Pangunahing Pahina




Mga Isinalin:

বাংলা / Baṅla
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt
Türkçe

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


DESINYO NG PROYEKTONG PANG-KOMUNIDAD

sulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ian L. Balansag


Introduksyon sa mga Modulo(Hub)

Mga dokumentong kasama sa Modulo Ukol sa Pagdesinyo ng Proyekto

Paano ang isang grupo ng komunidad mag desinyo(magplano ng maigi) ng isang proyekto?

Ang Desinyo ng Proyektong Pang-Komunidad:

Ito ay ang resulta ng mga kilos ng isang tagapagkilos ng komunidad, pagkaisa ng ibat-ibang pangkat, pagtatag ng isang mamumuno para itaguyod ang mga nais ng buong komunidad, at para malaman ang problema at nina-nais ng buong komunidad, ang grupo ay nag nanais na makagawa ng isang proyektong pang-komunidad.

Ang proyekto ay isang puhunan sa (1) pagpatayo ng bagong pasilidad , (2) pagbabagong-tatag ng mga luma at hindi na magamit na pasilidad, (3) pag ayos at pag aalaga sa mga pasilidad, (4) pagbubuo ng mga bagong kapisanan para mag patuloy sa mga ginagawa , (5) pagtaas ng kaalaman sa mga bagay na nasa komunidad, (6) pagpapabuti ng mga nakagawiang ugali sa mga miyembro ng komunidad (eg pagpahalaga sa kalusugan), (7) paggawa at pagpasa ng mga bagong batas, regulasyon at patnubay (eg para sa kasera at nag-uupa), o (8) pagbabago sa mga batas na umiiral.

Ang Proyekto na ito ang kailangan ng desinyo. Ano ang pagdesinyo ng proyekto?

Ang pag desinyo ng proyekto ay isang pormalidad, kung maaari ay isulat sa papel ang buong proyekto, kung paano at bakit ito kailangan ma-isagawa. Ang pagdesinyo ng proyekto ay dapat magpakita ng mabuting pagpaplano at pagpangasiwa ng maayos. Ang dapat maisalaman nito ay ang pagsama sa diwa ng apat na batayan o importanteng tanong sa pagpangasiwa at kanikanilang sagot, o ang mga naihanda na mga desisyon na galing sa Pag-aaral na sesyon. Gawa galing sa paraan ng pagpili, kasama na rin sa desinyo ang mga kailangan detalye sa oras, badyet, mga gawain, at ibang paraan kung paano at bakit ito ay kailangan matapos.

Ang maayos na pag desinyo ng proyekto ay kasama na dito ang pagbabantay sa mga kilos, pag ulat ng mga resulta. Kasama na rin dito ang hindi inaasahang kalalabasan, at ang paraan kung paano tayahin ang kalalabasan at resulta nito. Pero ang pag desinyo ng proyekto, parang isang plano, hindi ito kagaya ng skedyol o badyet, pero ang magandang pag desinyo ng proyekto ay may kasamang skedyol at badyet, at ang sentro argumento nito (o teksto) ay ang pagbigay hustipikasyon sa skedyol at badyet.

Ang mga pangsanay na dokumentong kasama dito sa modulo ay mga pangsanay na kwadirno,manwal ng pagsasanay, at mga kwadirno ng sasali sa paghahanda ng isang desinyo ng proyektong pang-komunidad.

Ang kahalagahan nito ay ang desinyo hindi hinahanda ng sinomang nasa labas ng komunidad, o kahit anong pangkat na nasa komunidad, kundi ang boung komunidad dapat.

Ang trabaho ng isang tagapagkilos ay magpalakas ng loob at patnubayan ang komunidad sa paghahanda ng isang desinyo ng proyekto na ang iba ay makakaalahok, may obserbasyon na magkatotoo, at ito ay praktikal at simpleng ayos na maiintindihan ng lahat ng miyembro ng kominidad.

Kahit may nagkapatongpatong na mga modulo , ang isang ito ay nag tutungo sa Pagsasanay ng mga Tagapangasiwa, ang Pag-aaral, at ang Pagkukunan ng Komunidad modulo.

––»«––


Pagtitipon sa mga tagapangasiwa ng komunidad;
Pagdesisyon sa mga kinakailangan:


Paggawa ng Desisyon ng mga Pangkat na Tagapangasiwa ng Komunidad

Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot at ilagay ang link na cec.vcn.bc.ca/cmp/

 Ang hindi paglaban ay siyang dahilan kung bakit ang mga ilog ay nabubo at bakit
ang ilang mga tao ay nagiging mga mandaraya.


© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 23.05.2011

 Pangunahing Pahina