Tweet Mga Salin
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGSAGAWA NG PLANONG PANG-KOMUNIDADAksyon sa Pagsasakapangyarihanni Phil Bartle, PhDisinalin ni Blanca del RosarioManwal sa PagsasanayGinagawa ang proyekto sa pagsunod sa planoDapat dalawang dokumento ang nakahanda sa paghahanda ng komunidad (hal. ng ehekutibo) at na-aprubahan (hal. ng buong komunidad). Ito ay ang mga: (1) CAP ( (Planong Aksyon ng Komunidad) o Planong Aksyon, at (2) Disenyo ng Proyekto (na maaari o di maaaring nagamit bilang panukala). Maliban na lamang kung ito ay binago ng ehekutibo o ng komunidad sa pangkalahatan, ito ay dapat laging binabalikan, lalo na kung may di pagkakaunawaan o katanungan sa mga susunod na hakbang. Nararapat na makitang nakakabit ang disenyo ng proyekto at kasama ito ng planong aksyon ng komunidad. Ang iyong trabaho ay hindi ang pagpapatupad sa plano, subalit ang pagpapadaloy sa komunidad na gawin ito. Siguruhing ginagawa ng mga taong nakatalaga sa mga partikular na trabaho ang kanilang trabaho, na ang pagmamanman ay isinasagawa, at mayroong palagiang pagpupulong ang ehekutibo (kung saan tinatalakay ang progreso ng proyekto) at pagpupulong ng buong komunidad. Siguraduhing nakatago ang mga tamang rekord, lalong lalo na ang mga gastusing pampinansyal. Tulungan ang ehekutibo sa pagtala ng halagang pananalapi ng kanilang kontribusyon sa pamamahala (ilang oras ang kanilang ginugugol sa pagpupulong, pagpaplano, pamamahala, pagsagawa, at ano ang halagang pananalapi ng kanilang ibingay na oras at enerhiya). Ito ay nangangahulugang maraming pagpupulong sa pagitan mo at ng ehekutibo, at mangilan-ngilang pampublikong pagpupulong kasama ang buong komunidad. ––»«––Aksyong Pangkomunidad; Pagbungkal ng Kanal: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Tungo sa Pagkilos |