Mga Pagsasalin-wika:
Socyolohiya:
|
PANG-INSTITUSYON NA DIMENSIYONalso called interaction or social dimensionsinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Ernie VillasperAng panlipunan, pakikipagtulungan, o pang-institusyon na Dimensiyon ng sambayanan ay binubuo ng mga kaparaanan kung paano ang mga tao ay kumikilos, nakikipagtulungan sa bawa’t isa, gumaganti, at umaasa sa kapwa na kumilos at makipagtulunganDito ay kasali ang mga institusyon kagaya ng kasalan o pagkakaibigan, mga tungkulin kagaya ng ina o ng pulis, istado o uri, at iba pang mga huwaran ng maka-taong kaasalan. Tingnan ang Komunidad. Tuwing ang isang huwaran ay nasinuhin, at nakilala ng mga taong kasangkot doon, iyon ay maaaring tawagin na isang panlipunang institusyon. Sa pagsunod kay Weber, ating sinasabi na iyon ay kailangang mayroong kahulugan sa mga taong kasangkot doon. Sa pinakamaliit na antas, ang pang institusyon na dimensiyon ay binubuo ng mga nakikilalang huwaran ng pakikipagtulungan sa loob ng maliliit na mga grupo. Ang ibig sabihin ng pakikipagtulungan ay ang ating pagkilos o kaasalan na ginagawa habang tayo ay may malay sa ibang tao. Ang panlipunang pagsasapin-sapin, at gayon din ang panlipunang uri ay isang institusyon o pulutong ng mga panlipunang institusyon. Tingnan ang Hindi Pagkakapantay-pantay. Ang pagkakaayos ng pagkakamag-anak ay pang-institusyon, at kasapi sa ganitong dimensiyon. Maaari tayong magmuni-muni na ang pinagmulan ng pamilya, kakaiba sa mga primado at tao, ay nagumpisa pa sa simula ng kultura, at ng kabawalan sa insesto. Gayon pa man, tayo ay dapat na magingat upang tandaan na ang pamilya, katulad ng ating pagkakaalam, ay hindi para sa lahat ng mga kultura, hindi kagaya ng mga simulain ng pagkakamag-anak, kasalan, ang regulasyon ng pagtatalik, panganganak, at ang pagsusundan ng kanunu-nunuan. Ang mga kawanihan, at ibang mga pormal na organisasyon, o mga organisasyon na hindi pang-kaangkan, ay mga institusyon. Si Weber ay kumilala ng limang simulain na nakatulong sa kalakasan ng mga kawanihan.. Makalipas ang isang daantaon si Bartle naman ay kumilala ng labing-anim na simulain na maaaring gamitin upang sukatin ang kalakasan, hindi lamang ang mga kawanihan, nguni’t lahat ng mga pormal na organisasyon, pamilya at komunidad. Katulad ng mga ibang dimensiyon, tayo ay makakakuha ng mas mabuting pananaw sa panlipunang organisasyon ng ating kasalukuyang lipunan sa pamamagitan ng pagsuri ng mga kaparaanan na nabuo sa loob ng isang sanlibong taon. Ang pagbabago na panlipunan ay magkahilig na maging naiipon, at maraming sangkap ng mga panlipunang organisasyon ngayon ay kasama ang mga labi noong mga unang lagay ng ating pagsulong. Kapag tinignan ito sa malapad na saklaw ng kasaysayan ng mga tao, ang dalawang uri ng mga institusyon ay maaaring tawagin na pang-kaangkan o hindi kaangkan. Sa pinakasimula, at maski ngayon sa karaniwang pagtitipon at pangangaso, sa mga komunidad, halos lahat ng panlipunang organisasyon ay batay sa kaangkan. Ito ay ating nakikita sa mga pagkakaayos na ating ginagawa sa (1) panganganak, at sa ekstensyon niyon sa kanunu-nunuan, (2) pagkakasal at ang nakaugnay na mga regulasyon at pamamahala tungkol sa pagtatalik at sa kanilang mga ekstensyon at relasyon, at (3) mga pagkakaayos tungkol sa hindi tunay na kaangkan, katulad ng pagaampon. Ating sinasabi na “kaangkan” sa halip na “pamilya” dahil ang pamilya ay hindi para sa lahat, ito ay nagmula sa salitang Latin na para sa mga alipin na pantahanan, at maraming paraan upang bumuo ng panlipunang organisasyon mula sa pagkakaisa, ninuno at pagaampon. Habang ang mga lipunan ay nagiging mas masikot, hanggang sa isang hangganan, ang kaangkan ay nagiging mas masikot din upang magpalugod sa mga lumalaking pangangailangan. Ang imbensyon ng agrikultura ay ang pinaka- mapanghimagsik na pagbabago na ating naranasan sa ating lipunan. Ito ay nagbunga ng pansakang labis na nagpahintulot sa mga kasapi sa lipunan upang gumawa ng ibang bagay bukod sa paghahanap ng kanilang pagkain. Ito rin ay nagbunga sa pinakaunang paghahati ng mga gawain na nag-resulta sa mga siyudad at mga bansa. Ang pinaka-karaniwang paghahati ng mga gawain ay ang aristokrasya (pinangungunahan ng isang hari), mga pamusabos (tagalikha ng pagkain), mga mangangalakal at may kasanayan, mga tagasulat (tagapag-ingat ng talaan) at mga tagapagpatupad (pangmilitar at pulisiya). Ito ang unang pinagmulan ng mga institusyon sa lipunan na hindi pang-kaangkan. Ang pangangalap para sa mga tagapagtala at tagapagpatupad ay hindi batay sa panganganak, at iyon ay napunang mas magaling na ibatay sa merito (kahusayan at pag-uudyok). Si Durkheim, isa sa mga “Ama ng Sosyolohiya” ay nagtanong kung ano ang “pandikit” na nagbibigkis sa mga sambayanan at lipunan. Siya ay nagmungkahi na ang mga karaniwang lipunan na magkatulad (kagaya ng ating mga ninuno sa pagtitipon at pangangaso) ay nabibigkis ng “pagkakapareho“. Ang pagkakatulad ng pananalita, mga kabuluhan, panlipunang organisasyon, lahat ito ay nakatulong sa isang pandamdam ng pagkakaisa. Ito ay tinawag niyang “pagkakaisa sa kayarian”. Sa kaibahan naman, para sa mga modernong masikot na lipunan katulad ng sa ngayon, ang mga pagkakaiba ng mga tao ang tumutulong sa kanilang pagbibigkis na magsama. Ang paghahati ng mga gawain, habang iyon ay tumutulong sa pamumuhay ng lahat, ay nagresulta sa kapwa pagpapakalinga. Ito ay tinawag niyang “pagkakaisa na kabahagi ng katawan” mula sa salitang “organo” bilang mga namumukod na selula ng isang buhay na hayop. Tingnan si Durkheim. Si Tonnies naman ay nag-umpisa ng mga salitang gemeinschaft (komunidad) at gesellschaft (lipunan) na mula sa pananalitang Aleman. Sa talagang pagsasalinwika, ang ibig sabihin noon ay komunidad at lipunan, subali’t ngayon sa sosyolohiya, sa anumang pananalita, ang mga iyon ay ginagamit katulad ng mga adhetibo, tumutukoy sa kalawakan ng maginhawa at harap-harapan na pagsasamahan ng mga grupo na ang bawa’t isa ay magkakakilala gemeinschaft(gemeinschaft) sa halip ng walang pandamdam, pormal at may kaanyuang grupo, na ang mga tao ay may iba-ibang tungkulin, at kilala ang bawa’t isa batay sa kanilang tungkulin, hindi ang kanilang pagkatao (gesellschaft). Tingnan ang Mga Katangian ng Sambayanan. Sa talakayan ng Dimensiyon na tungkol sa Pampolitika, ang mga partido na ukol sa politika at ang parlyamento ay hindi nakitang kasali sa ganoong dimensiyon. Ang mga ito ay kasali sa Dimensiyon na pang-Institusyonal, dahil ito ay mga institusyon. Lahat ng mga institusyon ay mayroong dimensiyon ng kakayahan. Sa talakayan ng Dimensiyon na Pangkamunduhang Paniniwala, ang mga relihiyon ay hindi nakitang kasali sa ganoong dimensiyon. Ang mga iyon ay kasali sa Dimensiyon na pang-Institusyonal, dahil ito ay mga institusyon. Lahat ng mga institusyon ay mayroong dimensiyon ng pangkamunduhang paniniwala. ––»«––Pang-institusyon na dimensiyon ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |