Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

English
Español
Italiano
Português
中文 / Zhōngwén

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

MGA TALAKAYAN TUNGKOL SA PAGSASAPANLIPUNAN

pinamagitan ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper

Ang mga kontribusyon ay idadagdag sa ibabaw nitong mga koleksyon habang iyon ay natatanggap

Mula Kay: Silke R
Paksa: Sino ang dapat magbayad sa pagpapalaki ng mga anak?

Ako ay sumasangayon sa inyo (at hindi dahil sa aking pagkamasarili), nguni’t hayaan ninyo akong magbigay ng hamon bilang tagatangkilik ng salungat na opiniyon:

Ako ay hindi kumbinsado na ang mga magulang ang dapat na magbayad ng lahat ng mga gastos dahil sa ang ating pamahalaan ay nagbabayad sa mga pangkat na panglaro (para sa mga batang ang edad ay 0-6, kahit na dito lang sa Ontario), mga librerya, palaruan, kindergarten (sa buong 2 ½ na oras noon, o kaya ay buong araw sa Quebec o kung hindi naman ay para sa mga mapalad na bata na mayroong isang magulang na ipinanganak o nagaral ng salitang Pranses), sa mga paaralan na para sa primarya at sekundaryo, sa ilang mga lagpas na ng sekundaryo at karamihan ng mga pangalagaan para sa kalusugan, at lalo na ang bantog na $ 100 Harper na kuwarta sa halip ng alaga sa araw; (

- Tungkol sa gawain upang maging pang-kalakal ang anumang bagay – kung ang mga anak ay isang pamumuhunan para sa paglikha at sa katiwasayan sa pagtanda, hindi ba ito ay isang paraan din ng pangkakalakal? Maliban nga lamang na ang gawain ng bata (sa hinaharap o sa kasalukuyan) ay ang kalakal sa halip ng serbisyo sa pag-aalaga ng anak?

- “Oo nga at mas mayroong pangamba ng pinsala sa mga kabataan, at isang b&*(^&$%^ na batas na nagpapahayag na hindi mo sila maaaring iwanan ng walang namamahala hanggang sila ay hindi pa labindalawang taon na – Ako ay lumakad ng dalawang kilometro patungo sa paaralan at inubos ang buong hapon sa labas ng bahay na walang namamahala noong ako ay anim na taon lamang – at kapag dumating ang araw na sila ay labintatlong anyos na sila ay maaari nang magalaga ng mga mas batang anak ng ibang tao! Para naman maging makatarungan, ako ay hindi sigurado na ang malayang paggagala ay nagbubunga ng pagkakatuto ng mabuting asal at ng mas kakaunting krimen, dahil iyon ay tiyak na nagbubunga ng mga pang-aapi.

- Dapat nating isipin na ang pagdami ng paggamit ng mga ahente sa labas (pag-aalaga sa araw, mga nakaayos na palakasan at mga panlibangang organisasyon) ay lumilikha ng karagdagan sa pagkakatuto ng mabuting asal (kahit na ito ay nagbubunga ng hindi gaanong independienteng pag-iisip). Ang aking teorya ay dito natin nakikita ang kagalingan – sa Ontario, ikaw ay makakagasta ng $ 700-800 sa isang buwan para sa pagaalaga sa buong araw ng mga anak sa inyong bahay at maaaring kayo ay maging mapalad upang makakuha ng magaling na pag-aalaga (at malamang ay hindi ninyo ito malalaman); o kaya ay makakagasta kayo ng makalawang halaga pa upang makakuha ng sentrong pook ng paalagaan sa buong araw na alam ninyo ay magbibigay ng mahusay na pag-aalaga mula sa mga bihasang propesyonal (nguni’t hindi sa aming purok ng paaralan); o kaya ay manatili kayo sa inyong bahay, at baka ito ay mas mabuti pa kaysa sa isang walang kuwentang paalagaan subali’t hindi pa rin kasing husay ng isang talagang magaling na paalagaan dahil ang mga bata ay nakababad sa harap ng telebisyon (“DVD” sa aming bahay, at maski paano ay napipili namin ang palabas) kapag ang aming ina ay mayroong kailangang gawin (dahil hindi sila puedeng maggala sa labas). Kaya naman nagkakaroon ng klase ng sistema sa pag-aalaga ng bata sa araw – halimbawa doon sa aking dating pinagtrabahuhan, ang mga anak ng mga pinuno sa programa at kanilang mga amo pataas ay nasa sentrong pook ng paalagaan sa buong araw (o pribadong paaralan, simula sa panimulang grado sa edad na 2 ½) samantalang ang mga anak naman ng mga opisiyal sa pananaliksik at pababa ang pag-aalaga ay nasa kanilang bahay.

- Hindi ko tiyak kung ang paggamit ng mga serbisyo sa labas ay nagdaragdag ng gastos sa pagpapalaki ng mga bata dahil ang gastos sa hindi paggamit ng ganoon ay katumbas na ng isang buwang suweldo, at ang mga tao ay kalimitan na hindi gagasta ng ganoong halaga para lamang sa pag-aalaga ng bata dahil magiging walang kabuluhan na ang magtrabaho. Kaya maaari na ang pinagtatalunan ay tungkol sa karagdagan sa halaga ng oportunidad na nawawala dahil may (ilang) mga babae ngayon na mayroong ikapangyayari na makakuha ng mga trabahong may mahusay na kita, at ito ay nagdaragdag sa halaga ng oportunidad na nawawala. At isa pa, ako ay naghihinala na ang mga presiyo sa palengke ay nakalapat na sa antas na batay para sa dalawang magulang na nagtatrabaho, dahil ngayon ay napakahirap nang magpalaki ng mga anak kung isang magulang lamang ang kumikita, samantalang noon ay hindi naman ganoon.

- Sa aking palagay ang pamahalaan ang dapat na mas magdala ng gastos sa pagpapalaki ng anak, nguni’t ito ay mangangahulugan na lalong aasa sa mga ahente sa labas at mas madisiplina, magkakapareho at hindi independienteng pagninilay-nilay ng pagpapalaki sa anak. Isang halimbawa, ang pangunahing panukalang-batas ng “Ontario pre Harper” ay ang magkaroon ng mas maraming paalagaan sa araw na para sa kindergarten na ang mga bata ay pupunta sa isang malapit na paalagaan matapos ang kanilang kindergarten na eskuwela at magkaroon ng mga tulong-aral na gawain doon (sa presyo na kanilang makakayanan). May mga ilang kindergarten na mayroon na nang ganitong pamamaraan subali’t iyon ay nasa mga purok na mababa ang kita; at ang mga mayayaman naman ang kanilang mga anak ay nasa mga pribadong paaralan na nagbibigay ng alaga sa buong araw sa halagang $ 1400 isang buwan.

Sapat na itong aking pagpapalabuy-laboy,
Silke



Petsa: Miyerkoles, 09 ng Pebrero
Mula kay: “adam 1”
Kumusta na po, Dr. Phil,
 Ako ay mayroong tanong na gustong idagdag sa maaaring “blog” na nasimulan, “ Ang mga itlog ay nagsusupling sa pamamagitan ng paghanap ng manok.” Ako ay nagtataka na kung sakaling ang lipunan ay tumanggap ng mas malaking responsibilidad para tumulong sa mga estudyante na nangangailangan ng tulong na ukol sa pananalapi, ito kaya ay magbabawas ng halaga sa mga suweldo at gastos sa pangangasiwa na pinamamahagi sa paaralan? Kung mayroon tayo ng mas malaking tulong na ukol sa pananalapi, at ito ay maging madalas, ito kaya ay magbubunga ng mas mataas na matrikula? Isa pa, sa tingin ba ninyo ang lipunan ay dapat na tumulong na magbayad ng pag-aaral ng mga estudyante, kahit na ang kanilang mga hangarin ay makakuha ng karera na hindi naman tiyak na makakatulong sa lipunan, nguni’t para sa kanilang sarili lamang?
Adam


Petsa: Lunes, 07 ng Pebrero
Petsa: Lunes, 07 ng Pebrero Mula kay: Ryan H
Kumusta na po,
 Para imungkahi na responsibilidad ng lipunan na tumulong sa lahat ng mga bata ay isang madulas na dalusdos, at tayo ay patuloy na dumadalusdos pababa.
 Ang naragdagan na panlipunang kaguluhan at deteryorasyon ng lipunan ay bunga sa malaking bahagya sa kakulangan ng mga tamang asal na dapat ay nakintal sa isip ng ating mga anak.   Ang katapatan at kasipagan sa trabaho ay dalawang mahalagang bagay na ating maituturo sa ating mga anak, nguni’t kung susubuan natin sila sa kutsara, ang mga bata ay hindi magkakaroon ng pagpapahalaga upang magsikap sa trabaho; samakatwid ang lipunan ay lalo nang dada-usdos pababa dahil sa karagdagang katamaran at kawalan ng pananagutan ng mga tao.
 Talagang mahahalata na kailangang magkaroon ng tulong ang mga bata at ang kanilang mga pamilya, subali’t ang tulong ay dapat na napakaliit hangga’t maaari.   Kailangan na ang mga tao ay tumanggap ng kanilang responsibilidad para sa kanilang mga gawain at hindi na umasa sa lipunan na alagaan sila.
 Alam ko na ang aking konserbatibong paniniwala sa ganitong usapin ay maaaring sa minorya lamang, nguni’t nagpapasalamat pa rin ako sa inyo sa pagbibigay ng panahon upang basahin at pag-aralan ang aking opiniyon.
 Ryan


----- Original Message -----
Mula Kay: Phil B
Ipinadala noong: Linggo, Pebrero 6
Paksa: Pagsasapanlipunan, manukan at kabayaran
Dahil lamang hindi ko makita ang isang kaugnayan ay hindi naman ibig sabihin na iyon ay hindi naroroon.
 Aking ginagamit ang sistema ng manok at itlog upang ilarawan na mula sa paningin ng isang tao, ang pagsasapanlipunan ay kung paano ang isang tao ay nagiging maka-tao, nguni’t ito mismong sistema ay kung paano rin ang lipunan at kultura ay nagbubunga.   Ang aking katwiran dito ay dahil sa malaking atensiyon ang ating ibinibigay sa isang tao, na dapat ay pag-aari ng sikolohiya, samantalang sa sosyolohiya tayo ay dapat na magbigay ng atensiyon sa kung paanong ang kultura at lipunan ay nagbubunga.
 Ang pagpapalaki ng mga bata ay nakakagugol sa atin ng mga kakayahan, hindi lamang sa salapi nguni’t sa oras, sigasig, kapasiyahan sa pangangasiwa at responsibilidad.   Kadalasan ay may mga tagapasiya, na nasa dulong kanan ng espektro, na tinuturing ito bilang isang pamamaraan ng pamimili, at nag-aakala na ang mga tao na mayroong mga anak ay dapat na magbayad sa lahat ng gastos. Sa aking katwiran, ang ganitong pamamaraan ay tumutulong sa lipunan upang magbunga at ang lipunan ay dapat na magbayad ng bahagi ng mga gastos, at ibig sabihin din nito ay mas mataas na pagbubuwis sa pamahalaan ng mga tao na walang anak, dahil sila ay walang responsibilidad sa lipunan tungkol sa gastos ng pagpapakain, pagdadamit at pagtatangkilik ng mga bata.   Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabi na ang pamahalaan ay dapat na magbayad ng karamihan ng gastos sa paaralan at unibersidad.
 Sa aking palagay, kung may mga ilang estudyante na tutugon dito tayo ay maaaring magsimula ng isang bagong “blog” para sa ganitong usapin.


Noong 06:37 ng umaga, Pebrero 6
Si Adam 1 ay sumulat:

Kumusta na po, Dr. Phil,
 Ako ay nagsasanay ng ilang mga tanong para sa eksamen, at ako ay mayroong mga ilang usapin na kailangan kong uriin sa aking isipan. Ang pangkaisipan na paniniwala tungkol sa “itlog na nagbubunga sa manok”, kapag ang tao ay walang mga anak, ay ayaw magbayad para sa pag-aaral ng ibang tao sa lipunan?

 Salamat po,
 Adam

Petsa: Linggo,  4 Sep
Mula Kay: Susan W

 Sa maraming taon nang nakararaan, ang “karahasan sa mga ‘video games’” ay pinagtalunan na naging pampasigla para sa karamihan ng mga mararahas na paglabag sa batas. Aking aaminin, noong una kong narinig ito, napagisip ko na ito ay kakutya-kutya. Oo nga at ako ay naglaro ng mga “video games” sa aking buong buhay at ni minsan ako ay hindi natukso upang ulitin ang anumang naranasan ko sa paglalaro.

 Gayon pa man, kamakailan lamang ako ay nagsimulang magbigay ng pagsasaalang-alang sa kung anong klase ng mga epekto ang nagagawa ng telebisyon sa ating mundo. Ako ay nagkataong nasa isang usap-usapan sa Internet para sa palabas sa telebisyon na "Big Brother 6" itong linggong ito, at ako ay nagalak na makita ang ilang mga tao na nagtataguyod ng mga parehong kalahok sa paligsahan na aking pinapanigan. Subali’t nang may katagalan na ang aming pag-uusap, ako ay napapasuka dahil sa opiniyon ng mga kapwa kong tagamasid nitong palabas sa telebisyon. Ito ay bukod pa sa ginawa nilang paninira ng pangalan na hindi ako magkakalakas-loob na banggitin, dahil ako ay ni minsan hindi nakapagwika ng mga ganoong salita! Ang ilan sa mga bagay na nakabalisa sa akin ng mahigit ay iyong mga pahayag na kagaya ng “Sana ay ilantad nila iyon kapag sa wakas ay nakita ng ‘Friendship’ (ito ay ang palayaw sa isang grupo ng mga kalahok sa paligsahan) kung gaano natin sila kinapopootan. Ako ay hindi makapaghintay na makita ang itsura ng kanilang mga mukha.” Ano na ba ang naging klase ng ating lipunan na ngayon sa isang buong pangkat tayo ay umaasa na magdusa ang ibang tao?

 Ako ay naaaliwan nitong palabas sa telebisyon. Alam ko na ito ay kaparis ng mga ibang bagay na nakakabighani sa atin kagaya ng mga tsismis o tabloid (ibig kong sabihin wala iyong anumang bagay na masasabing may masaganang mabuting asal. Mahirap kong ipaliwanang ito. Nguni’t alam ko na matatanggap ko iyon bilang isang mababang halaga ng libangan. Gayon pa man, ang nakakabalisa sa akin ay kung anong klase ng epekto ang magagawa ng ganitong mga palabas sa ating mga anak. Tingnan ninyo ang daigdig sa ating paligid at lahat ng
katiwalian noon. At ngayon ay pinapaunlad natin ang ganitong mga palabas sa telebisyon na tungkol sa tunay na buhay na naghihimok ng mga kalahok sa paligsahan upang magsugat ng damdamin ng ibang tao sa hindi lantad na paraan, magsinungaling, mangdaya, magnakaw, at gawin ang anumang kailangan nilang gawin para lamang sa SALAPI! Tayo ay nagbibigay ng gantimpala para sa ganito?

 Babanggitin ko uli, matatanggap ko iyon kahit na hindi ko ito magagawang tularan. Subali’t ang mga kabataan ay lumalaki dito sa ating daigdig. Ano na ang nangyari sa magiliw na mga kartun? Mga pelikula ng Disney kung walang katatawanan na pang-matanda na ating *pinapalagay* ay nasa isip ng ating mga kabataan? Ano na ang nangyari sa palabas sa telebisyon ni Cosby? Gustong-gusto ko pa naman iyon.   At bawa’t isa ng kanilang palabas ay naghalo ng magaling na panunulat at katatawanan na mayroong kasamang aralin. Isang tunay na aralin. Kagaya ng huwag kang magnakaw.. o kaya ay huwag kang mangdaya sa larong pinocle.

  Sa ano’t ano pa man, ako ay sigurado na mayroon pang isang daang mga halimbawa nito, nguni’t ako ay nabiglang gulat talaga. Sa karamihan na ng katiwalian sa buong mundo, saan ba ang ating paroroonan? Aking naiintindihan na ako ay magiging isa sa mga magulang na masyadong masigasig at hindi papayagan ang mga anak na panoorin ang anumang palabas na gusto nila habang hindi ko pa iyon nabigyan ng aking pagsusuri; o kaya ay gumamit ng Internet ng hindi ako kasama. Hihimukin ko sila
na gamitin ang kanilang panahon sa mga bagay na walang kaugnayan sa teknolohiya katulad ng magluksong-lubid !? o maglaro ng holen? Haha. Siguradong ako ay kapopootan nila. Subali’t umaasa pa rin ako na balang araw ay mapapahalagan nila ito. Aywan ko ba. Ako ay umaasa na ang ilang mga kahalagahan na dapat nating itinuturo sa ating mga anak ay magbabalik sa ating “media”. Maaari nating simulan na itaob ang ilan sa mga kamalian na ating ginagawa bilang isang buong daigdig, nguni’t kailangan muna ay magpakita tayo ng mga tamang ehemplo.

Susan
––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2012.04.22

 Pangunahing Pahina