.........
|
.
HINDI.
PAGKAKAPANTAY-PANTAY |
sinulat ni Phil
Bartle
Isinalin ni Maria
Kristine Calpe
|
.
.
Samantalang ang hindi pagkakapantay-pantay
ay nararamdaman na simula nang mga unang lipunan ng tao, ito ay ang sobrang
pang-aapi at pagpapahirap sa mga manggagawa ng mga may-ari ng factory noong
iksa-labingwalo at ika-labingsiyam na siglo na naging dahilan kung bakit
ito mahalagang usapin sa sosyolohiya. |
.
Simula sa pinanggalingan
ng sosyolohiya hanggang sa panahon ngayon, nanatili itong mahalagang paksa
sa pag-aaral. |
.
Simula noong unang panahon, ang hindi
pagkakapantay-pantay ay base sa pananamantala ng pagkakaiba ng pisikal
na anyo. Tingnan sa Edad,
lahi, kasarian. |
.
Ngayon, tinitingnan nga mga nagaaral
ng sosyolohiya ang klase ng tao ayon sa:
Pag-aari (kayamanan)
Kapangyarihan, at
Kasikatan. |
.
Sa lipunan, ang mga
tao ay hindi pantay pantay sa tatlo. |
.
Sa mga mas maliliit
at simpleng lipunan, mas maiksi ang pagkaka-iba simula sa pinakamababa
hanggang sa pinakamataas sa lahat ng ito. |
.
Sa mga mas komplikado
at lipunan na urban at industriyal, mas malaki naman ang agwat ng mga ito. |
.
Sinabi ni Karl Marx na ang klase
daw ay ayon sa "kakayahan ng produksyon" (hindi siya nagaral ng sosyolohiya,
subalit tinawag na "ama" ng sosyolohiya). |
.
Ang dalawang pangunahing
klase para sa kanya ay ang mga nagtatrabaho at ang mga may-ari ng mga pagawaan. |
.
Pagkatapos ni Marx, na namatay noong
1883, sila Durkhein at Webber ang nagdagdag ng kapangyarihan at kasikatan
para maging tatlo ang basehan ng hindi pagkakapantay-pantay. |
.
Ayon sa mga kasalukuyan na mga nagaaral
ng paksang ito, mas gusto nila gamitin ang salitang "kayamanan" kaysa sa
pagaari, subalit ang ibig sabihin lamang nito ay magkatulad. |
.
Pagdating sa anim na dimensyon ng
kultura, ang kapangyarihan ay nasa pulitikal na dimensyon, ang kayaman
ay sa ekonomikal, at ang kapangyarihan ay nabibilang naman sa dimensyon
ng kaugalian at kagandahan. |
.
Ang hindi pagkakatulad
ng estado ay tuwing ang tatlong ito ay hindi magkakapantay. |
.
Halimbawa, ang isang
mangangaral sa maliit na bayan ay maaaring magkaron ng kasikatan subalit
kakaunti lamang na kayamanan. |
.
Ang isang tusong abogado
ay maaaring maging mayaman subalit kinasusuklaman ng lahat. |
.
Ang pagkilos ng lipunan
naman ay nangangahulugan ng pagbabago ng antas, maaaring pataas o pababa. |
.
Angtatlong uri ng pagkilos ng lipunan
ay:
-
Inter generational (kapag ang anak ay nakakuha
ng mas mataas o mababang antas kaysa sa kanilang mga magulang);
-
Structural mobility (ang pagbabago ng buong
lipunan dahil karamihan sa mga miyembro nito ay tumaas o bumaba ang antas);
at
-
Exchange Mobility (ang buong lipunan ay nanatili
subalit ang mga tao ay tumaas o bumaba sa lipunan).
|
––»«––
|