Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

Català
Ελληνικά
English
Español
Italiano
Português
Română
Русский

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

SAPIR WHORF AT ANG IMPLUWENSIYA NG PANANALITA SA ATING PANG-UNAWA

Language and Perception of Reality

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper

Our words affect what we see

Ang mga panunulat nila Edward Sapir at Benjamin Whorf nuong nakaraang pitumpung taon ay batay sa isang kamalian; inakala nila na ang pananalitang Hopi ay walang panahunan (nakalipas, kasalukuyan, hinaharap).

Mas lalong mahalaga, sila ay nagpanukala na ang ating sentido komun na paniwala na ang mga salita ay mga karaniwang tatak lamang na ating ikinakabit sa mga bagay –– ay hindi tama.  Sa halip nito, ang bawa’t isang pananalita ay mayroong sariling kaparaanan ng paglalarawan sa daigdig.

Sa salitang Ingles, wala tayong tumpak na katumbas sa salitang Aleman na "Weltshautung," o kaya ay sa salitang Pranses na "prise de conscience," na ang ibig sabihin ay bawa’t pananalita ay mayroon nang kasamang pang-unawa.

Malaking pagkabahala ang nasabi tungkol sa salitang Innu na walang katumbas sa solong salita sa Ingles na “niyebe”.

Dahil sa ang niyebe ay isang mahalagang bahagi sa kaligtasan ng buhay ng mga tao na namumuhay sa hilagang dako ng daigdig, sila ay mayroong labinsiyam na iba-ibang salita batay sa kalagayan ng niyebe.

Sa simula, may mga nangatwiran na ito ay batay lamang sa kung ano ang sukat at hugis ng mga kahon na ating ginagamit para ilagay ang ating mga karanasan.

Gayon pa man, sa salitang Ingles ay wala tayong solong salita para sa kimikong di-haydrodyen-oksaid(H2O).

Kung ibig ninyong tumutol at sabihin “Subali’t mayroon tayong salitang ‘tubig”, hayaan ninyo akong ituro na ang salitang “tubig” ay hindi tumutukoy sa mga kalagayan ng H2O kapag iyon ay namuo sa lamig, naging kristal o naging usok, mga kalagayan na mayroon tayong mga ibang salita upang ilarawan iyon (yelo, niyebe, singaw, ulop, ulap, kaumiduhan).

Magmula sa ating pagkasilang, tayo ay inapawan ng mga isang daang libong piraso ng patalastas sa bawa’t saglit, sa pamamagitan ng tunog, amoy, paghipo, temperatura at paningin. 

Ang mga ito ay marami at walang pili  Sa kanilang sarili, wala silang kahulugan.

Iyon ay nagkakaroon lamang ng kahulugan sa ating pakikipagtulungan sa mga ibang tao, at tayo ay nagsisimulang maglagay ng saklaw ng mga iba-ibang patalastas sa mga parehong kategorya, mga salita.

Ang mga ganoong salita, o kategorya ng mga malaking bilang ng mga piraso ng patalastas, ay nag-iiba sa bawa’t pananalita.

Kapag kayo ay nagmasid ng isang bagay, katulad halimbawa ng guro ng sosyolohiya sa inyong klase, hindi ninyo nakakamtan ng tamang-tama ang parehong pulutong ng mga piraso ng patalastas na nakukuha ng inyong kaeskuwela.

Hindi maaari na ang dalawang bagay (kasali rin ang mga estudyante) ay umokupa ng parehong lugar sa parehong panahon.

Nguni’t kayo ay karaniwang sasangayon na pareho ninyong nakita ang parehong bagay sa ganoong panahon.

Marami nang nagawa sa pananalita tungkol sa mga kulay, dahil tayo ay nakakagamit ng tsart ng mga kulay sa iba-ibang kabihasnan, pagkatapos ay nakakaguhit tayo ng magkatulad na mga mapa ng hangganan sa pagitan ng mga iba-ibang kulay.

Bilang halimbawa, ang salitang Ingles ay mayroong dalawang magkahiwalay na salita para sa kulay ng pula at sa kulay na timpla ng pula at puti (kulay rosas), nguni’t wala itong magkahiwalay na salita para sa kulay ng bughaw at sa kulay na timpla ng bughaw at puti. 

Sa aking sariling gawain habang kasama sa mga Kwawu ng Kanlurang Aprika, aking nakita na may tatlong basikong kulay, itim, puti at pula, na pundasyon ng tradisyonal na kosmolohiya; at lahat ng iba pang mga kulay ay kombinasyon ng kulay ng mga tunay na bagay.

Isang halimbawa, ang kulay na madilaw ay masasalin sa kulay ng mantika ng manok (ito ay nakapagpapagunita ng salitang "schmaltz" sa Yidish). 

May mga tagapagmasid na nagpalagay na ang pananalita ay isang sanhi ng pagkapanalo ng mga Sobiyet sa karerahan sa kalawakan ng sansinukob noong 1957, dahil sa pagkalunsad nila ng Sputnik, ang pinakaunang satelayt na ginawa ng tao, sa orbita ng mundo.

Ang salitang Ruso ay mayroong panahunan na hindi tuluy-tuloy, may mga bagay sa kanilang salita na magtutuloy, titigil, pagkatapos ay magtutuloy uli.

Ito tuloy ang nagbigay ng pagkakataon sa mga Rusong matematisyan upang mas madaling makagawa sa pagkaunawa ng anumang bagay na dinibidihin sa sero, mga deribatibo (sa kalkulus).

Ito rin ang nagbigay ng pagkakataon sa mga Rusong matematisyan at sa kalkulus upang makasulong ng malayo at unahan ang mga Amerikano at mga taga Kanlurang Europa.

Itong pasulong na matematika naman ang naging sanhi para ang mga Sobiyet ay makapaglunsad ng Sputnik.

Hindi mahalaga kahit na paniwalaan ninyo ito o hindi.

Hindi ninyo tungkulin na maniwala sa anuman, nguni’t kailangang matutunan ninyo ang ipotesis at maipaliwanag iyon sa pamamagitan ng maayos at naiintindihang paraan.

Ang inyong mga paniniwala, opiniyon at pandamdam ay para sa mga talakayan sa klase o kaya sa “email”, hindi para sa mga eksamen.

Maraming mga debate tungkol sa ipotesis nina Sapir-Whorf, at kung kayo ay magaaral ng lingguwistika na pang lipunan, marami kayong matutuklasan tungkol doon.

Ito ay simula lamang (dito sa panimulang kaaralan), subali’t kailangang matutunan ninyo kung ano talaga ang ipotesis.

Ang mga pananalita na ating natututunan ay mayroong masidhing epekto kung paano natin nakikita ang daigdig sa ating paligid.

Para sa ilang mga lingguwistiko sa lipunan, ibig sabihin nito ay ang pananalita ang nagpapasiya ng katotohanan.

Napakalaki ng mga implikasyon nito.

Ang ating buong kaparaanan sa pamumuhay ay batay sa pananalita, bagama’t (katulad ng kaalaman ng kataka-takang isda sa tubigan) ang karamihan ng lingguwistikang pundasyon ay hindi natin nakikita.

Kahit na ang pananalita ay isang kasangkapan, at pag-aari ng teknolohikong dimensiyon ng kultura, ito ay isa sa mga nauna.

Ito ang nagpapahintulot sa atin upang sumulong nang malayo kaysa sa ating mga primadong pinsan (unggoy) batay sa kaguluhan at koneksyon natin sa ibang mga pamilya, komunidad, mga bansa at sa buong mundo; para magbuo ng ekonomya na kalat sa buong mundo (at isipin ninyo ito sa susunod uli na kumain kayo ng dalandan o kaya ay uminom kayo ng isang tasa ng kape).

Ito ay isang pangunahing kailanganin para sa internasyonal at iba pang pagtutulungan, kahit na ito ay hindi naman garantya para doon. 

Ang pag-aaral ng ibang pananalita kaysa sa ating unang pananalita ay mahigit pa sa pag-aaral ng isang kodigo.

Ibig sabihin nito ay ang pag-aaral ng ibang paraan upang hatiin ang ating pang-unawa sa iba-ibang mga panukala ng kategorya, ang pagkatuto ng ibang kultura at samakatwid ng katotohanan; at ito ay nagpapalalim ng ating unawa sa mundo at sa kalikasan ng kultura.

Katulad ng pagkakaroon ng binokulong paningin ay nagbibigay sa atin ng tatlong-dimensiyon na pananaw, ang pagkakaroon ng katatasan sa mahigit na isang pananalita ay gayon ding nagbibigay sa atin ng tatlong-dimensiyon sa kamalayan na pangkultura.

Noong panahon ng mga 1930, si George Orwell na manunulat ay nagbigay sa atin ng babala laban sa “Ibang paraan ng pananalita”, na kung saan ang mga salita at parirala ay nabigyan ng ibang kahulugan at ginamit upang tulungan ang pampolitikang pang-aapi (ang mapaniil na pamumuno ay tinawag niyang “mas matandang kapatid na lalaki” sa kaniyang sinulat na aklat).

Ngayon ay mayroon tayong propesyon na tinatawag na “paikot na pang-iimpluwensiya”, kahit na ano pa man ang itawag doon, na kung saan may sadya at may malay na pagbabago at pagpapatakbo ng tradisyonal na kahulugan upang interpretahin ang anumang hindi kasiya-siyang balita sa ibang paraan na makabubuti sa isang partido na nasa kapangyarihan.

Mayroon tayo ngayon, kagaya ng nabanggit ng isang estudyante sa klase, ng isang bagong pagpapahayag katulad ng “kaugnay na pinsala” bilang isang pino at inosenteng parirala upang magbigay ng ibang pangalan sa walang damdamin na pagkamatay at kapahamakan ng mga inosenteng babae, mga anak at iba pang mga taong namumuhay na hindi kalayuan sa lugar ng pandigmaang pangyayari.

Ang pluma ay talaga ngang mas malakas kaysa espada.

Ang ipotesis nina Sapir-Whorf ay hindi tinatanggap ng lahat ng mga panlipunang siyentipiko.

Tingnan:  Sapir.

Mga talababa:
1. Para sa mga iba kong pagsusulat tungkol sa pag-aaral ng isang pananalita, tingnan din ang “Isang Pandinig na Pamamaraan upang Matuto ng Sinasalitang Pananalita," na maaari ninyong makuha sa  www.scn.org/cmp/aural.htm
2. Ang kasangkapan ngayon, na nagsisilbi ng layunin na dating sinilbihan ng pluma, ay ang komputer.

––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2011.08.26

 Pangunahing Pahina