Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

Ελληνικά
English
Español
Français
Italiano
Português
Română
Русский

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

PAGSASAPANLIPUNAN

Manok At Itlog

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper

Ang pamamaraan ng pagsasapanlipunan, na nagtatangay ng isang tao bilang hayop upang gawin siyang maging maka-tao, ay nagsisimula sa kapanganakan at nagpapatuloy hanggang sa kamatayan

Ang pamamaraan ng pagsasapanlipunan, na nagtatangay ng isang tao bilang hayop upang gawin siyang maging maka-tao, ay nagsisimula sa kapanganakan at nagpapatuloy hanggang sa kamatayan.

Sa literatura para sa pagsasapanlipunan, mayroong malakas na pagkiling sa sikolohiya habang nakikita ang pamamaraan samantalang nagkakabisa iyon sa isang tao.  Dahil tayo ay mga hayop din, at hindi mga botelyang walang laman na nararapat punuin ng kultura, ang pagunawa ng pangkaisipan na pamamaraan ay kailangan at kapaki-pakinabang.  Tayo ay natututo ng iba-ibang bagay sa iba-ibang yugto ng ating pamumuhay dahil tayo ay sinadyang matuto noon sa mga iba-ibang gulang.   Kapag iyon ay atin nang natutuhan, karamihan noon ay hindi na natin makakaligtaan; katulad ng kasabihan na ang bote ay hindi ganoon kadaling maaalisan o malalagyan ng laman.

Kung tayo ay hindi pabagu-bago sa pagpapanatili ng ating mga pagpapalagay tungkol sa sosyolohiya o karunungang panlipunan, dapat ay kailangang makita natin ang pamamaraan mula sa perspektibo ng kultura at lipunan.

Ang lipunan at kultura (ang sistema sa lipunan na pangkultura) ay hindi ang mismong mga tao nguni’t ang kanilang mga ugali at hinagap.   Ito ay taglay natin sa ating kalooban subali’t kung mag-ugali tayo minsan ay parang nasa ating labas.   Halimbawang walang mga taong namumuhay sa mundo, kung ganoon lahat ng mga bagay na ating nakikita ngayon na kultura at lipunan ay hindi mamamalagi.

Kaya nga ang mga tao ay nag-aanak, subali’t nag-aanak sila katulad ng mga hayop.   Ang kultura ay isang bagay na kailangan pa ring matutuhan ng lahat ng mga tao sa pamamagitan ng mga simbolo.

Upang mapanatili at magbunga ang kultura at lipunan, ang pamamaraan ng pagsasapanlipunan ay kailangang mangyari. Ang gayon ding pamamaraan ay mayroong iba-ibang mga konsikuwensya, at iba-ibang mga layunin kung titingnan sa pamamagitan ng mga iba-ibang paniniwala ng bawa’t isang tao o kaya ng buong lipunan. 

Bilang isang talinghaga, sinasabi natin na upang magka-anak ang itlog, ito ay kailangang maging manok muna.   Ating binabaligtag ang karaniwang paniniwala na upang magka-anak ang manok, ito ay kailangan munang gumawa ng itlog.   Ang pamamaraan ng manok sa paggawa ng itlog ay kaiba sa pamamaraan upang ang itlog ay maging isang manok.   Gayon pa man, ang bawa’t isa nito ay sadyang magka-ibang bahagi ng parehong pamamaraan sa kanilang kalahatan.   Ito ay naiiba sa metapora ng “Ano ang nauna, ang manok o ang itlog?”.

Maraming panimulang aklat-aralin tungkol sa sosyolohiya na nag-uulit ng mga karaniwang idea sa panlipunang pangkaisipan nila Piaget, Freud at iba pang mga may-akda tungkol sa pamamaraan ng pagsasapanlipunan, gaya ng paano iyon nakakapangyari sa isang tao.   Gayunman, dapat nating tandaan na ang pamamaraan ng pagsasapanlipunan, mula sa panlipunang tanawin, ay isang mekanismo upang mapanatili ang lipunan at kultura.

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2012.06.10

 Pangunahing Pahina