Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

Deutsch
English
Ελληνικά
Español
Français
Italiano
日本語 / Nihongo
Português
中文 / Zhōngwén

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

PAGBABAGO AT ANG MGA DIMENSIYON

Social, Cultural

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper

Change in one ultimately results in changes in all

Ang paggawa ng pagbabago sa anumang dimensiyon ay mayroong mga pag-igkas sa bawa’t isa nang iba pang mga dimensiyon.   Halimbawa, upang simulan ang isang bagong pamamaraan ng pagkuha ng tubig sa isang sambayanan ay mangangailangan ng mga bagong institusyon na panlipunan, o kaya ay ng pagtatayong muli ng mga kasalukuyang institusyon upang mapanatili ang bagong sistema ng pantubig.

Upang mabago ang anuman sa isang dimensiyon na pangkultura ay mangangailangan hindi lamang ng pagbabago sa ibang mga dimensiyon, iyon ay nagbubunga rin ng mga pagbabago doon.

Ang pag-aaral ng mga bagong paraan ng paggawa ng anumang bagay ay mangangailangan ng pag-aaral ng mga bagong kabuluhan at pang-unawa.   Ang mga pagbabago sa isang dimensiyon ay magpapasimula ng mga pagbabago; katulad ng mga maliit na alon sa tubig ng isang matiwasay na dagat-dagatan kapag iyon ay hinagisan ninyo ng isang bato; at sa katapusan ang lahat ng anim na dimensiyon ay magbabago.

Dahil sa ang mga resultang pagbabago ay hindi kaagad lumilitaw ng sabay-sabay, ating ginagamit ang katawagang “pagkaantala sa kultura” upang ilarawan ang mga sangkap na nakakaantala.

Narito ang isang dayagram na maaaring gamitin bilang isang balangkas para sa talakayan ng pagbabago sa panlipunan at ng mga kaugnayan sa pagitan ng mga dimensiyon na pangkultura.

Marx's directions of change
Cultural change and the dimensions
Weber's direction of change

Nakita ni Marx ang mga pagbabago sa pundasyon (ang dalawa sa ibaba); teknolohiya at tungkol sa ekonomika, na nagiging sanhi ng mga pagbabago doon sa iba pang apat.

Nakita ni Weber ang mga pagbabago doon sa dalawa sa itaas, na nagiging sanhi ng mga pagbabago doon sa iba pang apat.

Ang buod ng punsyon ay hindi maipaliwanag kung ano ang mga sanhi ng pagbabago, nguni’t kapag mayroong pagbabago sa isang dimensiyon, ang buod ng punsyon ay humuhula ng katumbas na pagbabago doon sa lahat ng anim na mga dimensiyon.

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2011.08.26

 Pangunahing Pahina