Mga Pagsasalin-wika:
Mga KeywordSocyolohiya:
|
PAGSASAPANLIPUNAN AT PAGTUTUROPagiging Maka-Tao, Isang Habang-Buhay na Pamamaraansinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Ernie VillaspePanimulang Modulo (Sentro)Mga dokumentong nakapaloob dito sa na Modyul
Dahil sa ang kultura ay isang bagay na natututunan, dapat ay ating iksaminin ang pamamaraan ng pag-aaralAng kultura, na gumagawa sa atin upang maging maka-tao, ay natututunan. Samakatwid, ang pag-aaral ay isang pamamaraan upang maging maka-tao. Kahit na batay sa pagkukuro ng isang tao, ang pamamaraan ang talagang gumagawa sa atin upang maging maka-tao, sa kaibahan naman, mula sa pagkukuro ng lipunan at kultura, iyon ang paraan upang mapanatili (mag-ulit) itong dalawa. Kapwa ang pagsasapanlipunan at pagtuturo ay nagsasangkot ng pag-aaral; subali’t mayroong pagkakaiba na mahalaga sa sosyolohiya. Ang pagsasapanlipunan ay ang mga nangyayari sa ating buhay sa araw-araw, na hindi binalak, kasangkot ang pagkakatuto natin ng ating pagkakakilanlan, ang sariling katangian ng katotohanan, at kung paano tayo magkakasundo sa ibang tao. Ang pagtuturo naman, sa kaibahan, ay sadyang binalak, kadalasan ay kasangkot ang isang pormal na organisasyon na mayroong responsibilidad para magbigay at magsubaybay ng pag-aaral, at nagbubunto sa may wakas na kahusayan at kaalaman. May dalawang pagtugis sa sosyolohiya na nagiging kinalabsan ng ganitong pagkakaiba. Ang pag-aaral ng pagtuturo ay tumitingin sa ating mga panlipunang institusyon na may pananagutan sa pag-aaral, samantalang ang pag-aaral ng pagsasapanlipunan ay tumitingin naman kung paano ang kultura ay nagpapanatili ng kanyang sarili. Katulad din ng mga ibang modulo tungkol sa sosyolohiya, ito ay isang pulutong ng mga panayam na tala na tumutudla para sa baguhang mag-aaral. Ang dokumentong “Isang Pandinig na Pamamaraan upang Matuto ng Sinasalitang Pananalita,” ay isang mabisa at napatunayan nang paraan upang matuto ng isang bagong pananalita batay sa kung paano ninyo natutunan ang inyong unang pananalita; bahagi ng inyong pangunahing pagsasapanlipunan; na kaibahan naman sa mga pamamaran na batay sa mga pormal na patakaran na kadalasang itinuturo sa mga paaralan. ––»«––Ang Pagsasanay ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |