Community Self Management, Empowerment and Development
Socyolohiya
Nasusulat na Lektyur
Hindi pagkakapantay-pantay
Link to Village 900 radio station of Camosun College
English version of this documentA versão portuguesa deste documento
.
.
.........
.
GLASS. CEILING,. GLASS. ESCALATOR
sinulat ni Phil Bartle
Isinalin ni Maria Kristine Calpe
.
Ang pinaka-maiksing daan ay hindi laging diretso
.
Ang salitang "salamin" sa parehong kataga ay hindi isang aksidente.
.
Kung nasubukan mo nang maglakad sa isang saradong salamin na pinto (malinis na malinis), malalaman mo ito.
.
Nandoon ang hadlang, pero hindi madaling makita.
.
Ang dalawang kataga ay nagpapatungkol sa mga tao na may trabahong tradisyunal na ibinibigay sa ibang kasarian.
.
Nahihirapan ang mga kababaihan na tumaas ang posisyon sa trabaho (tulad ng antas ng executive, o sa paggawa ng desisyon) at mas madali naman para sa mga kalalakihan.
.
Pareho itong base sa obserbasyon na ang mga lalaki ay karaniwang mas madaling tumaas ang antas sa trabaho kaysa sa mga kababaihan, kahit na ang trabaho ay naibabase sa kasarian o hindi.
.
Ang hindi tamang pagtingin sa konseptong ito ay base sa kasarian, at ayon sa konsepto ay katulad ng mga bagay na base din sa mga katangiang biologikal ng tao, edad, at lahi.
.
Kung mayroong kategorya ng tao na hindi isasama sa pagpili ng matataas na posisyon gaya ng paggawa ng desisyon, kung gayon, ang pangkalahatang antas ng paggawa ng desisyong pang ekonomiya ay mahahadlangan.
.
Ang ibig sabihin, hindi gagana ang ekonomiya ng ayon sa pinakamataas na kakayahan nito.
.––»«––
..
Hindi pagkakapantay-pantay