Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

Català
Ελληνικά
English
Español
Français
Italiano
Português
Română
Русский

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

TALAKAYAN TUNGKOL SA KASARIAN AT PANANALITA

pinamagitan ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni

Magandang gabi po, Dr. Phil, Ako ay mayroong isang proyekto na kailangang gawin at kailangan ko ng tulong para doon. Ako ay nagsaliksik sa inyong puwesto sa internet at wala akong nakita na makakatulong sa aking pangangailangan. Ito po ang aking tanong, “Paanong ang pananalita ay nakaugnay sa kasarian?” Ako ay mayroon nang naisulat nguni’t kailangan ko pa rin ng ibang mga hinagap so kung maaari lang na ako ay inyong tulungan? Maraming salamat po, Nemat

Maraming lugar na ang kasarian at pananalita ay nag-uugnayan sa sosyolohiya.

Kapag ang mga sosyolohista ay nag-aaral ng pamamaraan ng pagsasapanlipunan, tinitingnan nila hindi lamang kung paano ang byolohikong organismo, isang tao, ay nagiging maka-tao (isang paraan ng pag-aaral), at pati kung paanong ang lipunan at kultura ay nagsusupling ng kanilang sarili kapag ang kanilang maka-tao at byolohikong tagapagdala ng organismo ay namatay.

Ang ipotesis nina Sapir-Whorf ay nagmumungkahi na habang natututo tayo ng isang pananalita, ang ating pag-unawa ng katotohanan ay nahuhubog.   Samakatwid, ang ating mga saloobin tungkol sa ano ang panlalaki at pambabae ay ating natututuhan sa pamamagitan ng ating pamamaraan ng pag-aaral ng isang pananalita.

Ang pananalita ay tuloy nananatiling bahagi ng kultura ng mahabang panahon makalipas na ang mga unang tagasalita ay namatay na; at ang mga pagbabago nito ay naaantala sa likuran ng mga ibang panlipunang pagbabago.

Ang salitang “kasarian” (na tumutukoy sa panlipunang kaibhan sa pagitan ng panlalaki at pambabae) ay hiniram sa gramatika; at iyon ay kaiba sa salitang “tauhin” (na tumutukoy naman sa byolohikong kaibhan sa pagitan ng lalaki at babae).

Ang ating kultura ay mayroong matindi at hindi matwid na opinion na ang mga ito ay polar na magkasalungat at may dalawa lamang na kategorya.

Ito ay hindi totoo mula sa byolohikong paningin.

Mayroong mga tao na may labis na Y o X na kromosoma, at hindi maaaring maibukod kung lalaki o babae.  Mayroon din tayong kambal na ang kauna-unahang selula ay nagsama sa loob ng bahay-bata ng kanilang ina, isinilang na isang sanggol lamang; at naiwan ang isang pulutong ng “DNA” sa isang bahagi ng katawan (kagaya ng balat, buhok at iba pang mga panlabas na parte), samantalang ang ibang “DNA” ay nasa ibang bahagi (katulad ng mga panloob na parte).

Ang mga pagkakaiba natin sa pag-aari ng lalaki o babae ay kahanga-hanga na napakaliit lamang (kapag siniyasat ng mabuti); at maski na ang mga pagkakaiba natin sa sekundaryong sekswal na katangian ay mas maliit kumpara sa mahigit ng 99 na porsiyento ng ating pangkatawang kabuuan na magkatulad sa mga lalaki at mga babae.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga particular na gamot maaari nating maulukan ang mga sekundaryong katangian sa mga tao, upang bigyan sila ng mga alternatibong katangian.

Ang ating pananalita, sa kaibahan, ay nagsimula upang makita ang ganitong mga maliliit na pagkakaiba; lalaki at babae, bilang polar na magkasalungat; at nag-isplit ng mga tao sa ganoong dalawang kategorya.

Ang maingat na pagmamasid nang kung paano tayo magsalita ay nagpapakita na ang mga lalaki at babae ay gumagamit ng hindi gaano magkaibang sistema sa tono.

Ang tono ay ginagamit sa ibang mga pananalita (Intsik at Akan) upang baguhin ang bokabularyo.

Sa salitang Ingles, ito ay ginagamit sa pananarinari ng pormal na kayarian ng ating mga pangungusap.

Ang mga lalaki ay mas nakakiling na gumamit ng tatlong tono samantalang ang mga babae naman ay may hilig na gumamit ng limang tono sa kanilang araw-araw na pagsasalita.

Ito ay isang pagkakaiba na ating natutuhan, at ang mga tao na hindi bingi sa tono na nag-aral at nagsanay sa ganitong pananalita ay maaaring matutong magsalita sa alternatibong sistema ng tono.

Ang salitang Ingles, hindi katulad ng ibang mga pananalita, ay mayroong dalawang salita para magtukoy ng hiwalay sa lalaki at babae; subali’t wala itong salita upang tumukoy sa maski alin sa dalawa.

Ito ay isang pangkulturang bagay ng pagkakaiba.

Ang aking pangalawang pananalita, ang salitang Akan Twi, ay mayroong isang salitang “no” para magtukoy sa kapwa lalaki at babae.

Sa salitang Ingles, hindi natin maaaring gamitin ang salitang “it” dahil iyon ay hindi angkop na gamitin sa pagtukoy sa mga tao.

Kapag ako ay nagsusulat sa salitang Ingles, mas gusto ko na gamitin ang salitang “s/he” upang makapanaig kapag ang kasarian ay hindi alam o kaya ay maski alin sa dalawa.

Ang salitang Amharik, na pangunahing pananalita sa bansa ng Etyopya, ay mayroong pambabaeng (anchi) at panlalaking (anti) porma ng salitang “ikaw”.

Ang pananalita sa bansang Siyam (Siyames) ay mayroong dalawang porma ng salitang“salamat po”, batay sa kung ang nagsasalita ay lalaki (kop-kun-krap) o babae (kop-kun-kaa).

Tangi sa roon, maaari nating mabakas ang maraming simulain ng ating pananalita na kumikilala ng mga pambabaeng katangian bilang segunda klase lamang, mas mababa at sunud-sunuran.

Ang mga pagkiling sa kasarian na ating natutuhan magmula nang tayo ay matuto ng ating unang pananalita ay kadalasang hindi sinasadya, nguni’t batay sa mga baling ng parirala.

Ngayon ay mayroon nang mga sinasadyang pagtatangka upang alisin ang mga pagkiling sa kasarian sa ating mga kaugalian sa pananalita.

Ang mga bagyo ay dating binibigyan lamang ng pangalan ng babae, subali’t ngayon ang pangalan na ibinibigay ay maaaring sa lalaki o babae (pero ang pangalan ng karamihan ng mga sasakyang-dagat ay pambabae pa rin).

Gayon pa man, ang masuring pagsisiyasat ng paggamit ng pananalita ay nagpapakita na malayong landas pa tayo.  Phil

––»«––
Hi Nemat,
Sa kasaysayan ng lipunan ng mga Taga-Europa, ang iyong propesyon bilang narses, Nemat, ay laging naiugnay sa mga babae.   Ang matatag na sangkap ng pag-aalaga ay mula’t sapul ay naiugnay sa mga babae.   Iba naman ang naging kaugalian sa mga lipunan ng hindi-pakanluran.    Nitong nakaraang tatlumpung taon, maraming mga lantad na pagtatangka upang gawing balanse sa kasarian ang propesyon ng mga narses.   Ito ay mayroong nakikipagtulungan na kaugnayan sa mga pagbabago sa saloobin dahil ang mga narses ay kadalasang itinuring bilang mga alila, lalo na ng mga lalaking manggagamot; nguni’t ngayon naman ay nahihirapan silang ipagpatuloy ang ganoong pagturing dahil sa mas marami nang mga lalaking narses. Phil
––»«––
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa www.cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2012.06.13

 Pangunahing Pahina