Pangunahing Pahina
 Desinyo ng Proyekto




Mga isinalin:

বাংলা / Baṅla
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt
Türkçe

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


MAPAGKUKUNANG-YAMAN SA LOOB NG KOMUNIDAD

sulat ni Phil Bartle, PhD

Isinalin ni Ian L. Balansag


Manwal ng Pagsasanay

Kung ang isang komunidad ay mag desisyon na gamitin ang sariling kagamitan o abiliad, ito ay mas nagiging umaasa sa sariling kakayahan. Ano ang mga sariling mapagkukunang-yaman na makakilala at magagamit?

Listahan ng mga Mapagkukunang-yaman (Local Inputs)

Ang isang tagapagsubaybay hindi nagdidikta sa komunidad na ang lahat na ito ay dapat ilaan ng komunidad . Sa halip, ang tagapagsubaybay ay binabanggit ang iba o ang lahat na ito, at itatanong sa mga miyembro ng komunidad na kilalanin ang mga kayamanang kaya nilang ilaan.
  • Mga Donasyon: pera, lupa, gusali, mga kagamitan at makinarya, na ipanagkaloob ng mga taong gustong tumulong sa komunidad.(Kinikilala at pinasasalamatan tuwing may mga pagpupulong na pampubliko);
  • Komersyal: regalo mula sa kompanya at iba't ibang negosyo na gustong ipangalakal ang kanilang suporta at mapagkawang loob na tumulong sa komunidad. (Kinikilala at pinasasalamatan tuwing may mga pagpupulong na pampubliko);
  • Kumunal na Gawain o Bayanihan: oras at paggawa na ibinibigay ng mga miyembro ng komunidad, kung saan ang iba ay hindi nangangailangan ng dalubhasa (sa pagtatabas ng mga damo, pagse-semento), ang iba naman ay eksperto (sa pagka-karpentero, pagma-mason), mga pagpupulong, pagpa-plano, pamamahala;
  • Agrikultural: ang mga magsasaka ay maaring magbigay ng pagkain para sa proyekto: (a) para sa mga kalahok sa komunal na paggawa para sa proyekto, o kaya naman (b) para sa ehekutibong komite upang maipagbili ang mga ito at makapagkalap ng pondo mula sa benta upang gamitin para sa nasabing proyekto;
  • Pagkain: ang mga taong siyang naghahanda ng mga pagkain at inumin sa mga miyembro ng komunidad sa mga komunal na araw ng paggawa;
  • Mga Kontribusyon: para sa mga pahulugan, kooperatiba o iba pang mga proyektong pang-pinansyal, kontribusyon mula sa lahat ng mga miyembro;
  • Pang-gobyerno: mga bahaging pondo mula sa sentral, distrito o lokal na gobyernong pagkukunan;
  • Pinakawalang pondo. Ang mga panggagalingan nito ay katulad ng komite ng pakikilahok sa pag-unlad ng distrito;
  • Mga Organisasyong Hindi Pang-gobyerno o Non Govermental Organizations (NGOs): mga lokal na organisasyon sa loob ng komunidad, mga simbahan, mga NGOs mula sa labas ngunit may lokal na operasyon;
  • Hindi Nagpakilalang mga Donante: mga taong tumutulong ngunit ayaw silang makilala.
Ang listahang ito ay hindi kumpleto. Humingi ng mga suhestiyon mula sa mga miyembro ng kominidad sa panahon ng talakayan at pagpapalitan ng mga ideya at kaalaman (at hindi lamang sa mga pinuno).
––»«––

Publikong Pangyayari sa Pagpakalap ng Pondo:


Publikong Pangyayari sa Pagkalap ng Pondo

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 2011.05.21


 Pangunahing Pahina

 Desinyo ng Proyekto