Pangunahing Pahina
 Tubig




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


MGA POLITIKO AT ANG TUBIG

Maingat na Magkakampi o Delikadong Adbersaryo

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Pamela Marvilla


Modulo ng Pagsasanay

Kinakailangan ng mga Tagapagpakilos na Maintindihan ang mga Politiko

Ang mga Hangad ng mga Politiko

Maaring maging mapanganib ang mga politiko sa mga tagapagpakilos. Sa pinakamabuti, maaari silang maging maingat na magkakampi. Sa kabilang dako, maari rin namang mapawalang bisa ang pagbibigay ng lakas sa tao ng mga tagapagpakilos. Bakit?

Ang pangunahing layunin, hangad at adhikain ng naihalal na politiko ay maiboto siya o di kaya maiboto sa mas mataas ng posisyon. Ang pangunahing layunin ng hindi hinalal na politiko (mga opisyal sa serbisyong pang sibil at yung mga tinakda sa mga posisyon sa mas mataas ng pamahalaan) ay (a) manatili sa trabaho, at (2) makakuha ng mataas na posisyon. Ang mga politiko ay hindi intersado sa pagpapalakas sa komunidad maliban lang at kung ito ay makakatulong ito na makuha ang kanyang mga layunin

Kung ang prinsipal na persepsyon ng populasyon ay libre ang tubig, at ito ay dapat isuplay ng gobyerno ng libre kung gayon ay bali wala kung sasabihin ng politiko ng ang tubig ay hindi libre. (Sa katotohanan, ang tubig ay hindi libre). Hindi ito maganda pakinggan sa mga tenga ng mga tao. Para maiboto, o makakuha ng promosyon, ang politiko ay madaling maakit ng gumawa ng mga pangako sa mga tao. Ang pangako ay naghihikayat ng pagasa sa iba na magisip. Madaling ipangako ng politiko ang pagbibigay ng libreng tubig.

Kung mayroong tunay na pagpapakilos sa pagpapalakas sa lugar, kung sino man ang gumagawa ng pagpapakilos, ang politiko ay na tutuksong sabihin na magdudulot ito ng pagsusuplay ng libreng tubig, at payagan ang tagapagpakilos na subukang pabulaanan ito. Ang pagsusuplay ng tubig na libre na isang ahensya, ay nagdudulot ng pagtaas sa pagdedepende, at palawakin ang paniniwalang katha na libre ang tubig at samakatuwid itaas ang kahirapan imbis na labanan ito. Kung hindi darating ang tubig, maaaring isisi ito ng politiko sa tagapagpakilos. Kung ang tagapagpakilos ay masyadong lantad sa pagsasaad ng mga katotohanang ito, maaring maapektuhan ang kanyang kredensyal at ang lisensya o permisyon niya na magtrabaho ay maaring tanggalin ng politiko na hindi gusto ang mga katotohanang iyon na maging pampublikong kaalaman Ang unang kaswaldad ng politika ay ang katotohanan

Ang tanging stratehiya na magagawa ng tagapagpakilos ay ipakita na kung ang pamamaraan ng pagpapalakas ay pinapayagang umulad, ang mga tao ay magiging mas may alam, ekonomikal, at mas matatag. If makita nila na ang politiko ay tumulong sa prosesong ito (imbis na magsinungaling para sirain ito), magkakabenipisyo ang politiko

Kung ang politiko, sa sarili niyang pagsisikap para maiboto o mapromote, ay pinaliwanag na bagaman hindi libre ang tubig, ito ay isang imbestment at magiging mas malakas ang komunidad kung may pagsisikap sila, sa gayun ang politiko ay kakampi. Hindi na kinakailangan magaplay ng mga maikli ang pananaw at tiwaling mga politiko. Ang mga politiko na inuuna ang kapakanan ng komunidad bago ang pangsariling aspirasyon ay malugod na tinatanggap

––»«––

Politiko


Mahilig mangako ang mga politiko

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 05.06.2011


 Pangunahing pahina

 Tubig