Community Self Management, Empowerment and Development
Socyolohiya
Nasusulat na Lektyur
Hindi pagkakapantay-pantay
Ikot ng Buhay
German Italiano
Età, Razza, Sesso, Giapponese
.
.
.........
EDAD, LAHI, KASARIAN
sinulat ni Phil Bartle
Isinalin ni Maria Kristine Calpe
.
Ang pinaka-maiksing daan ay hindi palaging tuwid
.
Ano ang pagkakatulad ng edad, lahi at kasarian tuwing ginagamit sa paggawa ng hadlang sa pagkilos ng lipunan at/o saradong pag-iisip?
.
Ang tatlong ito ay nagkakatulad dahil sa kanilang iteraksyon sa pagitan ng biological at pang kultura (o lipunan), tulad noon.  Magkakaiba tayo sa edad, kasarian, at pisikal na katangian.  Hindi natin mapipili ang ating kapanganakan, halimbawa, hindi mapipili ang magulang, araw at lugar ng kapanganakan, o ang iba't ibang kombinasyon ng pagsasama ng egg at sperm cellslswerte sa pagbunot"). Hindi sapat ang iba't ibang kombinasyon para makagawa ng mga kategoryang biological, pero tayong mga tao ang nagdadagdag ng kahulugan sa iba't ibang pisikal na kombinasyon at gumagawa ng kategorya sa lipunan (bsa paniniwalang sila ay biological.  Tingnan sa Lahi at Biology.
.
Lahat ng tatlo ay nasa ugnayang panlabas; lahat ng tatlo ay hindi pa maaaring maituring na kasali sa kategoryang biological (kahit na kasarian).  Lahat ng tatlo ay ginagamit upang makabuo ng hadlang sa pagkilos ng lipunan.  Lahat ng tatlo ay ginagamit upang makabuo ng saradong pag-iisip kaya nagkakaroon ng hindi pantay-pantay na pagtrato sa bawat indibidwal.  Tandaan na ang hadlang sa pagkilos (mga gawain) at saradong pag-iisip (mga kuro-kuro) ay magkaiba, kahit na mukhang magkatulad, at kailangang malaman mo ang pagkakaiba nila.
.
Kapagbumubuo ang mga tao ng grupo ayon sa kanilang tulad-tulad na katangiang pisikalo(madalas dahil sa kanilang pagkakalapit ng tirahan at kapanganakan), maaari silang magakaintindihan o magkaroon ng tulad na natutunan at paniniwala.  Maaari itong magpatindi ng saradong pagiisip ng tao, at lumabas (kahit mali) na sinusuportahan nito ang maling pagiisip na ang pisikal na kaanyunan ang magsasabi kung anong katangian ng paguugali mayroon ang isang tao.  Kaya nagkakaroon ng katangian ang tao ayon sa kanilang edad, lahi at kasarian.  Ang pagtrato sa iba't ibang indibidwal dahil sa sila ay nabibilang sa isang kategorya ay maaaring magdulot ng, halimbawa, pagtanggi sa pagbigay ng serbisyo, base ito sa ideolohiya ng mga sarado ang isipa (paraan ng pagiisip).  Ang Pagtanggi sa pagbibigay ng trabaho o promosyon dahil sa ganitong kadahilanan ang hadlang sa pataas na pagkilos (minsan ay pababa).  Pagtanggi sa pagbibigay ng lisensya upang makapagmaneho at pagbibigay ng pahintulot na bumili ng alak at sigarilyo, ay isang ligal na diskriminsayon.
.
Angglass ceiling ay nagpapatungkol sa hadlang ng pagkilos ng mga kababaihan, hindi ng lahi at edad.  Kahit na mayroong magkakaibang katangiang pisikal ang mga sanggol, bata, kabataan, at matatanda, walang eksaktong biological na hangganan ang mga ito.  Ang pagpili ng partikular na edad para magbigay ng lisensya o magsimulang tumanggap ng pensyon ay ayon sa pisikal na kakayanan.  Ang hindi pagtanggap sa tao sa trabaho (o pwersahang pagretiro) dahil sa sila ay masyadong bata o matanda, na hindi ayon sa kanilang kakahayan, ay isang malaking hadlang sa kaunlaran, tulad na rin ng mga gawaing base sa saradong pagiisip.  Ang pagkakaiba sa pananamit, pagkilos, at pananalita (kahit na sa pagkakaiba ng paggamit ng tono sa pananalita gumagamit ang mga lalaki ng tatlong tono at ang mga babae naman ay lima) ay natututunan, at natutunan nila sa magkaibang paraan (at nababago pa rin ng mga indibidwal).  Kung ano ang lalaking katangian sa isang kultura ay maaaring katangian ng babae sa iba pang kultura. Lahi ay maaaring ibase sa iba't ibang normal na kombinasyong biological pero walang purong kategorya, maraming naghahalo ng katangian (dahil sa pagpapakasal ng magkaibang lahi at sa mga ninuno), at marami ang hindi kasali sa normal na pagtingin sa mga tao.

Paalala: Itinatama nito ang mga pagkakamali sa mga eksaminasyon ng mga mag-aaral.  Ang mga nagmamay-ari ng alila ay hindi nakakakuha ng alipin ng libre, binabayaran nila ang pagkain, pananamit, tirahan at ang kanilang seguridad sa pagtanda.  Maraming mgad ating alipin ang naghirap pagkatapos alisin ang sistemang ito dahil sa pinaalis na lang nila ang kanilang mga alipin.  Hindi ako sumasang-ayon sa sinasabing ang lahi, edad, at kasarian ay hindi angkop na aralin sa sosyolohiya.  Hindi din ako sumasang-ayon na biological o sosyolohikal lamang ang mga ito; sila ang nasa unahan at madalas makita.  Ang pagkilos na pinag-uusapan dito ay ang pagkilos ng lipunan at hindi ng lugar  ang paglilista ng pagkakakilala sa mga paliparan ay hindi pagkilala ng mga terorista, pero ang pagkilatis ayon sa lahi ng mga taga gitnang silangang muslim (ang mga nagdiskubre ng Israel at Estados Unidos ay mga terorista rin).
––»«––
...
Hindi pagkakapantay-pantay