Tweet Mga Salin
Català |
PAGGANAP NG KARAKTER AT MGA LARONG PAGKUNWAIsang Paraan ng Pagsasanayni Phil Bartle, PhDisinalin ni May M. VirolaPag-Ukulan ng Pansin (Tagapasilita)Ang mga dula ay ginagaya ang mga sitwasyon sa tunay na buhay at maaring magbigay sa mga nagsasadula ng oportunidad na sanayin ang kanilang mga bagong kakayahan.Paunang Salita: Sa ilan sa mga dokumento sa lugar na ito, ¨¨Ang Pagsasanay hango sa Paggawa¨¨, ay inirerekomenda. Tayo ay natututo sa pamamagitan ng pagbabasa, pakikinig sa isang nagsasalita, panonood habang ginagawa ang isang bagay at paggawa natin mismo sa isang bagay. Bawat indibidwal ay may kanya-kanyang pamamaraan ng pag-aaral, may iba-iba ring lakas o kakayahn ayon sa kung paano nila nakukuha ang impormasyong kailangan matutunan. Ang listahang ito ay isang estima lamang. Kung titignan ang iba't ibang paraan kung paano tayo natututo, mapapansin na ang pagbabasa ay nasa dulo ng listahan. Ang impormasyon ay mahirap intindihin, at ang pagpapanatili sa mga ito ay mabilis ding nawawala. Ang pakikinig sa mga lektyur ay nasa dulo din listahan , halos kasing baba ng pagbabasa. Ang panood habang ginagawa ang isang bagay, ng harapan o sa bidyo o film, ay medyo mas epektibo, mas mainam kung ito ay ginagawa sa iyong harapan. Nangunguna sa listahan, kung ang mga nagsasanay ay nakikilahok sa mga aktibidades para matuto, mas mabilis ang pagkatuto, mas kompleto at mas pisanin, at ang pagpapanatili ng kaalaman ay mas mainam. Sa sitwasyon ng silid-aralan at workshop,hindi posible na gayahin ang tunay na sitwasyon kung saan ang mga nagsasanay ay makakalahok. Kaya ito ay isa sa mga dahilan kung bakit and pagsasanay ay hindi dapat pinagsasama-sama, at ang tagapasilita o tagapagpakilos ay aasahang makaganap sa tunay na sitwasyon. Matapos gawin ang ¨¨field work¨¨, ang tagapagpakilos ay dapat ibalik sa setro ng pagsasanay, at hayaang ibahagi ang kanyang mga karanasan, at kumuha pa ng mas maraming pagsasanay hango sa kung ano na ang kanilang nagawa. Ang habitwal at regular na kasunod na pagsasaay ay dapat maging isa sa mga pangunahing elemento ng lahat ng programa sa pagpapasilita ng pagpapakilos, paglilinang ng kapasidad, pagbabawas ng kahirapan, pagsasanay sa pamamahala, at paggawa ng kita. Samantala, mayroon pang isang, pagkunwang pamamamaraan ng partisipasyon na maaaring gawin sa loob ng silid-aralan, workshop o sesyon ng pagsasanay. Ang Pagganap ng karakter o mga larong pagkunwa ay nakita na talagang epektibo. Ang pagkunwang pakikilahok ay dapat gamitin sa pagsasanay ng iyong mga tagapasilita at mga tagapagpakilos, at dapat gamitin din ng mismong mga tagapasilita at tagapagpakilos sa kanilang gawain ng paglilinang ng kapasidad, pagpapakilos ng komunidad, paggawa ng kita, at pagsasanay sa pamamahala. Ang Diwa ng Pagganap ng Karakter: Ang larong pagganap ng karakter ay isang sesyon sa pagsasanay kung saan ang tagapasilita, marahil sa tulong ng isa o dalawa pang katao, ay gagawa ng senaryo kung saan ang mga kalahok ay bibigyan ng iba't ibang karakter na gagampanan, kung saan ang mga karakter ay kahalintulad ng mga nasa sitwasyon kung saan makikita ng mga kalahok ang kanilang sarili kapag gagawin na nila ang kanilang trabaho. Ang dula ay nagbibigay sa mga kalahok sa pagsasanay ng pagkakataon na gampanan ang napiling karakter para ipakita ang aktwal na karakter na maaaring makita sa tunay na sitwasyon. Isa sa mga mahalagang resulta ay ang mga kalahok sa pagsasanay ay nabibigyan ng pagkakataon na makita ang sitwasyon mula sa mga perspektibong iba sa mga meron sila sa tunay na buhay. Ang pagkakataong ito ay magbubunga ng higit na sensitibidad sa mga karanasan ng ibang tao sa tunay na sitwasyon. Ang kasunod na sesyon matapos ang dula ay nagbibigay sa mga kalahok sa pagsasanay ng pagkakataon para suriin ang mga nagaganap na daynamiks sa lipunan. Ang obdyektibidad ay makukuha pareho ng mga gumanap ng karakter sa dula, at ng sino mang nagmamasid sa dula. May tatlong parte ang isang istandard na pagganap ng karakter:(1) ang paghahanda, (2) ang dula, (3) ang pag-uusap o diskusyon. Paghahanda ng Dula: Sa paghahanda, ang tagapasilita ay ihahanda ang entablado. Ang ibig sabihin nito, ilalarawan ang senario at itatakda ang mga karakter ng mga kalahok. Kung ang kalahok ay gumaganap ng isang partikular na karakter sa tunay na buhay, mas magiging epektibo kung bibigyan siya ng ibang karakter para sa dula. Opsyonal na parte ng paghahanda ay ang pagbibigay ng oras sa mga pangunahing karakter para pag-usapan kung paano nila gagawin ang kabuuong eksena na kanilang isasadula. Ikaw, bilang tagapasilita, ang magdedesisyon base sa kung ano ang nais mong bigyan ng diin, at ito ay dapat matukoy kapang ikaw ay nagdidisenyo ng workshop kung saan ang pagganap ng karakter ay gagawin. Isa pang pagpipilian ay ang paggawa ng isang pahinang paglalarawan ng senariong gagawin ng mga kalahok. Isa ring pagpipilian ay ang pagsulat ng isang talatang paglalarawan sa mga pangunahing karakter. Maaaring isama sa paglalarawan ang mga pangunahing layunin at ang mga suliranin ng taong nasa karakter, maaari ring kasama ang ilang mga importanteng diyalogo o mga salita na babasahin ng taong gaganap sa karakter. Marami ang maaaring gawing pag-iiba-iba; gamitin ang mga ito. Makabuluhan din para sa lahat ng taong gumaganap ng karakter na maging natural at pag-isipan ang kanilang mga eksena habang sila ay nagsasadula. Sa ganitong kaso, walang oras ang mga aktor para planuhin ang eksena, at walang nakasulat na paglalarawan o gabay. Ang Dula: Ang dula ay kung saan ang mga kalahok sa pagsasanay ay gagapanin angkanilang mga karakter at ang dula ay ipapakita. Kung ang dula ay masyadong mahaba, ang tagapasilita ay dapat magbigay ng babalang oras na mga isa o dalawang minuto sa mga aktor, pagkatapos ng isa o dalawang oras, tapusin nga ang dula. Kung ang dula naman ay masyadng maikli, ang tagapasilita ay dapat hikayatin ang mga aktor na dadagan ang kanilang pagsasadula, at magdagdag ng mga talumpati o monologo, o magdagdag ng mga galaw para mapahaba ang dula. Pangsunod na Sesyon Ang panghuling bahagi ay ang pangsunod na sesyon kung saan pag-uusapan ang ginawang dula. Ito ay importante at hindi dapat tanggalin. Mahalaga para sa lahat ng mga kalahok nanagsasanay na pag-usapan ang mga nangyari. Maaari silang magtanong sa bawat indibidwal na gumanap ng karaker para malaman kung bakit nila pinili ang karakter, nagsambit ng isang partikular na mga salita, o gumawa ng partikular na aksyon. Ang mga paliwanag at mga resultang diskusyon ay mahalaga para ang mga kalahok ay magkaroon mas malawak na pag-unawa sa mga daynamiks na lipunan na may ralasyon sa partikular na sitwasyon sa labas. Sa ilang mga sesyon ng pagganap ng karakter, minsan ay nagkakaroon ng di pagkakaunawaan o galit, lalo na kung ang ilan sa mga gumanap ay sineryoso ang kanilang karakter, at nagpakita ng matigas na paninindigan. Ang pangsunod na diskusyon ay nagbibigay sa tagapasilita ng pambukas sa pagsasanay kung saan pinalalamig muna ang grupo, at dito rin ipinaliliwanag na ang galit at di pagkakaunawan ay dahil sa balangas ng sitwasyon, hindi dahil sa katigasan ng ulo (o kasamaan) ng mga indibidwal na gumanap ng karakter. Ang pag-iinit habang ginagawa ang dulo ay hindi isang bagay na masama na dapat iwasan; ito ay isang pagkakataon para maging sensitibo sa mga iba't ibang suposisyon, kahalagaan, layunin at posisyon na mayroon ang ibang tao sa aktwal na sitwasyon. Ang Halaga ng Pagpapatawa: Sa paghahanda at sa pangsunod na sesyon (diskusyon), ang tagapasilita ay dapat maghikayat na huwag masyadong maging seryoso. Tandaan na ang dula ay hindi tunay, at hindi dapat masyadong seryosohin. Ang pagpapatawa ay hinihikayat. Ang pagpapatawa ay maaaring magpaalis ng kabalisahan, at binibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na sa abot-kamay na pamamaraan para suriin ang potensyal na sitwasyon na maaaring maranasan pagkatapos. Ang mga kalahok ay dapat hikayatin na laru-laruin ang pagganap ng kanilang karakter gaya ng pag-arte ng sobra at ¨¨mag-enjoy¨¨ Kailan Dapat Gamitin ang Pagganap ng Karakter: Gaya ng nasabi sa itaas, ang larong pagganap ng karakter ay dapat gamitin sa pagsasanay ng mga tagapagpakilos at mga tagapasilita, at dapat din gamitin ng mga tagapagpakilos at tagapasilita sa sarili nilang trabaho. Ang pagganap ng karakter ay hindi dapat limitahin sa simula ng mga sesyon sa pagsasanay o pagtatahas ng kamalayan. Ito ay makabuluhan kapag may taunan o semi-anwal na pagsusuri ng mga programa. Ito ay mahalaga rin sa pagsubaybay at patuloy na pagsasanay ng mga manggagawa sa komunidad matapos nakapagtrabaho na sa labas. Mahalaga ang mga ito para sa mga ulo ng mga programa, tagapangasiwa, tagaplano at mga manggagawa sa punong opisina, lalo na kung maisasama sila sa mga sesyon kasama ng mga nagtatrabaho sa labas sa mga programa na ibinibigay. Sa loob ng isang sesyon sa pagsasanay o workshop, maaaring gustuhing maghanda ng higit pa sa isang paggaganap ng karakter. Kung ganoon, ibahin ito, gumamit ng ibang senaryo, at gumamit ng ibang balangkas (halimbawa kung magbibigay ka ba o hindi ng mga direksyon; kung bibigyan ba ng oras o hindi ang mga aktor na maghanda ng kanilang senaryo; o kung gagamitin mo ba lahat o iilan lang sa mga kalahok). Mga Larong Pagkunwa: Ang mga larong pagkunwa ay mas masalimuot kaysa pagganap ng karakter. Marahil isa sa mga pinakaunang larong pagkunwa, nilinang para sa isang klase sa siyentipikong pag-aaral politikal, ay "Ang Kapangyarihan ng mga Araw." Isa sa mga pinakamasalimuot na larong pagkunwa ay pinondohan ng CIDA. Ito ay itinanghal sa Kampo Shylo, isang lugar pangkagubatang militar na matatagpuan sa Timog Manitoba, kung saan mayroong isang daan o mahigit pa na mga mag-aaral sa sekondarya mula sa iba't ibang lugar sa Canada. Sila ay hinati sa limang ¨¨bansa¨¨, na may kanya-kanyang katangian, sariling tagapasilita at tagabantay. Sila ay binigyan ng radyo (two-way radio o radio handsets), sa isang laro na nagtagal ng ilang linggo. Relatibo sa resulta, ang pagtahas ng kamalayan ng mga kalahok, marahil ang masalimoot na pagganap sa larong pagkunwa ay hindi praktikal na gamitin sa pagsasanay ng at pagbibigay ng pagsasanay ng mga tagapasilita at tagapagpakilos sa pagpapakilos ng komunidad, pagbabawas ng kahirapan, paglilinang ng kapasidad at paggawa ng kita. * Lagom: Kapag nagbibigay ng mga workshop sa pagsasanay at mga pagsusuri, ang pagganap ng karakter ay epektibong pamamaraan ng pagtatahas ng kamalayan, pagpapainam ng nakikilahok na pagsusuri ng mga sitwasyon, at maging pamilyar ang mga kalahok sa mga laro, layunin, perspektibo at mga position ng mga tao na kanilang makikilala sa labas. Habang hindi tuwirang pakikilahok, dahil hindi ito mga tunay na sitwasyon, ito ay pakikilahok sa pagsasagawa, at nagbibigay ng mahahalagang benepisyo sa programang pagsasanay. ––»«––Pagganap ng Karakter © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pamamaraan ng Pagsasanay |