Pangunahing Pahina
 Mahahalagang mga Salita


Mga Pagsasalin-wika:

Akan
Bahasa Indonesia
Català
Deutsch
Ελληνικά /  π
Ελληνικά /  ψ
English
Español
Euskara
Filipino/Tagalog
Français
Galego
हिन्दी /  प
हिन्दी /  फ
Italiano
日本語 /   ぱ
日本語 /   ぴ
日本語 /   ぷ
日本語 /   ぺ
日本語 /   ぽ
Kiswahili
بهاس ملايو /
Bahasa Melayu

Nederlands
Português
Română
Русский
Crpski
ไทย
Tiếng Việt
Türkçe
اردو
Yoruba

                            

Ibang Mga Pahina:

Socyolohiya

Nasusulat na lektyur

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


Mga Pinakamahalagang salita na nagsisimula sa mga letra:

  A   B   D   E   G   H   I   K   L   M   N   NG   NY   P   R   S   T   U   W   Y


Mga pinakamahalalgang salita na nagsisimula sa letra P

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Maureen Genetiano, May M Virola, Lonela Bloxom


 

PAGBABAWAS SA KAHIRAPAN

Ang salitang "pagbabawas" ay nangangahulugan ng pagpapaliit sa isang bagay.  Tignan Mga Prinsipyo ng Pagsasakapangyarihan ng Komunidad.

Kabaligtaran ng “pagpapawi” kung saan pansamantalang ginagamot ang mga sintomas ng kahirapan, ng pagbabawas ay nakikita bilang tamang daan sa pagpupuksa o pag-aalis.


 

PAGBIBIGAY-BUHAY

Minsan ay tinatawag ding pagbibigay-buhay sosyal o panlipunan, Mula sa salitang Latin anima (buhay, kaluluwa, apoy, otomatic na galaw). Pagpapasigla or pagpapakilos sa komunidad para mapagalaw ang sarili, para ito ay mabuhay, para ito luminang o umunlad.

Minsan ay ginagamit bilang kapalit ng pagpapakilos. Ang pagbibigay-buhay ay nangangahulugan ng pakiisa at pagpapakilos ng komunidad para magawa ang (bilang nagkakaisa) nais nitong gawin.

Sa Pagsasanay para sa Pamamahala ng Komunidad ay ginagamit ang pagbibigay-buhay bilang isa sa mga pamamaraan ng pagsasanay upang madagdagan ang kapasidad o kakayahan ng komunidad.

Sa Pagsasanay sa Pamamahala ng Komunidad ginagamit ang pagbibigay-buhay panlipunan, gamit ang mga pamamaraan ng pagsasanay sa pamamahala para madagdagan ang kapasidad o kakayahan ng komunidad, o ng mga organisasyong pangkomunidad, para magdesisyon, magplano, at mamahala ng sarili nitong kalinangan o pag-unlad. Sinasanay nito ang mga miyembro ng komunidad at mga lider sa mga pamamaraan ng pamamahala na kinakailangan para magkaroon ng kontrol ang komunidad sa sarili nitong kalinangan o pag-unlad.

Deutsch: mobilisieren, English: mobilize, Español: movilización, Filipino/Tagalog: nagbibigay-buhay, Français: mobilisez, Português: mobilizar, Română: a mobiliza, Somali: wacyigelinta తెలుగు: జీవనము


 

PAGBIBIGAY-BUHAY PANLIPUNAN

Ang pagbibigay-buhay panlipunan ay nangangahulugan ng pagbibigay buhay (¨anima¨) sa mga institusyon ng lipunan gaya ng komunidad.

Kadalasang tinatawag ng ¨pagbibigay-buhay¨ (hindi dapat ilito sa paggawa ng mga ¨cartoons¨ para sa pelikula o telebisyon). Tignan Pagbibigay-Buhay.

Deutsch: animation, Soziale Animation, English: animation, social animation, Español: animación, animación social, Euskera: animatzea, فارسی: فعالیت, Filipino/Tagalog: Pagbibigay-Buhay Panlipunan, Français: animation, animation sociale, Galego: animación, हिन्दी: एनिमेशन, Italiano: animazione, 日本語: 活発化, Kiswahili: ramsa, Português: animação. animação social, Română: animare, animare sociala తెలుగు: జీవనము


 

PAGDIRIWANG

Ang pagdiriwang ay isang masayang pagkilala sa isang kaganapan o pangyayari, kadalasan ito ay bumabago sa estado ng isang tao o bagay. Ang pagdiriwang ay isang pagtitipon.

Para sa tagapagpakilos, ang pagdiriwang para sa pagkompleto sa isang proyektong pangkomunidad ay isang mahalagang elemento ng pagsasakapangyarihan ng komunidad, kung saan ang komunidad ay kinikilala sa matagumpay na pakikilahok sa pagtulong sa sarili.

Ito ay isang oportunidad para sa panibagong simula, ng isa pang siklo ng pagpapakilos.

Tignan Siklo ng Pagpapakilos. Tignan Pagdiriwang.

العربيّة: الاحتفال  Deutsch: feier, English: celebration, Español: celebración, Filipino/Tagalog: pagdiriwang, Français: célébration,  Galego: taller, Ελληνικά: Εορτασμός, 日本語: お祝い, Kiswahili: sherehe, Português: comemoração. Română: celebrare, ردو: جشن


 

PAGGAWA

Sa lahat ng pamamaraan ng pag-aaral (pagbabasa, pakikinig, panonood), ang pinaka-epektibo ay ang ¨paggawa¨. Tignan Pamamaraan ng Pagsasanay.

Sa pag-aaral hango sa paggawa ay maaaring isama ang tuwirang paggawa ng gawain sa labas sa ilalim ng pagsusubaybay ng tagapagsanay, o ang di-tuwirang paggawa gaya ng pakikilahok sa sesyon ng pagganap ng karakter o larong pagkunwa.

Bahasa Indonesia: bekerja, Deutsch: handeln, English: doing, Español: practicar, Filipino/Tagalog: paggawa, Français: faire, Galego: facer, Ελληνικά: Πράξη, हिन्दी ( लोकतन्त्र . Malay: membuat, Nederlands: doen, Português: agir, fazendo, Română: a practica, اردو : عمل తెలుగు: జీవనము


 

PAGPAPALAKAS

Pagsasakapangyarihan. Pagdadagdag ng kapasidad o kaayahan na makamit ang mga layunin.

Gawing mas malakas.

Deutsch: Empowerment, die stärkung, Stärken, English: capacity development, empowerment, power, strengthening, Español: potenciación, Filipino/Tagalog: pagpapalakas, Français: empowerment, हिन्दी (Hindi): षमता विकास  अधिकारिकरण, Italiano: empowerment, Kiswahili:kujengea uwezo, Português: desenvolvimento de capacidade, fortalecendo, Română: dezvoltarea capacitatii, intarire, Pyccкий: Рaзвития, Somali: xoojinta


 

PAGPAPATULOY

Ang salitang "pagpapatuloy" ay mahalaga sa pagtulong sa paglinang o pag-unlad. (Ang salitang ito ay hindi makikita sa diksyonaryo). Ito ay tumutukoy sa "kakayahan" ng isang bagay na "ituloy" matapos alisin ang suportang nanggagaling sa labas. Para sa komunidad na nagtatayo ng pagkukunan ng tubig, ang pagkukumpuni, paglilinis at paggamit ng bomba matapos itong itayo ay ang resultang hinahanap.

Para sa nagbibigay ng laang-gugol (pondo) mula sa labas, ito ay ang pagpapatuloy ng proyekto o ng mga resulta nito pagkaalis ng nagbibigay. Para sa iyo, bilang isang tagapagpakilos, ito ay ang pagpapatuloy ng proseso ng panlipunang pagpapalakas ng komunidad kahit wala ka na. Para sa mga tagataguyod ng kalikasan at ekolohiya, ang pagpapatuloy ay kailangang - ang mga gawain ay kayang ipagpatuloy (halimbawa bayolohikal) sa pisikal na lugar, na ang mga likas na yaman na hindi napapalitan ay hindi mauubos.

 العربيّة الاستمرارية,    Bahasa Indonesia: Keberlangsungan,    Deutsch: Nachhaltigkeit, die nachhaltigkeit,    Ελληνικά: Bιωσιμότητα,    English: sustainability,    Español: sostenimiento,    Filipino/Tagalog: maipapatuloy,    Français: durabilité,    हिन्दी (Hindi): निरंतरता,    Italiano: sostenibilita,    日本語: 継続,    Kiswahili: udhibiti,    Português: sustentabilidade,    Română: dezvoltare durabila,    Somali: xejin,    ไทย: ความยั่งยืน,    Tiên Việt: sustainability,    اردو (Urdu): سسٹينيبِلٹ, سسٹينيبِلٹی"    中文 / Zhōngwén: 持续性


 

PAGPAPAWI SA KAHIRAPAN

Ang salitang “pagpapawi,” ay nangangahulugan ng pansamantalang pag-aalis sa sakit at hirap.  Ang pagbibigay ng pera sa mahihirap ay hindi pumupukaw sa kahirapan.

Bilang tagapagpakilos ikaw ay tumututok sa paglaban sa mga dahilan hindi sa mga sintomas ng kahirapan, dapat nating iwasan ang pamamaraan na ito (ang simpleng pagpapawi sa pamamagitan ng pagsasalin ng pera).

Deutsch: Armutslinderung,  English: poverty alleviation, Español: alivio de la pobreza, Filipino/Tagalog: pagpapawi sa kahirapan, Français: allégement de pauvreté, Italiano: alleviare la povertà, Português: alívio de pobreza, Română: alinarea saraciei, Somali: yareynta faqriga


 

PAGPAPLANO

Ang pagpaplano ay nangangahulugan ng pag-iisip at pagtukoy sa mga gagawin. Ang isang magandang plano ay may mga sunod-sunod na hakbang patungo sa mga nais na makamit (mula sa kasalukuyang sitwasyon). Tignan Plano ng mga Gawain.

Isang epektibong paraan ay ang ¨pagbabaligtad ng pag-iisip¨ kung saan ikaw ay nagisimula sa kung ano ang nais na makamit, at tignan ang kasunod na hakbang bago dito, pagkatapos ang susunod na hakbang hanggang makarating ka sa kasalukuyang sitwasyon.

Bahasa Indonesia: perencanaan, Deutsch: Planung, English: planning, Español: planificación, Filipino/Tagalog: pagpaplano, Français: planification, Ελληνικά: Σχεδιασμός, Português: planificar, Română: planificarea, ردو (Urdu): منصوبہ بندى


 

PAGSASANAY SA PAMAMAHALA

Ang pagsasanay sa pamamahala ay iba sa tradisyonal na pagsasanay (kung saan binibigyang diin ang paglipat ng kakayahan) sapagkat ito ay ginagamit bilang isang paraan ng pagpapakilos at pagtatatag (o muling pagtatatag) ng mga systema ng pamamahala.  Tignan "pagsasanay para sa aksyon,"sa ibaba.  Tignan din "pagsasanay sa pamamahala sa komunidad," sa itaas.

Habang ito ay ginawa para sa mga matataas na opisyal sa mga malalaking korporasyon na komersyal, ito ay isang mahalagang paraan na maaaring idagdag sa pagbibigay-buhay panlipunan sa pagpapalakas o pagsasakapangyarihan ng mga komunidad o grupo na may mababang kita.


 

PAGSUBAYBAY

Ang pagsubaybay ay isang regular na obserbasyon, pagtatala, pagsusuri at pag-uulat ng mga gawain o aktibidades at pati na rin ang mga resulta ng mga gawain na ito, sa isang proyekto o kahalintulad na gawain.  (Tignan Pagsubaybay.

العربيّة (Arabic): الرصد, Bahasa Indonesia: pengawasan, Deutsch: monitoring, English: monitoring, Español: supervisar, Filipino/Tagalog: pagsubaybay, Français: surveillance, Galego: supervisión,  Ελληνικά: Επίβλεψη, 日本語: 監視, Malay: memantau, Nederlands: monitoren, Português: monitoragem, Română: monitorizarea,  Tiên Việt: giám sát, ردو (Urdu): نگرانی


 

PAGSUSURI NG SITWASYON

Ang "pagsusuri ng sitwasyon" ay isang paraan kung saan ang kabuuang katangian at mga problemang binibigyang prayoridad ng komunidad ay tinutukoy. Tignan PAR.

Ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos ay siguraduhing ang lahat, o kung ilan mga miyembro ng komunidad ang possibleng makilahok sa pagmamasid at pagsusuri ng sitwasyon ng komunidad.


 

PAGTANGKILIK (Dependency Syndrome)

Ang pagtatangkilik ay isang ugali o paniniwala na ang isang grupo ay walang kakayahang lutasin ang kanilang mga suliranin ng hindi naghihingi ng tulong sa iba.

Ito ay isang kahinaan ng pinalalala ng kawangkagawa.Tignan: Ang Pagtangkilik.

Bahasa Indonesia: dependensi, Deutsch: Abhängigkeit, English: dependency syndrome, Español: síndrome de dependencia, Filipino/Tagalog: pagtatangkilik, Français: syndrome de dépendance, Galego: dependencia, Ελληνικά: Εξάρτησης, Malay: kebergantungan, Nederlands: afhankelijkheid, Português: dependencia, Română: dependenta, Somali: ku tiirsanaanta, ردو (Urdu): محتاجی کی لت


 

PAGIGING BUKAS (Transparency)

Ang panganganinag o pagiging bukas ay isang mahalagang elemento ng pagpapalakas ng komunidad (Tignan mga elemento ngpagsasakapangyarihan). Ang salitang "aninag" dito ay nangangahulugan ng abilidad na makita ang lahat.

Kapag mga manggagawang sibil o sa gobyerno ay gumagawa ng mga bagay (gaya ng paggawa ng mga pasya, magtalaga ng mga yaman) ng pasikreto, itinatago ang kanilang mga gawain sa mga tao, hindi sila nanganganinag o naaaninag (bukas). Tinatrato nila ang mga tao ng parang kabute ("mushroom treatment¨).

Ito ay nagdudulot ng pagkawalang tiwala, pagkawalang bahala o kalamigan ng loob, at marhinalisasyon (mga salik ng kahirampan at pagiging mahina ng komunidad). Ang iyong trabaho bilang tagapagpakilos ay itaguyod ang pagiging maaninag o bukas. Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng paliwanag kung ano ang ibig sabihin nito. Na ang mga tao ay may karapatan at tungkulin na malaman kung ano ang mga nagyayari. Pagtatahas ng Kamalayan).

Dapat ding siguraduhing ito ay isang importanteng elemento ng organisasyong pangkomunidad na iyong itatatag. Ang mga batas tulad ng ¨Freedom of Information Act¨ o iba pang mga batas na tulad nito na sinisigurado na ang mga detalye ng paggastos ng gobyerno ay dapat makukuha ng publiko (bilang parte ng ¨public records¨), na nakatangka para sa pagtataguyod ng pagiging maaninang o bukas ng gobyerno, datapwat ang ibang mga opisyal ay tatangkaing parupukin ang kahulugan ng mga batas na ito.

Kung itinatago ang problema, tinatakpan o itinatatwa na mayroong problema; sigurado lamang na hinahadlangan mo ang mga solusyon.

Kung, sa halip, ay hindi mo ito tatakpan, aaminin, at matapat na susuriin, ikaw ay nasa landas ng paglulutas ng problema o suliranin. Ang pagiging maaninag o bukas ay nakapagpapalakas.

Deutsch: die transparenz, English: transparency, Español: transparencia, Filipino/Tagalog: naaaninag o pagiging bukas, Français: transparence, Italiano: transparenza, Português: transparência, Română: transparenta, Somali: Waadix, Urdu: شفافیت


 

PANUKAT NA GINAGAMIT SA PAGSUSUBAYBAY

Kwalitatibo at kwantitatibo na panukat (mga senyales) para sa pagsusukat o pagsusuri ng mga nagawa, o antas ng mga nagawang aktibidades sa proyekto, mga layunin at mga resulta.

Ang mga ito ay dapat na obdyektibong tiyakin: Tignan Pagsusukat ng Lakas na nagpapakita ng nais na resulta ng pagpapakilos sa komunidad, halimbawa, pagsasakapangyarihan.


 

PANGUNAHING KALINGANG PANGKALUSUGAN (PKP)

Ang konsepto ng pangunahing kalingang pangkalusugan, itinataguyo at sinusuportahan ng WHO, ay mga patakaran at mga kasanayan na pinagsama-sama. Ang mga ito ay artikular sa mga interes ng mga mahihirap at mga mamamayan na nasa mga bansang mababa ang kita.

Kasama sa mga prinsipyo ng mga patakaran at kasanayang ito ang pagbibigay diin sa paggastos sa murang pangunahing kalingang pangkalusugan ng mga ordinaryong sakit, na kadalasan na nakukuha ng populasyon, sa halip na maglagay ng mga yaman o kagamitan na mahal at sopistikadong (halimbawa ¨high tek¨) mga kasanayan sa paggagamot na ang mga mayayaman lamang ang maaaring magbenepisyo.

Kinikilala din nito na ang pagpigil o pagsansala ay mas mura kaysa pagbibigay ng lunas, na mas naaagapan ang mortaliti o pagkakamatay (mortality) ( dami ng namamatay) at katamlayan (morbidity) (dami ng nagkakasakit) na nakapagpapahirap sa ekonomiya. Ito rin ay mas makatao.

Kinikilala din nito na ang mga mamamayan ay maaaring sanayan sa mga pangunahing kakayahang medikal at maaaring mas makaabot sa mga lugar na malalayo. Sila din ay maaaring magtukoy (refer) sa mga mahihirap na kaso sa mga mas may kasanayan (mga propesyonal) sa syudad.

Ang PKP ay mahalaga para sa mga tagapagpakilos sa mga mahihirap na bansa, dahil ito ay kinakailangan maintindihan ng mga tao, at ito ay mas epektibong paraan ng pagtataya ng limitadog yaman o kagamitan.

Ang mga prinsipyong makikita sa PKP ay maaari ring gamitin sa iba pang mga gawaing batay sa komunidad gaya ng mga gawaing panlipunan na batay sa komunidad. Tignan ang akronim PKP.

English: primary health care, Français: santé primaire, Español: atención sanitaria primaria, 日本語: プライマリー・ヘルス・ケア, Português: cuidado médico primário


 

PAGPUKSA SA KAHIRAPAN

Bilang tagapagpakilos, tayo ay gumagawa patungo sa pag-aalis o paglipol sa mga suliraning panlipunan ng kahirapan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga dahilan, at pagkilos upang ang mga ito ay labanan at alisin. Dahil ang kahirapan ay isang suliraning panlipunan, ang  solusyon sa problemang ito ay panlipunan din.

Dalawang komplementaryong paraan ng pagsugpo sa kahirapan (komunal at pribado) ay matatagpuan sa dalawang komplementaryong modulo dito ( Ang Siklo ng Pagpapakilos ng Komunidad), at Balak o Plano para sa Paggawa ng Pagkakakitaan.


 

PAGSASAKAPANGYARIHAN NG KOMUNIDAD

Upang dagdagan ang kakayahan ng komunidad ay dapat dagdagan ang abilidad nito na gumawa ng mga bagay para sa sarili nito.

Ito ay higit pa sa pagdadagdag ng mga serbisyong pangkomunidad o mga pasilidad gaya ng mga daan, sanitasyon, tubig, at edukasyon at kalingang pangkalusugan.

Ang ibig sabihin nito ay karagdagang kakayahan at lakas. Ito rin ay nangangahulugan ng mas maraming kakayahan, tiwala, at mga epektibong organisasyon. Ito ay hindi nakukuha ng dahil lamang sa kawang-gawa o mga donasyon ng yaman o kagamitan mula sa labas. Ito ay maaaring ipasilita sa pamamagitan ng mga aksyon gaya ng mga proyektong pangkomunidad, ngunit ito ay kung ang lahat ng mga miyembro ng komunidad ay makikilahok mula sa simula, upang magpasya ukol sa aksyong pangkomunidad, upang tukuyin ang mga yaman o kagamitan sa loob ng komunidad, at upang linangin ang pag-ako ng pagmamay-ari at responsibilidad ng mga pasilidad na pangkomunidad mula sa umpisa hanggang sa katapusan.

Habang ang demokratisasyon ay maaaring matulungan ng gobyerno sa pagpapasa ng ilang kapangyarihang gumawa ng batas sa komunidad, ang kakayahan upang gamitin ang mga legal na pagpapasya ay nakadepende sa pagiging praktikal ng kakayahan, halimbawa ang kakayang magpasya ukol sa sarili nitong kaunlaran, upang tukuyin ang sarili nitong kinabukasan. Kapangyarihan, lakas, kakayahan, abilidad, pagsasakapangyarihan.


 

PAGSASANAY SA PAMAMAHALA

Ang pagsasanay sa oamamahala ay iba sa pagsasanay na orthodox (na nagdidiin sa paglipat ng kakayahan) na ginagamit na paraan sa pagmobilisa at pagsasaayos (o pagsasaayos muli) ng isang sistema sa pamamahala. Tingnan ang "Pagsasanay para sa akson" sa baba. Tingnan din ang "pagsasanay ng komunidad sa pamamahala" sa taas.

Habang pinaunlad ito para sa mga senyor na manager ng malalaking korporasyon, magagamit ang paraan na ito para idagdag sa sosyal na animasyon sa pagpapatibay at pagpapalakas ng mga komunidad at grupo na kumikita ng mababa.


 

PAGSASANAY AS PAMAMAHALA NG KOMUNIDAD

Ang pagsasanay sa pamamahala ng komunidad ay tumututok sa pagbabawas ng kahirapan, ang pagpapalakas sa mga komunidad na mababa ang kita sa pagpaplano at pamamahala ng mga pasilidad na pangpamayanan at mga serbisyo, ng pagtatayo, operasyon at pagmementena ng mga ito. Ito ay pagsasakay para sa aksyon, hindi lamang para sa pagsasalin ng kakayahan o para magbigay ng mga impormasyon sa mga tao.

Ang pagsasanay, bilang isang paraan ng pagpapalakas sa mga komunidad na mababa ang kita, para mabawas ang kahirapan, para itaguyod ang pakikilahok na pangkomunidad, para sa praktikal na suporta para sa demokratisasyon at desentralisasyon, ay malayo sa pagsasalin lamang ng mga impormasyon at kakayahan sa mga nagsasanay. Kasama din dito ang pagpapakilos at pagtatatag. Ito ay hindi tradisyonal na pagsasanay.

Ang ganitong uri ng pormalisasyon at institusyonalisasyon ng pagsassanay ay naghahatid ng panganib ng paghihina ng pagsasanay, ng pagbibigay diin sa pagsasalin ng kakayahan sa halip na palakasin ang loob, pagpapakilos at pagtatatag ng mga aspeto ng pagsasanay.

Pagsasanay sa Pamamahala ito ay nilinang para sa pagpapalakas ng epektibong paglikom ng kita ng mga matataas na tagapamahala korporasyon.

Ito ay iniba dito, at isinama sa mga pamamaraan ng pagtatatag ng mga unyong pangkalakalan, para sa layunin ng pagpapakilos at pagpapalakas ng kakayahan ng mga kominidad ng mababa ang kita upang sila ay magsama-sama na tulungan ang sarili, para sa pagbabagong kaunlarang panlipunan.


 

PAGSASAWALANG BAHALA

Ang pagsasawalang bahala ay isa sa mga limang pangunahing salik ng kahirapan at pagtangkilik.

Minsan ito ay may relasyon sa pilosopiya ng ¨BAHALA NA¨. "Magdasal sa Diyos, pero dapat magsagwan patungo sa dalampasigan," isang kasabihang Ruso (Russian), ipinapakita nito na tayo ay nasa kamay ng Diyos, subalit mayroon din tayong responsibilidad na tulungan ang ating sarili.

Tayo ay nilikha ng may maraming kakayahan: para pumili, para makiisa, para magtatag upang mapabuti ang kalidad ng ating buhay; hindi dapat gamiting rason (reason) ang Diyos o si Allah sa hindi natin pagkilos.

English: apathy, Español: apatía, Français: apathie, Português: apatia, Somali: naceyb


 

PAGTANGKILIK (Dependency Syndrome)

Ang pagtatangkilik ay isang ugali o paniniwala na ang isang grupo ay walang kakayahang lutasin ang kanilang mga suliranin ng hindi naghihingi ng tulong sa iba.

Ito ay isang kahinaan na pinalalala ng kawangkagawa. Tignan: Ang Pagtangkilik.

Deutsch: Abhängigkeit, English: dependency syndrome, Español: síndrome de dependencia, Filipino/Tagalog: pagtatangkilik, Français: syndrome de dépendance, Português: dependencia, Română: dependenta, Somali: ku tiirsanaanta, Urdu: محتاجی کی لت


 

PAGTATAYO NG KAKAYAAN;
PAGLILINANG NG KAKAYAHAN

Pagdagdag sa ¨kakayahan" (abilidad ng komunidad o ng isang organisasyon (samahan o kapisanan). Pagsasakapangyarihan. Pagpapalakas.

Tignan Mga Elemento ng Lakas para sa listahan ng labing-anim na elemento ng pagtatayo ng kakayahan.

Ang pagkakaiba ng paglilinang ng kakayahan at ng pagtatayo ng kakayahan ay makikita sa kung saan nanggagaling ang lakas ng paglago o pag-unlad.

Ang terminong "pagtatayo ng kakayahan" ay nagpapakita na ilang mga ahensya sa labas ng komunidad o organisasyon ang nagbibigay ng lakas upang madagdagan ang kakayahan.

Ito ay nababatiran ng konsepto ng "pag-iihinyerong sosyolohikal."

Ang terminong "paglilinang ng kakayahan," naman ay nagpapakita na ang lakas para sa pag-unlad ay nasa loob ng komunidad o organisasyon.

Tignan ang slogan ni Julius Nyerere; ang komunidad ay nililinang ang sarili.


 

PAKIKILAHOK (Partisipasyon)

Ang ¨Pakikilahok¨ ay ginagamit sa iba't ibang konteksto sa lugar na ito. ¨Pakikilahok ng Komunidad" nangangahulugan na ang lahat ng miyembro ng komunidad ay nakikilahok sa pagpapasya na nakaka-apekto sa komunidad (hindi lamang kinukonsulta o nagbibigay ng kontribusyon).  Tignan PAR.  Tignan din Pangsambayanang Tipan o Kompromiso.

Ang ¨Pakikilahok na Pagsasanay¨ ay nangangahulugan na ang mga nagsasanay ay natututo sa pamamagitan ng panggawa, halimbawa pakikilahok bilang isang epektibong pamamaraan ng pag-aaral ng mga kasanayan. Ang mga kalahok ay hindi natututo kapang sila ay nakikining lamang sa lektyur o presentasyon.¨ Pakikilahok na Pamamahala¨ ang ibig sabihin nito ay ang pamamahala ay hindi lamang nasa mga tagapangasiwa, ngunit ito ay trabaho ng lahat.  "Pakikilahok na Pagsusuril" (PRA) ito ay nangangahulugan na ang komunidad o organisasyong naaapektuhan ay nahikayat na makilahok sa pagtatasa o pagtatantiya ng sitwasyon at pagtukoy sa mga prayoridad.

Deutsch: partizipation, English: participation, Español: participación, Français: participation, हिन्दी (Hindi): सहभागिता, Italiano: participazione, Português: participação


 

PAKIKILAHOK NA PAGTATAYA (Tasasyon)

Bago planuhin ang isang proyekto, ang sitwasyon ay kailangang tayahin o tasahin (assess). PAR o PRA

Para ang isang proyekto ay maging "batay sa komunidad kinakailangang ang buong komunidad ay makilahok sa pagmamasid at pagsusuri, titignan ang mga problema, mga potensyal, mga yaman at mga balakid.

Ang komunidad at ang mga miyembro nito ay hindi agarang nakikilahok sa sarili nitong tasasyon (assessment). Ang kautusan, patas, pariral ng disenyo ng proyekto o pagsasaad ng intensyon ay hindi kasiguraduhan na ang buong komunidad ay makikilahok.

Ang mga miyembro ng komunidad ay nangangailangang palakasin ang loob, gayundin ng mga kasanayan, stimulasyon at gabay upang makilahok sa tasasyon. Ilang sa mga gawain ng isang manggagawa sa komunidad, tagapagpakilos o tagapasilita, ay ang ibigay ang mga ito.

Ang pagbibigay ng ganitong stimulasyon at pagsasanay ay tinatawag din sa akronim na, PRA or PAR.

Deutsch: participatory appraisal, English: participatory appraisal, Español: evaluación participativa rural, Français: évaluation rapide/rurale participatoire, Português: avaliação de participação


 

PAKIKILAHOK NA PAGTATAYA (Tasasyon)

Bago planuhin ang isang proyekto, ang sitwasyon ay kailangang tayahin o tasahin (assess). PAR o PRA

Para ang isang proyekto ay maging "batay sa komunidad" kinakailangang ang buong komunidad ay makilahok sa pagmamasid at pagsusuri, titignan ang mga problema, mga potensyal, mga yaman at mga balakid.

Ang komunidad at ang mga miyembro nito ay hindi agarang nakikilahok sa sarili nitong tasasyon (assessment). Ang kautusan, patas, pariral ng disenyo ng proyekto o pagsasaad ng intensyon ay hindi kasiguraduhan na ang buong komunidad ay makikilahok.

Ang mga miyembro ng komunidad ay nangangailangang palakasin ang loob, gayundin ng mga kasanayan, stimulasyon at gabay upang makilahok sa tasasyon. Ilang sa mga gawain ng isang manggagawa sa komunidad, tagapagpakilos o tagapasilita, ay ang ibigay ang mga ito.

Ang pagbibigay ng ganitong stimulasyon at pagsasanay ay tinatawag din sa akronim na, PRA or PAR.


 

PAKIKILAHOK NG KOMUNIDAD

Ang pakikilahok ng komunidad ay higit pa sa kontribusyon na trabaho o mga kagamitan; ito ay pakikilahok sa pagpapasya, na pumili ng proyektonbg pangkomunidad, planuhin ito, isagawa ito, pamahalaan, subaybayin, at kontrolin ito. Ang pakikilahok ng komunidad ay iba sa kontribusyon ng komunidad.

Pagbibigay-Buhay Panlipunan itinataguyod ang mga gawain ng tinututukang komunidad, kung saan nakikita ang komunidad na umaako ng responsibilidad sa sarili nitong kaunlaran, mula sa pagpapasya kung ano ang mga proyekto na gagawin, at paghihikayat para mapakilos ang mga yaman o kagailangan at pagtatatag ng mga gawain.

Ang pagtataguyod sa pakikilahok ng komunidad ay tumututok at sinisiguro na ang mga pasya na nakakaapekto sa komunidad ay gagawin ng lahat (hindi lamang ng iilan) ng miyembro ng komunidad (hindi ng mga ahensya sa labas).

Sa pamamaraang ito, ang kontribusyon ng komunidad ay hinihikayat, dahil ito ay nakakatulong sa komunidad upang ito ay maging mas responsable sa mga gawain kung sila ay magbibigay ng mga kailangan sa paggawa nito. Hinihikayat din natin ang gobyerno, at ang mga nagbibigay ng donasyon na idulong ang mga gawain sa komunidad; ito ang tinatawag na konsultasyon sa komunidad.

Ang pakikilahok ng komunidad dito ay dapat hindi ginagamit bilang katumbas ng kontribusyon ng komunidad o konsultasyon sa komunidad. (gaya ng kadalasang nagagawa ng mga ahensyang tumutulong); Ang pakikilahok dito ay nangangahukugan ng pakikilahok sa pagpapasya, sa pagkontro at sa koordinasyon.


 

PAKILUSIN

para pakilusin ay para magdulot ng aksyon sa loob ng isang grupo o komunidad.

Stimulasyon. Hindi kagaya ng pagtatag, dahil may aksyon na dapat mangyari (ang mga tao ay kumikilos, , gumagalaw) before it can be called mobilization.

bago ito masasabing pagpapakilos o mobilisasyon. Kagaya ng pagbibigay-buhay sosyal o panlipunan, maliban sa ang pagbibigay-buhay ay nangangailangan ng pagpapakilos at pagtatatag.  Tignan¨ Aksyon."

English: mobilize, Español: movilización, Français: mobilisez, Português: mobilizar, Somali: wacyigelinta


 

PANGKASARIAN O KASARIAN

Ang salitang ¨kasarian o pangkasarian¨ ay ginagamit pata kilalanin ang dalawang kategorya, ¨pangkalalakihan¨ at ¨pangkababaihan."

Ito ay hindi dapat ihalintulad o sili kaya'y isipin ang salitang "kasarian" na ginagamit lamang para kilalanin ang "lalake" and "babae."

Ang pangkasarian, at ang mga interpretasyon ng kung ano ang bumubuo sa pangkalalakihan o pangkababaihan ay di hamak na iba sa kultura at bawat kultura, sa komunidad at bawat komunidad.

Ang ating binibigyan pansin sa pangkasarian o kasarian ay nakatutok sa kung paano ang mga pagkakaiba ng kasarian ay nakakaapekto sa distribusyon ng kapangyarihan, relasyong pang-ekonomiya, at pagkakaiba sa lipunan.

Ito ay mga mahahalagang salik na umaapekto sa mga komunidad, at may epekto sa uri ng trabaho ng bawat tagapagpakilos.

Ang tagapagpakilos (bilang parte ng mga kailangang malaman tungkol sa komunidad) ay dapat naiintindihan kung ano ang mga binibigyang halaga, kaugalian, at mga konseptualisasyon ang pare-pareho sa mga miyembro ng komunidad.

Ang tagapagpakilos ay dapat ding siguraduhing mabawas ang hindi pantay na politika at pagkakaibang sa ekonomiya na naghahati sa mga kasarian, bilang mahalagang elemento ng pagsasakapangyarihan ng komunidad. Tignan ang modulo sa pagsasanay na Pangkasarian o Kasarian.  Tignan din:  Edad, lahi at kasarian.

Deutsch: gender, English: gender, Español: género, Filipino/Tagalog: pangkasarian o kasarian, Français: genre, Kiswahili: ujinsia, Português: género, Română: gen, Somali: jandar


 

PERA

Ang pera at kayamanan ay hindi pareho. Ang pera ay isang simbolong kultural na kinakailangang paniwalaan ng lahat na mahalaga.

Ito ay maaaring gamitin bilang panukan ng yaman, isang pamamaraan ng pagsasalin o pagpapalitan ng kayamanan at isa ring paraan upang magtago ng kayamanan. (Tignan "kayamanan," at Mga Prinsipyo ng Kayamanan).

Ang pera ay hindi kayamanan.

Deutsch: geld, English: money, Español: dinero, Filipino/Tagalog: pera, Français: argent, Português: dinheiro, Română: bani, Somali: lacag



 
──»«──
Kung ikaw ay makakita ng salitang may relasyon sa pagsasakapangyarihan ng komunidad, at ito ay kinakailangang pag-usapan, maaaring, sumulat sa amin.
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
──»«──
Huling binago: 2015.10.08

 Pangunahing Pahina