Tweet Mga Salin:
'العربية / Al-ʿarabīyah |
MGA PAGKUKUNANG YAMAN PARA SA PROYEKTO SA KOMUNIDADni Phil Bartle, PhDisinalin ni Lina G. CosicoIntroduksiyon sa Modulo (Simula)Mga dokumentong kasama sa Modulo Ukol sa Pagkukunang Yaman
Paano makakuha ng mga kailangan mo para maisagawa ang gusto moAng aksiyon na binigyang sigla mo sa isang komunidad noong ikaw ay nagmomobilisa at nag-oorganisa ng mga mamamayan, ay kadalasang tinatawag na proyekto. Maaari itong isang konstruksiyon o pagmementana ng isang pasilidad sa komunidad ( halimbawa- pinagkukunan ng tubig, klinik, paaralan, pangkalinisan), isang serye ng pagsasanay ( halimbawa- edukasyon sa kalinisan at kalusugan, pagbasa at pagsulat) o aksiyong sosyal ( para sa karapatan ng mga kasama, pagsawata sa krimen, dibersiyon ng mga gang). Mayroong magkasalungat na kaisipan - na ang lahat ng mga pangangailangan sa isang proyekto ay maaaring hindi makukuha sa apektadong komunidad, pero sa seryeng ito ng mga modulong tungkol sa pagbibigay kapangyarihan, isinasaad na higit na maraming pagkukunang yaman sa loob ng komunidad kaysa sa unang inaakala ng mga tao. Ang sobrang pag-asa sa mga pagkukunang yaman sa labas ng komunidad ay nagbubunga at nagpapalaki ng "dependency syndrome" na sa pinakagrabeng situwasyon ay tumutukoy sa isang komunidad na walang pakialam at walang organisasyon kaya walang gagawin para sa sarili. Ano ang gagawin ng mobiliser? Gamitin ang mga modulong ito sa pagguhit ng manipis na linya sa pagitan ng paghingi ng ilang tulong sa labas ng komunidad, pagtulong sa mga mamamayan na gamitin ang mga kayamanang nasa kanilang komunidad, at huwag masyadong umasa sa labas na tulong. Kung ang isang komunidad ay mas umaasa sa sariling yaman sa pagsasagawa ng proyekto (tingnan ang modulo tunngkol sa disenyo ng proyekto ), mas masasanay ito sa ganito at mas magkakaroon sila ng kapangyarihan. Maraming pahina sa web na tumutukoy sa paksang ito. Mga Proposal ay isang dokumento para sa mga NGO ar CBO na nagtuturo kung paano humingi ng pahintulot o pondo para sa isang proyekto; Mga Kabanata Tungkol sa Proposal ay isang handout na ginamit sa isang workshop na naglilista ng mga kailangang kabanata; Proposal Check List Handout ay isa pang handout mula sa workshop na magagamit ng mga sumusulat ng proposal at ng mga nagbibigay ng pondo para maseguro na kasama ang lahat ng paksang kailangan sa proposal. Pagkakamit ng Pagkukunang Yaman, ay isang dokumentong magagamit na patnubay ng mga komunidad na naghahanap ng pagkukunang yaman; at Pangangalap ng Pondo (Fund Raising) ay nagbibigay ng iba't-ibang paraan ng pagkuha ng pondo para sa mga NGO at CBO. Para sa mga halimbawa ng mga proposal ng proyekto, tingnan: www.developmentgateway.org. Ang
site na ito ay hindi nagbibigay ng pondo, pero ang modulong ito ay magtuturo kung
paano makakuha ng pondo. ––»«––
Mga Karagdagang Modulo: Disenyo ng Proyekto ng Komunidad
Kung ikaw ay kokopya ng teksto mula sa site na ito, mangyari lamang na banggitin ang mga sumulat nito |
Pangunahing Pahina |