Pangunahing Pahina
 Kredito




Mga Salin

Bahasa Indonesia
Български език
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PAGBUBUO NG MGA TRUST GROUPS

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Desiree Yu


Nota para sa mga Kalahok - Manwal sa Pagsasanay

Ang layunin ng miting na ito ay para bumuo ng grupo ng mga tao, mula lima hanggang pitong katao sa isang grupo, at ang bawat grupo ay tatawaging "Trust Group". Ang bawat Trust Group ay bubuuin ng mga indibidual na magkakakilala, may tiwala sa bawat miyembro ng kanyang grupo at may tiwalang pagiwanan ng kanyang pera. Ang "Umbrella Group" ay binubuo lamang ng mga mieymbro ng mga Trust Groups.

Introduksyon:

Maligayang pagdating sa miting na ito. Ang layunin ngayong araw ay bumuo ng ilang mga "Trust Groups." Ang Trust group ay i-bubuo ng mga indibidual na may tiwala sa isa't isa hawakan ang kanil-kanilang pera. Ang bawat Trust Group ay pipili ng iba't ibang ingat-yaman sa takdang panahon, para humawak ng deposito ng mga miyembro, at siya rin ang mamamahagi ng makukuhang pautang sa indibidual na miyembro ng grupo para sa kanilang maliit na negosyo. Ikaw ay magiging miyembro lamang kung nailista ka ng ibang tao na kanilang pinagkakatiwalaan.

Ang mga trust groups na mabubuo ngayon dito ay magiging miyembro naman ng "Umbrella Group". Ang Umbrella group ang kukuha ng kredito sa banko, at ihahati sa mga miyembrong Trust Groups. Ang bawat Trust Group ay paghahatian ang pautang sa mga miyembro nito kung saan gagamitin bilang puhunan ang nakuhang pero sa pagpapatayo ng produktibong aktibidades tulad ng negosyo.

Kung ika'y hindi handa magkaroon ng sariling negosyo ngayon, maari po lamang huwag muna sumali (maaarngi mamahagi kung kayo ay narito upang tulungan lamang ang walang pinag-aralang indibidual paghandaan ang nais niyang magtayo ng sariling negosyo)

Mga Walang Pinag-aralan:

Ang programang ito ay para sa pinakamahihirap na miyembro ng komunidad. Marami sa kanila ay hindi marunong magbasa o magsulat. Sa pagbubuo ng trust groups ngayon, kinakailangan ang paminsan-minsang pagsusulat. Pag kayo ay nakakabasa at may kasamang hindi marunong magbasa o magsulat, maari po lamang basahin sa kanila ang mga impormasyon. Kailangan din po namin ang iyong tulong sa susunod na hakbang kung saan ikaw (at ang taong iyong tinutulungan) ay maglilista ng mga pangalan ng mga taong iyong (at ng taong iyong tinutulungan) pinakapinagkakatiwalaan. (Tignan ang: Functional Literacy Functional Literacy)

Kapag ikaw ay isang estudyante, o dating estudyante, na marunong magbasa at magsulat, at nandito para tulungan ang magulang o lolo't lola mo sa ensayong ito, paki basa sa kanila ang mga nakasulat sa itaas. Kailangan karin para tulungan siya pumili ng mga taong kanyang pinagkakatiwalaan. Sa nakaraang miting, sinabi namin sa mga kalahok na magdala ng kanilang anak, pamangkin o pinagkakatiwalaang kamag-anak para tulungan silang bumuo ng Trust Groups.

Pagpili ng mga taong iyong Pinagkakatiwalaan:

Ang facilitator ay naglilista o maglilista ng mga pangalan ng mga kalahok sa blackboard. Ang bawat kalahok ay magkakaroon ng kanilang numero. Ang paglista ay walang susundan na ayos. Ang facilitator ay sasabihin sa iyo kung ilang pangalan ang iyong pipiliin. Sa ibaba ng pahina, mayroong bahagi ng papel na maaring punitin, kung saan pwedeng maglista ng pangalan ng siyam na katao, ngunit maaring babaan ng facilitator ang dami ng tao iyong pwedeng ilista. Sa mga linya, magsulat ng isang pangalan (kasama ang numbero) sa bawat box o linya.

Ang mga pangalan na iyong susulatin ay dapat ang pangalan ng mga taong iyong pinagkakatiwalaan. Ikaw ay handang pagkatiwalaan ang pera mo sa kanila. Pag ika'y maraming pinagkakatiwalaan, ilista lamang ang mga taong iyong pinakapinagkakatiwalaan. Sunod-sunurin ang mula sa iyong pinakapinagkakatiwalaan ang paglista. Ang iyong pinakapinagkakatiwalaan ay nakasulat sa unang bilang. Kung mas konti ang bilang ng mga taong nais mong ilista kaysa sa nakatakdang bilang, isulat lamang ang iyong pinagkakatiwalaan; huwag nang piliting i-buo ang listahan kung ikaw ay hindi sigurado.

Ang iyong listahan ay kompidensiyal. Ipakita lamang ito sa taong tumutulong sa iyo (kung ikaw ay hindi marunong magbasa o magsulat), at sa facilitator.

Pabubuo ng Trust Groups:

Punitin ang bahagi ng papel na iyong linistahan, at taguin ang handout kung nais itago. Ibigay ang pinunit na bahagi sa facilitator (o sa nakatakdang tagatulong)

Ang facilitator, kasama siguro ng kanyang tagatulong, ay titignan ang mga listahan at i-bubuo ang mga grupo. Para maisama ang isang indibidual sa isang grupo, kinakailangang nailista sha ng ibang miyembro ng grupo na kanilang pinagkakatiwalaan.

Kung ang isang indibidual ay hindi nalista ng ibang kahalahok na taong kanilang pinagkakatiwalaan, hindi sila masasali sa kahit anong trust group.

Habang ang mga Pangalan ay Inaayos:

Ilang minuto rin ang magagamit ng facilitator at kanyang mga katulong para ayusin ang mga pangalan at grupo-grupo. Ang bawat miyembro ng Trust group ay masasama lamang sa grupo kung nailista ang kaynag pangalan ng ibang tao. Maaring ilang beses din malista ang pangalan ng isang tao kaya kakailanganin din ng konting oras para matapos ng facilitator ang kanyang gawain.

Gamitin ang oras na ito pagaralan muli ang hangarin nitong miting at ang layunin ng pagbubuo ng mga grupo. Ang bawat Trust Group ay mangongolekta nang regular ng maliit na halaga at ipagsasama-sama sa ibang Trust Groups sa Umbrella Group, at idedeposito sa banko. Ang Umbrella Group, kung nakapasa sa pautang ng banko, ay kukuha ng pautang para sa lahat ng miyembro. Ang Umbrella Group ang mamamahagi ng pera sa mga Trust Groups, at ang bawat Trust Group naman ay paghahatian ang pera sa bawat miyembro. Ang perang ito ay gagamitin ng mga indbidual bilang puhunan sa pagpapasimula ng kanilang maliit na negosyo.

Ang bawat negosyo ay papatakbuhin ng indibidual na miyembro ng grupo. Ang Trust Group ay daan kung saan tatanggap ng deposito mula sa mga miyembro nito at ang tagahati ng pautang para sa mga miyembro. Ang Umbrella Group ay koleksyon ng mga miyembro ng Trust group kung saan sila ang nakikipagtungo sa banko. Ang produksyon ay responsibilidad ng bawat indibidual, ngunit ang kredito ay responsibilidad nila bilang grupo (kung kaya't hindi ito magiging co-op pamproduksyon o kredito).

Kung Nabuo na ang mga Trust Groups:

Pagkaraan ng ilang oras, ang facilitator ay babalik at iaanunsiyo ang mga pangalan ng tao sa bawat grupo. Ang mga pangalan ay isusulat sa blackboard. Kapag ang pangalan mo ay nasa isang grupo, ibig sabihin nito pinagkakatiwalaan ka ng ibang miyembro ng grupo at handa silang pagkatiwalaan ang pera nila sa iyo.

Kapag wala ang pangalan mo sa blackboard, pasensya na lamang at kulang ang bilang ng taong magpagkakatiwalaan nila ang pera nila sa iyo. Para ikaw ay makapagpatuloy sa proseso, kailangan miyembro ka ng isang Trust Group. Maaring kang lumabas at mangolekta ng mga taong handang maging ka-grupo mo sa isang Trust group, at bumalik sa susunod na miting.

Ang facilitator ang magtatago ng tala ng mga Trust Groups, at ng mga pangalan ng miyembro ng bawat Trust Group.

Ang susunod na hakbang ay bumuo ng Umbrella group. Ito ay maaring gawin agad pagkatapos ng pagbubuo ng Trust Groups, o maari din naman sa susunod na miting lamang.

Pagbubuo ng Umbrella Group:

Pagkatapos buuin ang mga Trust Groups, maari nang buuin ang Umbrella Group. Miyembro lamang ng Trust Group ang maaring maging miyembro ng Umbrella Group. Ang facilitator ang tutulong sa grupo maging isang organisasyon. Ang pinakakaraniwang uri ng organisasyon ay bumoto ng "Ehekutibo", binubuo ng Chairman, Bise-Chairman, Ingat-yaman, Sekretarya, at iba pang mga opisyales na sa tingin ng grupo ay kinakailangan. Ang grupo ay maaring pumili ng ibang istraktura na ayon sa kanila.

Ang mga grupo, binubuo lamang ng ilang miyembro ng Trust Groups, hindi kasama ang facilitator at ibang hindi miyembro, ang pipili ng ehekutibo ng umbrella group. Ang facilitator ay nandoon lamang para tulungan ang grupo sa paggawa ng desisyon.

Kung nabuo na ang ehekutibo ng Umbrella Group at nakilala na ng lahat ng miyembro, ibibigay na ng facilitator ang kopya ng listahan ng mga trust groups at pangalan ng mga kasapi nito. Ang ehekutibo ng Umbrella Group na ang magiging responsable sa pagsasagawa ng mga kinakailangan sa miting (sa tulong ng facilitator).

Ito ay maari maging pagkuha ng pangalan para sa Umbrella Group, at pag-oorganisa ng susunod na mga miting, at ang koleksyon at pamamahagi ng pera.

Magkakaroon ng mga pagsasanay sa pagoorganisa at pagpapasimula ng negosyo. Ang pagsasanay ay aayusin ng facilitator at ng ehekutibo.

Kongklusyon:

Ang iyong layunin ay bumuo ng trust groups at ng isang umbrella group. Ang Trust groups ay binubuo mula 5 - 7 katao na nagpakita ng kanilang pagtitiwalang iwanan ang pera nila sa kapwa miyembro. Ang umbrella group ay binubuo ng mga taong miyembro lamang ng trust groups.

Ang organisasyon ng trust groups at umbrella group ay para lamang maging daan sa pangongolekta at pamamahagi ng pera at hindi sa gawaing pamproduksyon. Ang bawat miyembro ay magiging responsable sa pagsisimula at pagpapatakbo ng sarili nilang maliit na negosyo. Magkakaroon ng pagsasanay sa paghawak ng pera at kung paano magtayo at magpatakbo ng negosyo.

Ang pagbubuo ng mga grupo (umbrella at trust) ay maaring gawin sa isang miting, o sa dalawa o ilan pang mga miting.

Mga Sample Forms para sa mga kalahok sa pagbubuo ng trust groups:

Mga Taong Aking Pinagkakatiwalaan:


Sulatan ang table sa ibaba, isang panglan bawat isang patlang, ng mga taong nasa miting ngayon na iyong pinagkakatiwalaan ng iyong pera. Ito ay kompidensiyal. Punitin ang bahaging ito pagkatapos sulatan, at ibigay sa facilitator. Paki sulat sa blokeng letra.

Ang aking pangalan: ________________________________

1. 2. 3.
4. 5. 6.
7. 8. 9.

––»«––

Pagsasanay sa Pamamahala ng Kredito:


Pagsasanay sa Pamamahala ng Kredito

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 30.04.2011


 Pangunahing pahina

 Kredito