Mga Pagsasalin-wika:
Socyolohiya:
|
MAG-ANAK AT PAGIGING MAGKAMAG-ANAK SA MGA NANGUNGUNANG BANSA, MGA MINORYA AT MGA IMIGRANTEThey have many features of their wider social environment in commonsinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Jasmine Faye Alima CantonAng kasaysayan at karanasan ng tatlong kategoryang ito ay magkakaiba kaya ang panlipunang organisasyon ng bawat isa, kasama na ang buhay mag-anak, ay kailangang magkakaibaPinagsama-sama natin sila dito sapagkat sila ay may magkakaparehong katangian ng kanilang panlipunang kapaligiran, at dapat suriin ang naidudulot ng mga katangiang ito sa mag-anak. Ang panlipunang kapaligiran ay binubuo ng dalawang elemento: (1) ang kumukontrol at legal na kapaligiran at (2) ang kaswal na panlipunang kapaligiran. (Ihambing sa pagbibigay kakayahan sa kapaligiran para bigyang kapangyarihan ang komunidad). Ang kumukontrol na kapaligiran ay binubuo hindi lang ng mga batas ng bansa, kundi pati na ng pangkagawaran at pangministriyang regulasyon ng serbisyong sibil at lokal, probinsyal at pederal na antas. Ang iba dito ay hindi tahasang nakasulat subalit nagtataglay ng mga nakasanayan at nakaugalian na ng mga opisyal at taga-gawa ng desisyon sa pamahalaan, kahit na ito'y nakikitang diskresyonal. Ang impormal na panlipunang kapaligiran ay kinabibilangan ng ideya at galaw ng mga ordinaryong tao sa komunidad na nakakasalamuha ng paksa. Parehong kasama dito ang mga hindi makatarungang paghusga o paghatol at bigotriya, pati na rin ang mas tolerante at katanggap-tanggap na pakikitungo at pag-uugali. Alalahanin mo na walang monolitiko o huwarang mag-anak, sa hugis man o sa ginagampanan, sa alin mang lipunan, kahit sa mga tao sa tatlong kategoryang ito. Ang buhay mag-anak ay mahirap sa tatlong kategoryang ito. Ang prinsipal na pinagmumulan ng paghihirap sa tatlong kategoryang ito ay ang dalawang sitwasyong binabanggit sa taas. Ang nagsasalungatang mga dalubhasa sa sosyolohiya ay nagmungkahi na ang pinakamainam na paraan upang maintindihan ito ay tingnan ang ugnayang pangkapangyarihan sa pagitan ng mag-anak at ng panlipunang kapaligiran na kinabibilangan nila. Ang epekto ng mga salik na ito ay kinabibilangan ng kahirapan, mahinang kalusugan, hindi sapat na pabahay at kakaunting mapagkakakitaan. Lahat ito ay mahalaga sa anyo at tungkulin ng mag-anak. Ang lahat ng ito ay nakakadagdag sa paghina ng mag-anak sa tatlong kategorya ng mga tao. Sa kasaysayan, ang patakarang pang-imigrante ng Canada ay namimili ng lahi o lipi. Ang mga Tsino ay kailangang mgbayad ng dagdag na buwis upang manirahan dito. Karamihan sa mga inuudyok ay yung galing sa British Isles at hilagang Europa. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang imigrasyon ay binuksan para sa mas nakararami, kabilang na ang Silangang Europa at mga bansang pinamamahalaan ng Britanya. Mula noon, gamit ang sistema na gumagamit ng mga puntos, ang polisiya ay nagpapapasok ng mga imigrante na nanggaling sa iba't ibang bansa. Sa unang bahagi ng nakaraang siglo, ang pag-aasawa ng magkaibang lahi at pribadong relasyon ay ipinagbabawal. May iilang kaso kung saan nilulusob ng mga pulis ang bahay ng mga magkatipang ito upang arestuhin sila at ikulong sa presinto. Bago sya naging Punong Ministro, isinulong ni Pierre E. Trudeau ang isang batas upang sugpuin ito kasama ang popular na pahayag na " Ang Estado ay walang pananagutan sa silid tulugan ng mga mamamayan nito." Karamihan sa mga mag-anak ng tatlong pangkat na ito ay pinagkukunan ng lakas ng mga miyembro nito, subalit ang pwersa ng panlabas na lipunan na nanunuligsa ang sumasagupa sa kanila. Dahil sa atmorperang ito, marami sa mga minoryang imigrante ang mas nadadaliang lumipat sa lungsod kung saan marami na ang nanirahan. Ito ay nagbunsod ng paglikha at pagyabong ng etnikong teritoryo sa syudad, at sya ring naging dahilan ng mga maling paniniwala, sigalot, at di pagkakaintindihan ukol sa mga etniko. Ang asimilasyon at integrasyon ay ang proceso kung saan ang mga imigranteng pangkat ay nagiging kahalintulad ng karamihan sa mga pamilya na nandun, at nakikipaghalubilo sa kanila. Si Stanford Lyman, ang unang guro ko sa sosyolohiya, ay gumawa ng pagsasaliksik noong 1960, na kumukumpara ng mga Hapon at Intsik na imigrante sa Amerika at Canada. Nalaman nya na ang proporsyon ay magkahalintulad sa Canada at Amerika; ang mga Hapon ay nakakaasimila ng mas mabilis kay sa mga Intsik. Ang kanyang pagsasaliksik ay nagpahayag na ang opisyal na polisiya ng Canada (ang mosaic policy) at ng Amerika (ang melting pot policy) ay walang gaanong epekto sa proporsyon ng asimilasyon. Ang kultura ng pinanggalingan ang mas ma-impluwensya. Ang mga migrante na may tendensiyang tumira sa mga etnikong teritoryo ang mas matagal makibagay. Kung ang mga taong nakikibaka, sa ngalan ng pagpapalakas at pagpoprotekta ng mag-anak, para sa kasalukuyang pagpapalabas ng lehislayon upang ipahintulot ang magkatipan na pareho ang kasarian na makasal ay maglaan ng parehong sigasig, puhunan, malasakit at suporta sa mga mag-anak na imigrante, sa Nangungunang bansa at mga minorya, malaki ang maitutulong nila sa pagpapanatili at pagpapalakas ng mag-anak. ––»«––Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |