Community Self Management, Empowerment and Development
Socyolohiya
Nasusulat na Lektyur
Hindi pagkakapantay-pantay
English version of this document
.
.
............
.
PAANO. NA. ANG. MGA. NAKAKATANDA?
sinulat ni Phil Bartle
Isinalin ni Maria Kristine Calpe
.
Ang pinaka-maiksing daan ay hindi palaging tuwid
.
Kung ikaw ay nakaranas na sa iba't ibang lipunan, madali mong mapapansin na ang mga nakatatanda ay binibigyan ng mas mataas na respeto kaysa sa lipunan ng mga Canadian.
.
Sa halip na magsaya o tutulan ang bagay na ito, tanungin kung ano ang pagkakaibang panlipunan na maaaring dahilan sa mga pagkaka-ibang ito?
.
Isa lang ba itong tanong upang mahikayat ang mga kabataan ng makabagong media?
.
Karamihan sa mga mas matatandang tao ay nakakuha na ng sapat na impormasyon, pati na rin katalinuhan.
.
Ang kanilang pisikal na hangganan ay kalimitang mas mababa kaysa sa mga mas bata, at ang kanilang kakayahang matuto ng mga bagong teknik at teknolohiya ay nahahadlangan.
.
(Alaala?  Ano nga ba ang kinain ko kaninang agahan?)
.
Marami ka pang pwedeng maisip na katangian ng mga mas nakakatanda.
.
Kung titingnang mabuti ang mga katangian na maghihiwalay sa matatanda at sa mga mas bata, mas mababa ang kanilang halaga sa makabagong lipunan at mas mataas naman sa lipunang agrarian at komunidad ng kalakalan.
.
Sa una, ang abilidad na matuto ng bagong teknolohiya ay mabuti dahil ang pagbabago sa teknolohiya at lipunan ay mas mabilis.
.
Isa pa, ang naipon na karunungan ay maaari pa ring gamitin dahil sa ang lipunang agrarian at komunidad ng kalakalan ay mas mabagal magbago.
.
Sa panahon ng hunting and gathering, ang kaalaman kung saan makukuha ang kanilang ikabubuhay ay matatagpuan sa kalikasan, at ang paraan ng paggawa ng mga bagay - kasama na ang mga tradisyunal na kagamitang yari sa kamay - ay parehong nagagamit at pinahahalagahan.
.
Kahit na sa iba't ibang bayan ngayon kung saan mayroong mga maliliit na tindahan, maaasahan pa rin ang ating mga lolo at lola na magbantay nito at gumawa ng iba pang gawaing nakakatulong sa pagpapatakbo ng tindahan.  Pero hindi sa ibang industriya.
.
Ang kahalagahan ng mga matatanda, na magkakaiba kung saan iba ang teknolohiya, ay maaaring isang mahalagang dahilan sa pagkukumpara ng antas ng respeto.
.
Maraming gemeinschaft subalit dahil sila ay may sariling batas na sinusunod na nagsasaad na kailangan nilang kumita, nagiging ilusyon na lamang sila.
.
Ang mga regulasyon mula sa gobyerno, lalo na ukol sa kalinisan at kaligtasan, ang pumipigil sa natural na pagkilos ng buhay komunidad.
.
Ang mga empleyado ay mayroong natatanging trabaho na dapat tapusin upang hindi mawalan ng trabaho, kaya wala silang oras upang gumawa ng ibang bagay na maaaring makatulong sa kanila.
.
Ang mga alaga, lalo na ang mga aso, ay kalimitang ipinagbabawal.
.
Kakaunti ang mga bata, kalimitan silang matahimik at palaging nasa loob ng bahay, kinukulong ng kanilang mga magulang.
.
Sabi nga ng isang residente, "Pumunta lang kami sa bulwagan pagkatapos ng agahan at nagtinginan, naghihintay na mamatay na sila.” Bartle 2005 p.9:4
.
Ang lipunan sa Canada ay nahulma sa kahalagahan ng pagiging kapitalista at ng opisinang kultura.
.
Nagtuturo sila ng kasakiman at pagiging makasarili.
.
Minsan, tinatawag ito ng mga Spin doctors na "motibo para kumita."
.
Ang lubhang pagaalala sa kapanganakan ng sarili ang nagaalis ng respeto at pagaalala para sa kapakanan ng iba, kasama na rito ang mga nakatatanda.
.
Karamihan sa lipunan ng agrikultura (pagsasaka) at kalakalan (palitan), ang mga mas nakakatanda ay may mahalagang parte sa pamilya.
.
Ang lipunang kapitalista naman ay hindi nag-oobliga sa pamilya na maging makabuluhan sa hanag-buhay (dahil mga pagawaan ang nagiging paraan ng kanilang produksyon).
.
Kung ang isang pamilya ay nagpapatakbo ng isang tindahan, kahit ang mga matatanda sa pamilya na mahina na ang pisikal na katawan ay nakakatulong pa rin sa pamamahal ng pera. Mayroon pa rin silang silbi.  Subalit hindi sa lipunan ng mga kapitalista.
.
Tulad ng sa pamilyang nagsasaka, kahit na ang mga matatanda ay hindi na malakas ang pisikal na katawan, ang kanilang naipon na kaalaman at kakayahang mag-isip ang nagbibigay sa kanila ng kakayahan, at ito ang tumulong na mabigyan sila ng respeto na kanila namang ikinatutuwa.
.
Sa lipunang kapitalista, sa tulong ng mga makina at makabagong taknolohiya, tanging ang mga empleyadong may silbi ang natitira, at tuluyang pinapaalis ang mga matatanda sa trabaho.
.
Sa lipunan sa Canada, ang karaniwang ginagawa sa mga matatanda na ay dinadala sa mga espesyal na tahanang ginagawa kung saan matutugunan ang kanilang pangangailangan.
.
Maaaring makonsensiya ang mga anak ng mga matatandang magulang na dinadala sa bahay alagaan dahil noong mas maagang panahon, inaalagaan pa ng mga anak ang kanilang mga magulang sa kanilang sariling bahay.
.
Ang pagiging abala at ang mabilis na takbo ng buhay ngayon ang ginagawang dahilan upang madala ang mga matatandang magulang sa bahay alagaan ng mga senior citizens, kung saan binabantayan ng mga propesyonal ang kanilang paguugali.
.
Ang industrial revolution at ekonomiyang kapitalista ang nagpasimula ng pagkilos ng lipunan at geograpiya.
.
Nakatulong ito sa pagbabawas ng ibang miyembro ng pamilya sa tahanan.  Lumilipat ang mga nagtatrabaho pero hindi nila maisama ang kanilang mga matatandang magulang, kaya madalas silang naiiwanan.
.
Mahalagang malaman na ang katangian ng isang pamilya ay hindi lamang dahil sa mga pangyayari sa loob ng tahanan kung hindi dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa teknolohiya, ekonomiya, at pulitikal na katangian ng lipunan.
.
Maraming solusyon sa problema.
.
Ang magkakahalong komunidad ay isang paraan kung saan maaaring mamuhay ng magkakasama ang mga tao sa iba't ibang edad ("matatanda" bilang kategorya ay isang social construct; sa totoong buhay tatanda din tayong lahat pagdating ng panahon).
.
Ang pagkakaroon nga mga trabahong mas maluwag sa oras at pagkakaroon ng mga trabahong panandalian ay isa ring paraan para mas maraming magawa ng tao habang sila ay umeedad.
.
Ang pag-aalis ng pwersahang pagreretiro kapag umabot, halimbawa sa edad na 65, ay magbibigay ng oportunidad sa mga mas nakakatanda na makapagtrabaho ng mas matagal.
.
Gumagawa ng mas makabuluhang serbisyo sa komunidad at mga programa na magbibigay ng pagkakataon sa mga mas nakakatanda na makatulong.
.
Reference Cited:  Bartle, P (2005) Ang Sosyolohiya ng Komunidad; Isang Panimula. Camosun Imaging. Victoria.
––»«––
.
Anciana; Ambientada en Europa del Este;
Ilustración de Allison Miller:
.
Old woman
...
Hindi Pagkakapantay-pantay