Mga Salin
Ibang mga Pahina:
|
PAGSAALANG-ALANG SA TUBIG
Isyu para sa Tagapagpakilos ng Komunidad
isinalin ni Pamela Marvilla
Inaalay kay Gert Lüdeking
Manwal ng Pagsasanay
Anong mga isyu ang kailangan isaalang-alang sa pagpili ng tubig bilang prioridad
Nakalista sa manwal na ito ang iba't ibang isyu na kinakailangang malutasan kung ang pinili ng komunidad na prayoridad ang pagkakaroon ng suplay ng tubig. Lahat ay tatalakayin sa iba't ibang bahagi ng modulo. Nakadirekta ikto sa tagapagkilos at sa iyong gawain kasama ng komunidad.
- Hindi sapat ang tubig para mabawasan ang sakit at kahirapan
- Kailangan isama sa suplay ng tubig ang kampanya sa pagpapaintindi ng mga sakit na dulot ng tubig
- Pagbabago sa paguugali ay kinakailangan upang mapanatili ang malinis na tubig mula gripo hanggang bibig
- Kinakailangan isama ang sanitasyon kung ang tubig ang gagamitin para sa pagtaguyod ng kalusugan
- Kinakailangang maintindihan ng tao bakit nila ginagawa at paano nila gagawin
- Ang pagkakaroon ng suplay ng tubig ay isang puhunan at hindi pangkalakal
- Hindi libre ang pagsusuplay ng tubig
- Ang paniniwala na dapat libre ang tubig ay kinakailangang pabulaanan
- Ang pagbibigay sa komunidad ng libreng tubig ay nagbubunsod ng pagiging dependente at nagpapalaganap ng kahirapan
- Mas inklinado na mapanatili ng komunidad and suplay ng tubig kung sila mismo ay may kontribusyon dito
- Kinakailangan maintindihan ng tagapagkilos ang mga politiko
- Maaring makatulong ang mga politiko upang mabigyan ng lakas ang komunidad ngunit maari itong magsulong ng pagiging dependente
- Ang mga komite sa tubig ay kinakailangang maging lantad sa kanilang mga desisyon at pananalapi
- Kinakailangang magorganisa ang mga komunidad ng mga kampanya upang magiiangat ang kaalaman ng mga tao
- Kinakailangang matutunan ng komunidad ang pagpagkontrol ng kanilang suplay ng tubig
- Kinakailangang ng komunidad na desisyunan ang naayon na panggagalingan ng tubig
- Kinakailangang desisyunan ng komunidad ang naayong teknolohiyang gagamitin sa pagsusuplay ng tubig
- Walang isang teknolohiya ang pinakamabisang gamitin sa bawat kondisyon
- Inaabisuhan ang komunidad na magkaroon ng iba't ibang klase ng teknolohiyang gagamitin
- Kinakailan ng komunidad na kalkulahin ang halaga bawa't ulo ng pagsusuplay ng tubig
- Kinakailangan ng komunidad na desiyunan kung paano mababawi ang gastusin
- Kinakailangan ng komunidad na desisyunan kung ang bayaran o kalakaran ay kinakailangang gamitin
- Kinakailangan ng komunidad alamin ang pagkakaiba ng gastusin pang kapital at ng gastusin pang operasyon at
- Kinakailangan ng komunidad na pangasiwaan ang sarili nilang pasilidad sa suplay ng tubig
––»«––
Isyu sa Tubig
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling binago: 05.06.2011
|