Tweet Mga Salin
Bahasa Indonesia |
PAGTATATAG NG ORGANISASYONG PANG-KREDITOni Phil Bartle, PhDisinalin ni Desiree YuIntroduksyon sa Mga ModuloAng mga dokumentong nakapaloob dito ay modulo pang Kredito
Ano klaseng organisasyon ang nararapat i-buo kapag gusto ng komunidad magkaroon ng kita?Paano magtayo ng Organisasyong Pang-Kredito para sa Maliliit na Negosyo: Ngayon ay napagsama-sama mo na ang mga miyembro ng komunidad, at nasa proseso na ng pagkakaisa sa pagoorganisa, at naitanong mo narin kung ano ang gusto nilang unahing iresolbang problema. Maaaring ayaw na nilang magtayo muli bagong banyo o paaralan o dahil kakatapos lang nila magtayo nito at gusto nang pumunta sa susunod na isyu. Ang sabi nila, "ang kahirapan ang pinakamalaking prioridad. Gusto naming sugpuin ito sa pagkakaroon ng kita." Ayon sa natutunan natin sa pagpapakilos ng komunidad, hinihikayat ang pagkakaroon ng desisyon base sa gusto ng komunidad ngunit hindi kailangan tanggapin agad-agad o ganun-ganun na lamang ang unang suhestiyon. Tignan ang Pagbubunyag ng Tagong Yaman. Ang iyong pakikihamon at dayalogo ay importanteng tulong sa kanila upang lalong maging klaro ang kanilang mga layunin at malamang may iba pang mga solusyong maaring tignan. Ang pagkakaroon ng kita ay isang sektor na puno ng pagkabigo at sakuna. Tulad na lamang ng mga nagmamagandang-loob na charity na namigay ng mga makinang pantahi sa mga refugee. Napagkakitaan lamang ang mga ito mula sa pagbenta ng mga makina. Ang "Modulo sa Prisipiyo"ay nagbibigay paliwanag kung bakit ang pagreregalo at gawad ay hindi epektibo at kung bakit ang kombinasyon ng kredito (pautang) at iba't ibang interes, at pagsasanay sa pamamahala ng kredito at negosyo ang pinakaepektibong pakikitungo. Hindi mo ididikta kung paano nila aatakihin ang problema ng kahirapan ngunit balutan sila ng kaalaman ng mga prinsipiyo sa pagkakaroon ng kita at pagpapalago ng yaman (hindi lamang ang pagpasa-pasa ng pera) at kung paano itong matagumpay na maorganisa. Ang resulta ng co-op o mga kooperatiba sa kasaysayan ang magkahalong tagumpay at kabiguan. Ang mga koopertibang pam-produksyon kung saan nagsama-sama ang mga miyembro para ipagsama ang produksyon tulad ng pabrika o bukid ay madalas hindi mashadong nagtatagumpay. Kadalasang may problema sa pamamahala at episyensya ang mga pamproduksyong kooperatiba. Mas nagiging matagumpay ang mga pribadong negosyong pamproduksyon. Mas matagumpay din ang mga kooperatibang pangdistribusyon, tulad ng asosasyon ng mga manggagatas o mga unyon ng magsasaka. Mas naging matagumpay din ang mga unyon sa kredito at minsan pang kayang makipagkompitensya sa mga banko (kung limitado lamang ang pakikialam ng mga miyembro sa pamamahala). Base sa mga obserbasyon dito, ituro mo sa iyong organisasyon na magtayo ng kooperatiba o katulad nito at kumuha ng malaki-laking pautang sa bangko, paghatian ito sa mga miyembro, at gagamitin ng bawat miyembro sa kani-kanilang produktibong paraan, pagkatapos makatanggap ng pagsasanay sa pinansiyal at pamamahala. Ang kombinasyon ng pribado (produksyon) at kooperatibang (kredito) aktibidades sa organisasyon, kasama ang pagsasanay ng mga miyembro ay ang may pinakamataas na probabilidad na magtagumapay sa iba't ibang pamamaraan ng pagkakaroon ng kita. Ano ang tagumpay?
Kung naiintindihan ng mga tao ang mga prinsipiyo at ang stratehiya sa pagbabawas ng kahirapan, ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos ay pagalawin at hikayatin silang magorganisa ayon sa nakasaad na proseso dito. Ang proseso o programa ay nakalarawan sa dokumento ng mga Proseso at kung anong uri ng organisasyon ang iyong tatayuin at kung paano ito gagawin ang paksa nitong modulo. Ang Plano para sa Maliit na Negosyo ay isang maikli at pangkalahatang deskripsyon ng pagtatayo ng negosyo, ng istraktura nito, mga tungkulin ng trust at umbrella groups at ang pagsasanay sa pagkuha ng kredito. Ang Pagtatatag ng Orgnisasyong Pang-Kredito ay isang 2-pahinang workshop handout na tatalakay sa organisasyong iyong tatayuin. Pagbuo at Paglinang ng Grupo (mula sa handbook) ay may mga tips sa pagoorganisa ng grupong nais maglikha ng yaman. Pagbubuo ng Trust Groups ay may mga tala para sa mga kasapi nito. Ang Pagpapakilos ng Kinita ay dokumentong naglalaman ng mga simpleng katangian ng pagiipon, at paghihikayat ng iyong grupo magipon para sa pagtatatag ng kredito. Ang Mga Forms ay dokumentong naglalaman ng mga sample forms na maaring gamitin hango sa inyong pangangailangan. Sa kabuuan, ang mga dokumento sa modulong ito ay tutulong sa tagapagpakilos at mga kasapi nito maitanaw, maitayo, maorganisa, at mapatakbo ang orgnisasyong pang-kredito para makapagpatayo at palaguin ang maliliit at pribadong mga negosyo. ––»«––Pagbubuo ng Trust Groups: Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot |
Pangunahing pahina |