Pangunahing Pahina
 Kredito





..................................                                                                                                                                                                                                          

MEMORANDUM NG KASUNDUAN

para sa mga Namamagitang Ahensya

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Desiree Yu


back to "Mga Forms"

Mga Salin:
Bahasa Indonesia         Български език         Català         中文 / Zhōngwén         Ελληνικά / Elliniká         English         Español         Filipino/Tagalog         Italiano         Português         Română


 . ...
Memorandum ng Kasunduan
para sa mga Namamagitang Ahensya
...
Memorandum ng Kasunduan 
...
Memorandum ng Kasunduan para sa pautang na isinagawa ngayong _______ sa araw ng__________, sa taong Dalawang libo at ___________, sa pagitan ng Grupong/CBO ___________________ ng PO Box ______, ____________, (na kikilalanin dito bilang "TAGAHIRAM") sa UNANG BAHAGI at ang Proyekto ng Pagkakaroon ng Yaman ng Departamento ng Paglilinang ng Komunidad, Ministeryo ng _______________________ , PO Box _______, ___________ (mula dito ay tatawaging "TAGAPAHIRAM") sa PANGALAWANG BAHAGI. 
...
DITO AY NAPAGKASUNDUAN NA: 
    Ang TAGAPAHIRAM ay magpapahiram ng ___________ Peso (halaga sa kataga) _____________________________ sa: Grupong/CBO _____________________ , na babayaran sa loob ng ____________ buwan. 
    Ang pautang ay magkakaroon ng sumusunod na interes:
      (i) Peso: ___________ sa interes ng ________ % bawat taon para sa maikling terminong pautang. 
      (ii) Peso: ___________ sa interes ng ________ % bawat taon para sa midyum na terminong pautang. 
    Lahat ng kalkulasyon ay base ng natitirang balanse. 
    Ang panahon ng pagbayad ay magsisumula sa ika - ________ na buwan pagkatapos matanggap ang pera. 
    Ang interes ay ipapataw sa panahong inilaan sa pagbayad o sa loob ng grace period. 
    Ang prinisipal ay babayaran sa ____________ na pantay-pantay na buwanang/kapating hulugan ng Peso at ang interes ay babayaran base se natitirang balanse ng __________. 
    Ang petsa ng unang hulugan ay sa _____ ___________ 20_____ , 
    At ang petsa ng huling hulugan ay sa _____ ___________20 _____. 
    Ang interes ay ipapataw kaagad mula sa petsa ng paglabas ng pautang. 
    Ang pautang ay gagamitin ng miyembro ng humihiram na grupo/CBO sa hangaring nakasulat sa aplikasyon ng kanilang pautang sa grupo/CBO. 
    Seguridad o kolateral ng pautang ay 
      (i) Ang lahat ng miyembro ay sama-samang manangutan para sa pagbayad nang buo ng pautang. 
      (ii) Ang ipon ng grupo/CBO, na may kabuuang halaga na ______________ Peso, sa __________ Banko, ay ipapangako bilang seguridad sa pautang. 
      (iii) Ang mga ari-ariang pinagbili gamit ang pautang ay magiging sama-samang pagmamay-ari hanggang mabayaran ang pautang nang buo. 
    Kung ang TAGAHIRAM ay hindi makapagbayad ng utang, ang Tagapahiram ay magkakaroon ng karapatang magpataw ng legal na aksyon laban sa tagahiram para pakuha muli ang pinautang nang buo at ang mga gastusing nasama at pati ang ipon na ipinangako ng tagahiram sa aplikasyon. Ito ay gagawin lamang kapag naaprubahan ng komite ng pautang at ng ahensya. 
    Hanggang mabayaran ang utang nang buo, walang miyembro/grupo ang maaring maglabas ng pera nila mula sa grupo/banko. 
    Ang kasunduang ito ay mananatiling legal hangga't hindi nababayaran ang natitirang balanse ng utang. 
    Ang Namamagitang Ahesya ay mababayaran ng diretsong 10% komisyon sa lahat ng aprubadong maliliit na proyekto na dadaan sa kanilang suporta at 2% pagkatapos ng mga pagsasanay ng mga kalahok, at isa pang 3% komisyon sa pagbawi ng pautang hanggang 95% nito. 
    Ang Ahensya ang maghahanda at magsusumite ng mga report tungkol sa proyekto buwan-buwan, pagkatapos pumirma sa kasunduan. Walang perang ilalabas sa Ahensya para sa pautang o komisyon hangga't hindi natatanggap ang mga report. 
    Lahat ng impormasyong nakapaloob sa aplikasyon sa Ahensya at sulat ng alok sa CMP ay magiging bahagi ng kasunduan. 
    May karapatan ang pinansiyal na institusyon ipaalam ang operasyon ng account ng tagahiram sa Proyekto ng Pagkakaroon ng Kita sa kanilang kahilingan. 
Ang kasunduan ay maaaring baguhin para sa ikabubuti ng implementasyon ng proyekto. 
...
Napagkasunduan para sa __________________ TAGAHIRAM: 
...
Pangalan: 
...
Lagda at Peta: 
...
para sa: Permanenteng Sekretarya, Ministeryo ng _____________________ 
...
Sinaksihan ni: 
...
Pangalan: 
...
Adres: 
...
Lagda at Petsa: 
...
Napagkasunduan para sa __________________ TAGAPAHIRAM 
...
Pangalan:
...
Lagda at Petsa: 
...
Titolo: 
...
 ...

 Pangunahing pahina

 Kredito