Mga Salin:
Ibang mga Pahina:
|
LISTAHAN PARA SA MGA PANUKALA NG PROYEKTO NG KOMUNIDAD
isinalin ni Lina G. Cosico
Handout sa Training
Bago
magsumite ng panukala, ang mga sumulat ay dapat suriin ang mga sumusunod. Bago
aprobahan ang panukala, ang mga donor ay dapat suriin ang mga sumusunod
- Ang lahat ba ng mga bahagi ( mga kapitulo) ng panukala ay kasama sa panukalang isinumite? (Katulad ng nakasulat sa patnubay).
- Kinilala ba ang mga benepisyaryo o mga taong makikinabang? Sila ba ang mga pinakamahihirap sa komunidad?
- Marami bang kababaihan ang kasama sa benepisyaryo?
- Napagkasunduan ba ng buong komunidad ( hindi lamang ng iilang lider) na ito ang pinakaprayoridad ( unang kagustuhan) na gawing proyekto ng komunidad?
- Marami bang kababaihan ang nakasama sa pagdesisyon at pagdisenyo ng proyekto?
- Isinaad ba ang lahat ng iniambag ng komunidad? Kalahati ba ito ng kabuuang gastos ng proyekto?
- Kompleto ba ang mga pisikal na detalye? ( mga halaga, diagram, disenyo, sukat).
- Isinaad ba mga yugto o bahagi ng proyekto? ( Ang panahong kailangan para matapos ang bawat yugto ng proyekto).
- Isinaad ba ang mga gastusin ng bawat yugto?
- (Para sa bansang Uganda lamang) Ang kabuuang gastusin ba ay mas mababa sa 10,000,000 Uganda Shilling ?
- Kinilala ba ang ehekutibong komite? Kasama ba ang mga lider ng komunidad at hindi puro empleyado ng gobyerno?
- Nakapagbukas na ba ng account sa bangko ang proyekto?
- Nakapagtatag na ba ng sistema ng pagkukuwenta o pagtutuos ang proyekto?
––»«––
Pagsasagawa ng Proyekto ng Komunidad:
Kung kokopya ng teksto sa site na ito, mangyari lamang na banggitin ang mga may akda at i-link pabalik sa cec.vcn.bc.ca/cmp/
© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 30.05.2011
|