Pangunahing Pahina
 Kredito




Mga Salin

Български език
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


PAGTATATAG NG ORGANISASYONG
PANG-KREDITO O PAUTANG

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Desiree Yu


Manwal ng mga Gawain or Pagsasanay

Pagsasalarawan ng pagtatatag ng linalayong organisasyon

Ang Istraktura

Ang organisasyong pang-kredito ay may dalawang pangkat. Ang isang pangkat ay ang tinatawag na Umbrella Group o na binubuo ng mula lima hanggang pitong Trust Groups.

Ang kabilang pangkat ay ang tinatawag na Trust Group na binubuo ng mula lima hanggang pitong katao, kung saan ang pera ng bawat isa ay maipagkakatiwalaan mo sa lahat ng kapwa kasapi.

Walang sinuman ang maaring maging kasapi ng Umbrella group hangga't siya ay hindi kasapi ng isa sa mga bumubuong Trust Groups nito.

Mga Tungkulin ng Trust Group

Ang bawat Trust Group ay regular na magtitipontipon (tulad ng tradisyonal na credit rotation group) at mangongolekta ng kontribusyon ng bawat isa. Ang pera ay unang gagamiting pang deposito ng Umbrella Group sa itinalagang bangko, unyong pang-kredito o sa lisensyadong pinansyal na institusyon.

Pagkatapos, ang Umbrella group ang mangungutang sa bangko at ipapamahagi nito ang inutang halaga sa mga Trust Groups, at ang bawat Trust Group naman ang maghahati ng kanilang bahagi sa bawat miyembro ng grupo. Responsibilidad ng bawat miyembro ng Trust Group ang kredito ng lahat ng kasapi ng nasabing grupo at magbabayad ng buo bilang isang grupo ang anumang bahagyang hindi nabayaran ng sino man sa nasabing grupo.

Pagkatapos ipamahagi ang pera, ang Trust Group ay tuluyang mangongolekta ng regular na ambag, para sa pagbabayad ng inutang halaga sa banko, na daraan sa pamamagitan ng Umbrella group.

Mga Tungkulin ng Umbrella Group

Ang Umbrella Group ay regular na nagmimiting. Ang unang tungkulin nito ay tumayong ahente o koredor sa sistema ng pautangan. Sila ang magpapasiya kung magkano ang kailangang halagang hihiramin ng bawat kasapi pagkatapos siyasatin kung anong halagang kayang hiramin at mabayaran na magagamit nang maayos sa pagpapasimula ng maliit at kumikita na negosyo.

Sila ang nakikipagnegosasyon sa bangko para sa interes ng lahat ng kasapi. Kapag nakuha ng ang pautang, ito ay ipapamahagi sa mga Trust Groups.

Ang Umbrella Group ang humaharap sa banko at sa mga opisyales nito o sila ang grupong pumipira para sa interes ng lahat ng mga kasapi ng mga Trust Groups. Responsibilidad ng Umbrella Group ang lahat ng Trust Groups nito at kung sakaling may Trust group na hindi nakapagbayad, ang buong Umbrella group ang mananagutan sa pagbayad.

Ang panglawang tungkulin ng Umbrella Group ay gumanap bilang panggitna para sa mga kinakailangang pagsasanay sa pamamahala ng kredito at sa maliliit na negosyo na iniayos ng tagapamalakad o facilitator sa tulong ng Umbrella Group. Ang Umbrella Group rin ang pagitan ng mga kasapi ng organisasyong nito at ng ahensyang donante na magbibigay ng kredito, pamamalakad at organisasyon at ng pagsasanay.

Ang Tagapamalakad o Facilitator

Ang tagapamalakad ay maaring isang emplyeado ng ahensya ng gobyerno o ng NGO o iba pang ahensya na tutulong magayos ng sistema ng pagtulong ng mga miyembro, magorganisa ng mga sasali, at magsagawa ng mga pagsasanay.

Ang Tagapamalakad ay HINDI maaring maging miyembro ng Umbrella Group (bilang ehekutibo o kahit kasapi ng bumbuong Trust Group) at HINDI rin siya maaring pumirma (tulad ng mga kasunduan ng pahiraman) para sa mga kasapi ng Umbrella o Trust Groups.

Ang Tagapamalakad ang paggitna lamang ng ahensyang aambag at ng mga kasapi ng organisasyong pang-kredito sa pagaayos ng hihiraming halaga, pagorganisa at pagsasanay ng mga kasapi.

Ang Kabuuang Istraktura

Ang kabuuang istrakturang nito kasama ang mga aktibidades sa pagitan ng Umbrella Group at ng mga Trust Groups nito ay isang espesyal na uri ng kooperatiba.

Kailangan nito ang isang konstitusyon at pangalan. Kailangan nito ang isang aktibo at gumagalaw na ehekutibo or maliit na sanggunian.

Ito ay isang kooperatiba na na walang layuning pamproduksyon o distribusyon, at hindi rin ito isang pinansyal na insitusyon tulad ng unyong pautangan. And dalawang pangunahing layunin nito ay gumanap bilang isang organisadong kliyente ng isang lisensyadong banko para sa kapakanan ng mga kasapi nito at bilang daan sa pagbubuo ng mga miyembro na makikinabang sa mga pagsasanay sa pamamalakad ng kredito at pagnenegosyo.

––»«––

Pagtatrabaho Kasama ang Trust Group


 Pagtatrabaho Kasama ang Trust Group

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 30.04.2011


 Pangunahing pahina

 Kredito