulong ng partido, kampanya, pagboto - ay nakaugnay sa dimensiyon na pampolitika, dahil sa ang isang tao ay napipili na magkaroon ng malaking kapangyarihan.

Mas maiintindihan nating mabuti ang pampolitikang dimensiyon kapag nakita natin kung paano iyon ay natatag at nabuo sa kalipasan ng panahon sa loob ng isang sanlibong taon.

Katulad rin ng karamihan ng pagbabago sa lipunan, ang pagsulong na pampolitika ay nahilig na naiipon: ang mga bagong bagay ay nadadagdag sa anumang matagal na sa halip na iyon ay palitan.

Ang mga lumang bagay ay magpapatuloy hanggang ang mga iyon ay hindi tumitigil na gumagana, kahit na hindi na kailangan.

Sa pinaka-karaniwang mga lipunan, ang sistema ng pulitika ay may kakaunting pagkakaiba sa kapangyarihan na nakamtan ng pinakamalakas, kumpara sa pinakamahina.

Iyon ay magkakapare-pareho batay sa pamamahagi ng kapangyarihan.

Habang ang lipunan ay nagiging mas masikot, ang puwang sa pagitan ng pinakamahina at pinakamalakas ay lumalaki.

Ihambing ang hindi pormal na pinuno ng mangangaso sa lipunan na nagtitipon, sa isang kasapi ng pangkat na mayroong pinakamahinang kapangyarihan.

Ang pagkakaiba ay napakaliit.

Ang puwang sa bayan ng Washington, DC, sa pagitan ng presidente at ng tagapaglinis sa isang hotel na nasa pook ng mga mahihirap ay napakalaki.

Ang pagkakaiba ng pinakamababa at pinakamataas ay lumalaki batay sa kasalimuotan ng lipunan.

Ang mas hindi pormal at magkakapantay-pantay na saklaw ng kapangyarihan ay hindi nawala sa pagdating ng agrikultura at ng pang-industryang lipunan.

Ang magkakapantay-pantay at hindi pormal na paglalaan ng kapangyarihan ay nananatili sa pribado at pantahanang kalakhan ng lipunan, habang ang sistema ng herarkiya ay malapad sa mga publikong arena.

Isang mahalagang alalahanin ng mga sosyolohista ay ang pagkakaiba ng kapangyarihan na ayon sa batas at yoong hindi naaayon sa batas.

Kapag iyon ay naayon sa batas, iyon ay tinatawag na kapangyarihan, at kapag hindi, iyon ay sinasabing pamimilit.

Mula pa sa simula ng mga siyudad at mga bansa, na sanhi ng agraryong rebolusyon, ang pinuno ng bansa, kadalasan ang hari sa simula, ay sinarili ang paggamit ng hukbo na ayon sa batas.

Ito ang dahilan kung bakit ang mga sundalo at pulisiya ay malapit na nakaugnay sa pamahalaan, at maraming mga rehimyento sa Komonwelt ay tinatawag na “pag-aari ng Hari ...”, ipinapakita ang ganitong kasaysayan.

Ang mahalagang dahilan nito ay ang karahasan, o lalo na, ang pananakot ng karahasan, ay naging isang kapaki-pakinabang at episyenteng paraan ng paggamit ng kapangyarihan.

Si Mao Tse Tung ay nagsabi na “Ang kapangyarihan ay nag-uusbong mula sa bariles ng baril.”

Ang pulitika at ang mga sundalo ay laging mayroong namumukod na kaugnayan sa isa’t isa sa buong kasaysayan ng mga tao.

Ang digmaan ay lagi nang nagamit sa kasaysayan ng sangkatauhan, mula pa noong rebolusyon sa pansaka, upang makamtan ang mga layunin na pampolitika.

Tingnan ang talakayan sa relihiyon. Bagama’t sa kalabasan ang malaking bilang ng mga digmaan na batay sa relihiyon ay lumilitaw na mga salungatan sa paniniwala, ang mahusay na pagsusuri ay nagpapakitang iyon ay sanhi ng mga pampolitikang layunin.

Ang mga sosyolohista sa salungatan ay nakikita ang pulisiya bilang bahagi ng isang sistema ng katarungan na ang pangunahing hangarin ay ang pang-aapi ng mahihirap at ng walang tanging karapatan.

Ang mga siyentipiko sa pulitika ay nakikita ang tatlong uri ng pambansang sistema sa pulitika, monarkiya, demokrasya, at diktadura (kasali rin ang oligarkiya).

Sa kabuuan, lahat ito ay mga sistema ng paglalaan ng kapangyarihan sa buong bansa, at ang pagkakaiba nila ay ang paraan ng paghalili, kung paanong ang mga bagong pinuno ay napipili kapag ang nakaraang pinuno ay namatay na o kaya ay bumagsak sa kapangyarihan.

Kapag ang paghalili ay matahimik at may kaayusan, ang bansa ay malamang na manatiling matatag.

Si Weber  ay nakakita ng tatlong magkakaibang uri ng kapangyarihan.

Ang “Mapanghalinang uri” ay batay sa personalidad ng isang tao.

Ang “Tradisyonal na uri”   ay batay sa pagkalehitimo ng mga batas sa paghalili.

Ang “Maalabahin na uri” ay batay sa mga makatwirang patakaran sa pagpili ng kahalili (sumaludo sa ranggo, hindi sa taong maysuot niyon).

Ang salitang demokrasya ay galing sa pananalitang Latin, “demo” na ang ibig sabihin ay “mga tao”, at “cracy”, na ang ibig sabihin ay “kapangyarihan”.

Ang salawikaing “Ibigay ang kapangyarihan sa mga tao” ay isang sigaw para sa demokrasya.

Ang hulaping “archie” ay nanggaling sa mga Griyego, at ibig sabihin ay kapangyarihan.

Ang monarkiya ay pamamahala ng isang tao (ang hari o reyna) at ang ibig sabihin naman ng “oli” (kagaya ng sa oligarkiya) ay kakaunti.

Sa isang monarkiya na taga Europa, kapag namatay ang hari o reyna, ang paghalili ay kadalasang sa pamamagitan ng tradisyonal na pamamaraan, ang unang anak na lalaki ang kusang pumapalit.

(Ito ay kakaiba sa mga lipunan ng Akan sa hanay ng mga babae, na ang bagong pinuno ay pinipili mula sa angkan ng hari, puno, o nakatatanda; ang paghalili ay hindi kusa).

Ang paghalili sa diktadura o oligarkiya ay kalimitang sa pamamagitan ng pangmilitar na hukbo, samantalang ang paghalili sa demokrasya ay batay sa makatwiran at ayon sa batas na pamamaraan, katulad ng sa mga eleksiyon.

Ang ating sistema ng parlyamento ay tinatawag na “demokrasya ng mga kinatawan”, at ito ay isang oksimuron.

Kapag ang mga tao ay bumoboto, kanilang isinusuko ang kapangyarihan sa tao o mga taong nahalal, at tapos sila ay wala ng direktong kasangkutan sa mga kapasiyahan na nakaka-apekto sa bansa.

Ang direktong demokrasya ay nagpapahiwatig na lahat ay patuloy na kasangkot sa mga kapasiyahan, subali’t ito ay hindi maisasagawa sa mga malalaki at masikot na lipunan, at maaari lamang na gawin sa mga maliliit na grupo, samahan, nayon, pantahanang komunidad at asosasyon.

Sa mundong pinangyarihan, nakikita natin ang dalawang lakas na patungo sa magkaibang direksiyon.

Sa isang banda ay nakikita natin ang paggalaw patungo sa isang global na ekonomya habang ang kapitalismo ay pumapalit sa sosyalismo.

Sa kabilang tabi naman, ating nakikita ang paglago ng malakas (sabi ng iba ay panatiko) na pagkamakabayan o paglilimita sa isang lugar.

––»«––

Ang Pampolitikang Dimensiyon

Ang Pampolitikang Dimensiyon

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2011.08.26

 Pangunahing Pahina