Mga Salin
Ibang mga Pahina:
|
MGA PAMAMARAAN NG PAGSASANAY
Paggamit sa Materyal
isinalin ni May M. Virola
Introduksyon sa Mga Modulo
Mga dokumentong kasama rito sa Mga Pamamaraan ng Pagsasanay na Modulo
- Paano Gamitin ang Materyal, sanggunian ng mga tagapagsanay
- Balangkas ng Pagsasanay ukol sa Pamamahala ng Komunidad, Pagpaplano ng Pagsasanay
- Paghahanda ng Workshop, pagdidisenyo ng workshop halintulad sa isang proyekto
- Ice Breakers, para makapagpahi-pahinga ang mga kasali sa workshop
- Pagganap ng Karakter at mga Larong Pagkunwa, isang paraan ng pagsasanay
- Ang Kapangyarihan ng mga Araw, isang larong pangkunwa
- Pagganap ng Karakter, 13k, pang-ukulan pansin ng mga kasali
- Pagkukwento, praktikal na kagamitan ng komunikasyon; hindi lang panglibangan
- Kagamitang Pangkomunikasyon, mga iba't-ibang pamamaraan para maibahagi ang mensahe
- Dalawang Batang Lalaki, pagkukwento ng isang dukit na West African
- mga Slogans at mga Kasabihan, marami pang praktikal na pamamaraan ng komunikasyon para sa mga gawaing pangkomunidad
- Mga Susing Salita para sa Modulo ng mga Pamamaraan ng Pagsasanay
Mga Dokumentong Kasama sa iba pang mga Module
Mga Kasanayang Kailangan Gawin Para Makagawa Ralph Waldo Emerson
Hindi gaya ng karamihan sa mga modules dito sa website na ito, na may laman (halimbawa: paglilinang ng kakayahan), ang module na ito ay naglalaman lamang ng mga pamamaraan ng paggamit ng materyal, paano magplano at mag-implementa ng pagsasanay
Ang mga sentrong dokumento ay naglalaman ng mga explanasyon na ang materyal ay maaaring gamitan sa pagsasanay, bawat isa ay naglalaman ng iilang dokumento,na tumututok sa mga tagagamit, tagapagsanay, tagasanay,o ito ay maaari ding gamitin bilang isang gabay sa paglilikha ng iyong sariling materyal para sa pagsasanay na angkop sa inyong lokal na komunidad. Sanggunian ng mga Tagapagsanay: Paano Gamitin ang Materyal. Sa ano mang paraan, maaaring pumili ng materyal, parang kagaya ng cafeteria, ng naaayon sa tasasyon ng mga kailangang pagsasanay.
Ang sentrong dokumento ay naglalaman din ng mga eksplanasyon na ang materyal na ito ay idinisenyo para sa pag-aaral sa labas ng tradisyonal na institusyong pagsasanay, ito ay para sa pag-aaral habang nasa trabaho, marahil habang nag-oorganisa ng mga workshops sa pagsasanay. Maaaring i-komplement ang impormal at ad hoc na pag-aaral habang ginagawa ang mga tungkulin.
Ang dokumento ay nagsasaad na sa lahat ng pamamaraan ng pag-aaral (halimbawa:pagbabasa, pakikinig,panonood),ang pinaka-epektibo ay ang pag-aaral habang gumagawa. Ito ay maaaring (1) nasa isang artipisyal na ayos ng mga situwasyon sa silid-aralan ng workshop, o (2) sa labas kung saan hindi kontrol ang situwasyon hango sa tunay na buhay.
Ang ibang dokumento sa module ay naglalaman ng mga paksa gaya ng pag-aarte ng karakter (tignan: Pagganap ng Karakter at mga Larong Pagkunwa, Kapangyarihan ng mga , at Pagganap ng Karakter para sa mga kasali), pagsasaad ng kwento (tignan: Pagsasaad ng Kwento), paggamit ng mga kasabihan (tignan: Mga Slogans at mga Kasabihan).
Kapag lumilikha ng sylabus o kurikulum para sa pagsasanay (tignan: Balangkas para sa Pamamahala ng Komunidad Kurikulum ng Pagsasanay) angkop sa iyong sitwasyon o mga pangangailangan ng iyong organisasyon, konsiderahing gamitin ang ilan sa mga alternatibong lekture o presentasyon sa silid-aralan.
Kapag handa ka na na ibigay ang workshop sa pagsasanya, importante ang magandang preparasyon. Tignan and ¨¨Paghahanda ng Pagsasanay¨¨ para sa tapnubayan sa pagdidisenyon ng workshop habang ginagawa mo and disenyo ng proyekto.
Para sa marami pang gabay ukol sa mga pamamaraan ng pagsasanay at paggamit ng materyal, tignan and bawat module. Karamihan ay naglalaman ng mga pamamaraan sa pagsasanay na tutok sa tiyak na paksa. Tignan, halimbawa, Paghahanda ng Tagataguyod, Pag-uumpisa ng Tagataguyod, Paglikha ng mga Taga-Organisa, at Mga Prinsipyo ng Literacy. gayun din, tignan: Pagsasanay sa Tagapasilita para sa ¨¨Participatory Appraisal¨¨.
––»«––
Isang Sesyon sa Pagsasanay:
Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot at ilagay ang link na cec.vcn.bc.ca/cmp/
Ang hindi paglaban ay siyang dahilan kung bakit ang mga ilog ay nabubo at bakit ang ilang mga tao ay nagiging mga mandaraya
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling binago: 05.06.2011
|