TUBIG AT KAMALAYAN NG PUBLIKO
Partisipasyon ng Kominidad sa Pagkakampanya
isinalin ni Pamela Marvilla
Inaalay kay Gert Lüdeking
Modulo ng Pagsasanay
Hindi sapat ang tubig para mabawasan ang sakit at kahirapan; kail isang epektibong kampanya upang mamulat ang mgasa kamalayan sa para maorganisa at mapaitupad sa komunidad
Pagtuturo sa Komunidad
Ang tubig ay importanteng sektor sa pagpapalakas ng komunidad. Ang paggawa o pagbalik sa ayos ng kalagayan ng pasilidad ng tubigan sa komunidad ay hindi madali. Ito ay may hindi inaasahang implikasyon, at dapat ay maiging maintindihan ito ng tagapagkilos at ng komunidad na gusto mong pakilusin
Mga isyu na may kaugnayan sa tubig (pero hindi limitado dito) ay ang mga sumusunod:
- Hindi sapat ang tubig para mabawasan ang sakit at kahirapan
- Kailangan isama sa suplay ng tubig ang kampanya sa pagpapaintindi ng mga sakit na dulot ng tubig
- Pagbabago sa paguugali ay kinakailangan upang mapanatili ang malinis na tubig mula gripo hanggang bibig
- Kinakailangan isama ang sanitasyon kung ang tubig ang gagamitin para sa pagtaguyod ng kalusugan
- Kinakailangang maintindihan ng tao bakit nila ginagawa at paano nila gagawin
- Ang pagkakaroon ng suplay ng tubig ay isang puhunan at hindi pangkalakal
- Hindi libre ang pagsusuplay ng tubig
- Ang paniniwala na dapat libre ang tubig ay kinakailangang pabulaanan
- Ang pagbibigay sa komunidad ng libreng tubig ay nagbubunsod ng pagiging dependente at nagpapalaganap ng kahirapan
- Mas inklinado na mapanatili ng komunidad and suplay ng tubig kung sila mismo ay may kontribusyon dito
- Kinakailangan maintindihan ng tagapagkilos ang mga politiko
- Maaring makatulong ang mga politiko upang mabigyan ng lakas ang komunidad ngunit maari itong magsulong ng pagiging dependente
- Ang mga komite sa tubig ay kinakailangang maging lantad sa kanilang mga desisyon at pananalapi
- Kinakailangang magorganisa ang mga komunidad ng mga kampanya upang magiiangat ang kaalaman ng mga tao
- Kinakailangang matutunan ng komunidad ang pagpagkontrol ng kanilang suplay ng tubig
- Kinakailangang ng komunidad na desisyunan ang naayon na panggagalingan ng tubig
- Kinakailangang desisyunan ng komunidad ang naayong teknolohiyang gagamitin sa pagsusuplay ng tubig
- Walang isang teknolohiya ang pinakamabisang gamitin sa bawat kondisyon
- Inaabisuhan ang komunidad na magkaroon ng iba't ibang klase ng teknolohiyang gagamitin
- Kinakailan ng komunidad na kalkulahin ang halaga bawa't ulo ng pagsusuplay ng tubig
- Kinakailangan ng komunidad na desiyunan kung paano mababawi ang gastusin
- Kinakailangan ng komunidad na desisyunan kung ang bayaran o kalakaran ay kinakailangang gamitin
- Kinakailangan ng komunidad alamin ang pagkakaiba ng gastusin pang kapital at ng gastusin pang operasyon at
- Kinakailangan ng komunidad na pangasiwaan ang sarili nilang pasilidad sa suplay ng tubig
Hindi ito maikling listahan. Lahat ay importante at hindi dapat ito magkulang
Bilang isang tagapagkilos, ikaw at ang iyong ahensya (NGO, gobyerno, kahit ano) ay hindi dapat magplano at magpasatupad ng kampanya sa pagpapalaganap ng kampanya. Kinakailangang maging mahalagang parte ito ng kahit anong programa ukol sa tubig, at kinakailangang gawin ito ng komunidad. Pwede kang magbigay ng inspirasyon, pampasigla, hamon at pagsasanay para sa komunidad para maisagawa nila ang kampanya ngunit hindi ikaw ang dapat magbigay ng kampanya.
Ang paggawa o pagbalik sa ayos ng kalagayan ng pasilidad ng tubigan ay panlipunang pamumuhunan. Sa umpisa, kailangan nito ang sakripisyo, pagmumulan ng mga yaman patungo sa gawain na hindi direktang ikokonsumo upang maitaas ang konsumo sa hinaharap. Ito ay tumutulong sa pagbawas sa sakit, pagbawas sa kahirapan, at pagtaas ng lakas at yaman ng komunidad, ngunit it ay.
Gamitin ang prinsipyo ng pagpapalakas
at pamamaraan ng pagkilos Ipaliwanag sa kung saan sa modulong pagsasanay, upang magawa ito ng komunidad.
––»«––
Pagaayos ng Paskil na Kampanya
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling binago: 05.06.2011
|