Mga Salin:
Ibang mga Pahina:
|
PATUNGO SA PAGKILOS
Ang Pagkilos ng Komunidad
Isinalin ni Josephine A. Flores
Pagpapakilala
sa nilalaman ng Modulo
Mga
Dokumentong Napapaloob Tungo
sa Pagkilos Modyul
Ang
langit ay tumutulong sa taong marunong tumulong sa sarili. Sophocles
Pagkatapos
ang paghahanda sa sarili at pag-organisa sa komunidad, ang pagkilos ay mag-uumpisa.
Ikaw,
bilang isang "mobilizer" o tagapagpakilos, ay nakapagsimula na sa pamamagitan ng
iyong paghahanda sa komunidad. Ngayon naman ay napapanahon na ang komunidad ang gumawa
ng pagkilos.
Ang
buong komunidad ay nakilahok sa pagawa ng desisyon, sa pagporma ng tagapag-patupad,
nakagawa ng plano para sa mga gagawing aksyon, nagdesenyo ng proyekto, at ang kaukulang
organisasyon para sa gagwing pagkilos. Oras na para mag-umpisa at ipatupad ang plano.
Halimbawa,
ang kinakailangang aksyon ay ang paggagawa ng latrina. Ang mga plano ay pinag-aaralan,
kinokolekta ang lahat ng kagamitan, saka uumpisahan ang paggagawa. Maraming bagay
ang kailangang gawin bilang "mobilizer" o tagapag-organisa ng pagkilos. Subalit hindi
nararapat na ikaw ay mamahala sa pagawa, o magtrabaho sa pagbubuo ng latrina.
Ang
iyong papel ay tumulong sa teknikal na "training" o paghahasa ng kaalaman (na kinilala
ng komunidad at mga ehekutibo nito), siguruhin na ang paggawa ay nasusubaybayan,
na may malaya at buong pagpapalitan ng impormasyon sa lahat ng aspeto(lalo na ang
paggamit ng pera), at ang mga kasapi sa komunidad ay hindi mawalan ng gana na ipagpatuloy
o isiping ito ay hindi nila proyekto.
Ang
modyul na ito ay nagsasabi ng iyong mga gagawin at papel na gagampanan habang ang
komunidad ay nagsasagawa ng pagkilos. Hindi pagkontrol sa kanilang pagkilos kundi
pagtulong at pagpapalakas ng loob nila na gawin ang proyekto. Ikaw ang magbibigay
ng pagpuri sa tamang gawain, positibong payo, at pampublikong pagkilala sa kanilang
gawain.
Ikaw
ang tutulong upang makakuha ng" training" o pagtuturo sa kinakailangang kaalaman,
ikaw ang magpapalaganap ng kaalamang pampubliko, pagbalanse sa isyu ng kasarian,pagkalantad
ng kilos at intensyon, at mataas na pagtingin sa proyekto.
––»«––
Kontribusyon ng Komunidad; Pagdadala ng Materyales na Kailangan
Magbigay ng kaukulang pagkilala sa naglathala kung kokopyahin ang nilalaman ng site na ito. at i-"link" pabalik sa cec.vcn.bc.ca/cmp/
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 08.05.2011
|