Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

Català
Ελληνικά
English
Español
Français
Italiano
日本語 / Nihongo
Português
Română
Srpski

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

PAGBABAWAL SA PAKIKIAPID SA KAANAK

The Incest Taboo

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Jasmine Faye Alima Canton

Bakit ipinagbabawal ng mga tao ang pakikipagtalik sa kaanak?

Karamihan sa mga tao sa lipunan ay may matinding pagkamuhi sa pakikipagtalik sa kaanak.

Ang tinutukoy natin dito ay yung hindi pagmomolestya ng bata, kung hindi heteroseksuwal na pakikipagtalik, konsensuwal man o hindi, sa pagitan ng ina at anak na lalake (tulad ni Œdipus), ama at anak na babae (tulad ni Electra o Myrrha) o sa pagitan ng magkapatid na lalake at babae (gaya nina Zeus at Hera), ng hindi isinaalang-alang ang edad.

Gaya ng maraming bagay sa pangkasalukuyang lipunan, na labis na nagbibigay diin sa tinatawag na siyentipikong paliwanag, lalo na ang biolohikal, karamihan sa atin ang nag-aakala na ang pagbabawal sa pakikipagtalik sa kaanak ay may biolohikal na pinagmulan at namalagi bilang proteksyon bunsod ng ating ebolusyon.  Hindi.

Kapag ang dalawang magkalapit na magkamag-anak ay ngtalik at nakabuo ng bata, walang sakit o pagkasirang tuwirang epekto nito na madalas maisip ng karamihan.

Mayroon lamang pagpapatindi ng mga taglay ng katangian.

Ang recessive na genes ang syang malamang na malalantad.

Ang epekto nito ay nagkakaiba sa bawat henerasyon mula sa pag-papakasal sa kaanak at ito ay nakasanayan na ng daan-daang kultura sa buong mundo.

Kung ang katangian na nabibigyang diin ay negatibo o kaya'y nakamamatay, gaya ng sa mga dugong bughaw sa Europa (ang sakit na Hǽmophilia), ito'y lalabas sa kalaunan.

Ang matindi at negatibong saloobin nating ukol sa pakikipagtalik sa kaanak ay hindi nalalapit sa bahagyang pagkamuhi na nararamdaman natin sa pakikipagtalik sa isang pinsan, at ang biolohiya ay hindi sapat upang ipaliwanag ang tindi ng pagkamuhi.

Kung tutunghayan natin ang mga unggoy, makikita nating ang pakikipagtalik sa kaanak ay nakaugalian na ng lahat maliban sa atin.

Kung gayon, ang pagbabawal ay maaaring nagmula pa noong pinakaunang panahon kung saan nagmula ang sangkatauhan, at nagmula ang kulturang pantao.

Nakikita natin na ang pinagmulan ng kultura ay nanggagaling sa paggamit ng mga kasangkapan (sopistikado at kumplikadong kagamitan, habang ang mga "primates" ay gumagamit lamang ng mga simpleng kagamitan) at wika (sopistikado at kumplikadong wika, habang ang ibang mga "primates" ay gumagamit ng simpleng uri ng wika).

Hinala namin na ang tatlong kaugalian, kasangkapan, wika, at pagbabawal sa pakikipagtalik sa kaanak ay may kaugnayan at nagmula sa pinagmulan ng sangkatauhan.

Ang pagbabawal sa pakikipagtalik sa kaanak ay nangangailan na makipagpalitan ng kapares sa pagitan ng pangkat, at ang palitang ito ay mahalaga upang makipag-ugnayan at linangin ang ating mga kasangkapan.

Ang mga sinaunang mag-anak, base duon sa pagbabawal, ay kasama sa mga luminang ng kultura, teknolohiya at kooperasyon, at nakaligtas habang ang ating malapit na kaanak (ang mga Neanderthals?) ay hindi. Kung ano man yun.

Ang mag-anak, sa iba't iba nitong anyo, ay lumalabas na syang pinakaunang institusyon - at ang mga kumunidad ay kabilang dun sa iba-ibang institusyong nabuo bilang karugtong ng mag-anak, na kinailangan ng pagbabawal sa pakikipagtalik sa kaanak, pinatibay ng teknolohiya at naging posible dahil sa masalimuot na lenggwahe.

Habang ang pagbabawal ay nakikitang syang pinakamalapit na bagay sa pangkalahatang panlipunan na institusyon, isang argumento sa maagang paglitaw nito sa pantaong lipunan, may iilang kaso kung saan ito ay hindi lang pinahihintulutan, kung hindi iniuutos.

Pagtatalik ng dalawang magkapatid ay nakasanayan na ng mga dugong bughaw gaya ng sa Tahiti at mga naunang dinastiya ng Ehipto.

Ang huli ay dating mga aristokrasya ng Africa, at maaring pinagmulan ng matriliny ng Kanlurang Africa sa pamamagitan ng migrasyon patawid ng Sahara.

Sa mas kilalang klase ng pag-aasawa ng magkapatid sa pagitan ng mga hari at reyna, ipinaliwanag ito ng malaking antas ng hierarchy, at isinaalang-alang ang mga hari at reyna bilang parang panginoon at mas mataas kay sa ordinaryong mamamayan.

Sa kalipunan ng mga panginoon, ang pakikipagtalik sa kaanak ay isinasagawa ng walang pagtutol sa moralidad. At ito'y naging basehan upang ituring ang mga dugong bughaw ng lipunan na mas higit at nabubukod sa mga karaniwang tao.

Hindi mo kailangang paniwalaan ang argumentong ito.

Pero kailangang batid mo ito, at maipakita mong napag-aralan mo, kung ito man ay itanong sa isang pagsusulit.

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2011.08.26

 Pangunahing Pahina