Mga Pagsasalin-wika:
Socyolohiya:
|
MGA TERMINOLOHIYA SA PAG-AASAWAWhere rules are impliedsinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Jasmine Faye Alima CantonLet us look at a few of the technical terms we use for various marriage rulesAting tingnan ang iilan sa mga teknikal na terminilohiya na ating ginagamit sa sari-saring alituntunin sa pag-aasawa. Karamihan dito matatagpuan sa glosaryo ng mga termino, subalit pagsasama-samahin natin ito dito upang paghambingin. Kapag tinitingnan mo ang mga alituntuning ito, siguraduhin mong alam mo kung ito ay bumabatikos o nagbabawal, pumapabor, nagtatakda o nagbibigay pahintulot (pumapayag). Ang unlaping "gamy" ay madalas gamitin, at makikita sa ngayon bilang indikasyon ng kabiyak og pag-aasawa. Sa iba't-ibang kultura, mayroong iba-ibang antas ng pormalidad at panlipunang pagkilanlan sa pagpipisan ng hindi pa nakakasal. Sa lipunan ng Akan ang pagsasama ng hindi ikinakasal at kinikilala ng lipunan ay tinatawag na mpna. Ang babaing pari ay nakatali sa kanyang panginoon, pero maari syang magkaroon ng mpna upang maging ama ng kanyang mga anak. Sa Canada, ang dalawang taong ngsasama sa iisang bubong na parang mag-asawa, ng hindi dumadaan sa seremonya ng kasal, ay maaring kilalanin ng batas na mag-asawa sa katagalan. Ang batas ukol sa pag-aasawa ay kabilang sa mga batas na saklaw ng probinsya sa Canada, at ito'y paiba-iba sa bawat probinsya. Ang mga imigrante sa Canada ang madalas nagdadala ng kanilang mga gawi at kaugalian ukol sa pag-aasawa, at binabago nila ito alinsunod sa batas. Dahil ipinagbabawal sa Canada ang pagkakaroon ng maraming asawa, may mga kasong ang mga Muslim sa Gitnang Silangan, bagamat naipapasa ang karamihan sa mga rekisito upang manirahan sa Canada, ay hindi tinatanggap dahil sa pagkakaroon ng higit sa isang asawa. Bigamya ay nangangahulugang dalawang asawa, mula sa unlaping "bi" na ang ibig sabihin ay dalawa. Ito ay isang tiyak na uri ng poligamya. Ito ay ipinagbabawal sa Canada at sa mga lipunan sa Kanlurang Europa. Ang mga batas ay sumasalamin sa kasaysayan at kahalagahang maka-Kristyano. Ang Endogamya ay nangangahulugang pagpapakasal sa loob ng parehong pangkat, at nagmula sa "endo” na ang ibig sabihin ay loob. Ang pagano o endogamya sa magkakaibang lahi ay nangangahulugang ang tao ay dapat pumili ng kapareha mula sa parehong etnikong pangkat o lahi. Ipinahihintulot ito sa Canada, at nakaugalian na ng ilan sa mga imigranteng pangkat, subalit hindi ito madalas naayon sa nakaugaliang pagkakapantay-pantay ng lahi sa Canada. Ang Eksogamya ay nangangahulugang pag-aasawa sa labas ng sariling pangkat, at nagmula sa unlaping "exo" na ang ibig sabihin ay labas. Ang pinakamaliit na pangkat sa labas na dapat pakasalan o makatalik ay ang kaanak, at ang pagbabawal na makipagtalik sa kaanak, halos sa kabuuan, ay kumukundina o nagbabawal nito. Ang deribasyon ng eksogamya, kung saan pinahihintulutan ang pag-aasawa sa hindi kalahi ay ekstensyon ng pagbabawal ng pakikipagtalik sa kaanak. Ang Monogamya ay nangangahuluhang pagpapakasal sa kabiyak, at nagmula sa unlaping "mono" na ang ibig sabihin ay isa (iisa). Sa ideolohiya ng mga Kristyano, at nakagawian na sa Europa at Hilagang Amerika, ito ang mas pinapaburang alituntunin. Ang seryal na monogamya ay nangangahulugang maraming asawa ng hindi pinagsasabay. Ang Poliyandriya ay nangangahulugang pagkakaroon ng higit sa isang asawang lalake na mula sa salitang "andry" na ang ibig sabihin ay lalake. Ito ay bihirang mangyari at makikita lamang sa iilang lugar sa Nigeria at Hilagang-Silangang India. Ang Poligamya ay nangangahulugang pagkakaroon ng higit sa isang asawa, kung saan kabilang ang poliyandriya at "poligyny" (pagkakaroon ng higit sa isang asawang babae). Dahil bihira lamang ang poliyandriya, poligamya ang ginagamit sa halip na "poligyny". Ang "Polygyny" ay nangangahulugang pagkakaroon ng higit pa sa isang asawang babae, at nagmula sa hulaping "gyny” na ang ibig sabihin ay babae. Ang karamihan sa mga naitalang kultura at lipunan ay pinapahintulutan ang "polygyny", subalit ito ay maliit lamang na bahagi ng pag-aasawa sa kabuuan. Karamihan sa mga lalake ay tinutukoy ang dagdag na gastos na syang pumipigil sa kanila na magkaroon ng higit sa isang asawa. Sa Estados Unidos at Canada, ang mga grupong tulad ng mga Mormon at Oneida ay pinapahintulot ang "polygyny". Dahil ang pakikiapid sa may asawa ay ipinagbabawal sa maraming lugar, pinahihintulutan ang "polygyny" hangga't ang batas ay hindi kailangang kilalanin ang higit sa isang ugnayan bilang pag-aasawa. ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |