Mga Pagsasalin-wika:
Socyolohiya:
|
PANLIPUNANG PAGPAPALAGANAPFailing grades; passing kidssinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Ernie VillasperAno ang mga kabutihan o pakinabang sa lipunan ng kaugalian sa panlipunang pagpapalaganap?Ang panlipunang pagpapalaganap ay isang katawagan na ginagamit upang ilarawan ang kaugalian ng pagpapasa ng isang mag-aaral mula sa isang grado hanggang sa susunod na antas kapag ang bata ay hindi pa nakatapos ng lahat ng mga kailanganin upang maging karapat-dapat para sa ganoong pagunlad ng grado. Ang kaugaliang ito ay binibigyan ng katwiran sa pagsasabing ang bata ay maaaring magkaroon ng pinsala sa kanyang pag-iisip. Ang kabiguan ay maaaring makatulong para ang mag-aaral ay magkaroon ng mababang pagpapahalaga sa kanyang sarili. Ito ay lalo pang binibigyan ng katwiran ayon sa paniwala na ang paaralan ang may responsibilidad upang siguruhin na ang mga mag-aaral ay maligaya at mayroong mataas na pagpapahalaga sa sarili. Maaaring pagdudahan kung ang panlipunang pagpapalaganap ay umiiwas sa pagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili. Kapag nalaman ng mag-aaral na siya ay sumulong sa susunod na grado ayon sa katayuan sa lipunan bagama’t hindi niya nakamtam ang mga kailanganin, ito ay maaari ding maging dahilan para sa pagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili. Ito ay nakakatulong din para ang mga tao ay makakuha ng sertipiko ng kakayahan kahit na wala silang mga katangian na pinapahiwatig ng ganoong pagbibigay ng sertipikato. Sa karaniwan, at saanman sa lipunan, kapag nakaasa sa ganoong pagbibigay ng sertipikato para sa pamamahagi ng mga gawain at pribilehiyo, iyon ay naglalagay ng mga hindi karapat-dapat na tao sa katungkulan na inaasahan sila na mayroong kakayahan. Ang ating tagalunsod na pang-industrya at lagpas nang pang-industryang lipunan ay nakaasa sa ganoong pagbibigay ng sertipikato, kaya ang kalakasan ng lipunan ay nababawasan. Ang mga tsuper na nagbabayad ng kanilang lisensya kahit na hindi sila makapasa sa eksamen ng pagmamaneho, mga doctor, piloto at iba pang mga tao na ang okupasyon ay kasangkot sa buhay o kamatayan, ay nakukuha ang kanilang katungkulan dahil lamang sa mga sertipiko. Kapag nakamtam nila ang katungkulan kahit na walang kakayahan, ang lipunan ay maaaring maantala sa tamang pamumuhay. Ang tanong na bakit ang maestro sa kolehiyo o unibersidad ay “magpapasa ayon sa katayuan sa lipunan” ng isang estudyante ay kumukuha ng tuwirang pagunawa mula sa aklat-aralin (na nagpahiwatig na mayroong nangyari sa mga antas ng paaralang bayan) at nagtatanong kung maaari itong tumukoy sa pagbibigay ng mga grado sa mga estudyante sa kolehiyo Bilang pagpapatuloy, ibig sabihin nito ay ang pagbibigay ng pumapasang marka sa halip na pagkabagsak, o kaya ay isang mataas na marka sa halip na mababa lamang dahil ito ay magbibigay ng mabuting pakiramdam sa estudyante. Sa aking palagay, ang pagbibigay sa estudyante ng mas mataas na marka kaysa sa talagang maging-dapat ay hindi nagsisilbi ng anumang pakinabang, o kaya ito ay nagsisilbi ng negatibong pakinabang (mga gastos) sa lipunan. Ito ay magpapahintulot ng mga taong walang kahusayan upang makakuha ng sertipiko (o kaya ay karapatan sa pagpasok sa unibersidad). Ang mga tagapagturo ay madalas na nilalapitan ng mga estudyante na nagrereklamo tungkol sa kanilang mga marka, dahil sila ay nabalisa, o kaya ay dahil kailangan nila ang mas mataas na marka upang matanggap sa pagpasok sa unibersidad. Ang pagtataas ng marka dahil sa ganoong batayan, sa halip ng kanilang tunay na nakamtan na pang-akademya, ay nagsisilbi lamang na pababain ang mga pamantayan sa kolehiyo at tumutulong na paramihin ang mga tao na makakuha ng sertipiko kahit na wala silang kakayahan o tunay na nakamtan. Bukod sa pagbibigay ng mataas na marka para bigyan ang estudyante ng maiging pakiramdam, kapag ang tagapagturo ay nagbigay niyon bilang pagbabalik sa pagkatanggap ng anumang pabor o kagandahang-loob, ito ay nagiging mahigit pa sa panlipunang pagpapalaganap. Ito ang tinatawag natin na katiwalian (pagsuhol), maski na ano pa ang ina-alok, sekswal, pang-salapi, o iba pa. Ako ay nakapagtrabaho sa maraming mga ibang bansa na ito ay karaniwang kaugalian sa halip na paminsan-minsan lamang na paglihis, nguni’t iyon ay hindi nakapagbago ng aking palagay na ito ay hindi nagsisilbi ng panlipunang pakinabang, o kaya ay lalong lumilikha ng panlipunang gastos. ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |