Mga Salin:
Ibang mga Pahina:
|
MGA KAPITULO NG PANUKALA NG PROYEKTO NG KOMUNIDAD
isinalin ni Lina G. Cosico
Handout sa Training
Ang
kasunod na balangkas ng mga kapitulo ay magagamit para sa panukala ng proyekto (
pangangalap ng pondo) o disenyo ng proyekto (bilang gamit sa pagplano)
Mga Panukala
- Pahina ng Pamagat:
petsa, pamagat ng proyekto, mga lokasyon, pangalan ng organisasyon, at iba pang impormasyon na maisusulat sa isang linya
- Background:
mga sanhi ng problema, hindi deskripsyon
- Mga Pangkalahatang Layunin:
Mga solusyon sa kinilalang problema
- Mga Tiyak na Layunin:
Mga mapapatunayang tiyak na resulta ng proyekto, mga tiyak na halaga at petsa ng pagtatapos
- Mga Makikinabang (Benepisyaryo):
pakay o target na grupo, sino, sukat, mga katangian
- Mga Aktibidad at Target:
mga input ng proyekto, anu-anong pagkukunang yaman ang kailangan, pati na ang lupain, mga kagamitan, pera, trabahador, pagplano, pamamahala (mula sa loob at labas ng komunidad). Gaano ng bawat isang uri ang kailangan.
- Ang Talatakdaan (Schedule):
ang bawat aksiyon kailan, kalendaryo ng mga gawain
- Ang Organisasyon:
istruktura, balangkas o profile ng ahensiya, sino ang gumagawa ng ano
- Mga Gastos at Benepisyo:
halaga ng mga resulta (output) ng proyekto, gastos kada benepisyaryo
- Pagsubaybay:
paano titignan kung naabot na ang mga tiyak na layunin
- Pag-uulat:
gaano kadalas, para kanino, anu-ano ang kasama
- Mga Kalakip:
- Mga Listahan;
- Mga Dokumento;
- Mga Mapa;
- Detalyadong Badyet;
- Mga Diagram; at/o
- Mga Detalyadong Deskripsyon.
- Abstrak:
"executive summary"
––»«––
Training na Workshop:
© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 30.05.2011
|